Masquerade II

619 59 18
                                    

💖💖💖

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

💖💖💖

I helped her sat in the stool beside me bago ako naupo. Nakakatuwa ang liit niya. Kung hindi lang makorte ang katawan nito ay mapagkakamalang thirteen years old.

Nireregla na kayo ito?

Napailing ako sa naiisip ko. Dapat yata pinagdadala ng birth certificate ang mga attendees dito. For my own safety.

We were by the bar's counter sa kabilang gilid ng dance hall. Tapos na ang auction kaya marami na ring tao ang naglipatan dito. Sa harap ay may malaking stage. A well known actress was performing a dance number in her skimpy black short spaghetti strap dress and killer heels. The strobe lights were moving all around.

Kailangan ng signatory na empleyado ng company kapag o-order ng alcohol. So when Kat asked for Spritz the bartender asked for her signature. Umiling siya, "I don't work here." She looked at me. "Do you?"

I nodded and signed. I got myself a martini. When we were settled sipping our drinks, I spoke. "Proxy ka ba?"

"Something like that. Lalaki ang may ari ng ticket ko. I was requested to attend. May penalty daw kasi siya kapag hindi ginamit ang ticket."

Hmm. "I see. Boyfriend mo?"

She half faced me and giggled. "Akala ko ba walang tanungan?"

Pinigil kong mapangiti. "Right, right. Sorry."

"Forgiven. Paano pala kung tulad kong walang kasama. I mean, If I didn't have you? How can I order my cocktail drinks?"

"Madali lang, kahit sino diyan puwede mong hatakin." I looked around behind us kung saan naroon ang mga tao before looking back at her. "Maganda ka naman, maraming uupo sa tabi mo para pumirma."

She laughed. "Nakakatuwa naman ang rule na iyon. Matalino ang nakaisip."

I believe so. "They are very strict. No ticket, no entry. 1 ticket per employee lang. And we paid it. Sapilitan." I chuckled. "So, each and every person in here earns their right to be here."

She nodded then.

"By the way sanay ka bang uminom? Baka kasi malasing ka? Are you driving or may susundo sa'yo?" All of a sudden gusto ko nang bawiin ang sinabi ko kanina sa kanya. I felt like I wanted to know her more. Lalo kung wala naman siyang boyfriend, which I'm not sure. Who knows, baka tatay niya ang may-ari ng ticket.

But then I felt a sudden tug in my gut. Bigla kong naisip na para kong pinagtataksilan si Cheska, kahit hindi ko naman siya nililigawan at lalong hindi kami. I doubt kung naaalala pa ako niyon.

"Grab taxi lang. I want to drink kaya hindi ako nagdala ng sasakyan. I was told na may open bar tonight."

"I see, baka naman malasing ka agad, ang liit mo, eh." I joked. "Dapat matatag. Nag-dinner ka na ba? I was told na kapag hindi daw kumain at uminom ay madaling malasing."

LOVE STRUCK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon