💖💖💖
"Huwag masyadong umarte, ha, baka mas lalong mahalata. Try not to tell lies, too. The lesser lie the better."
Nakanguso ako habang nagbibilin siya. Inihatid niya ako sa ospital na pinagtatrabahuan ko. He was able to arrange his schedule para magawa niya ito. Kapag pauwi naman ay hihintayin ko lang siya ng mga fifteen minutes dahil sabay ang out namin, basta walang mag-o-overtime sa amin. He'd come directly from his office to pick me up.
Siniguro niyang magagawa niya ito as part of our charade. I have to start telling people about him at ganoon din ang gagawin niya sa trabaho niya since boss niya lang ang nakakaalam na may may girlfriend kuno siya dito.
We went to Houston yesterday. Namasyal kami maghapon. We also took lots of pictures together. Lahat ng tsansing nagawa niya na. Hinayaan ko na lang. Pinaakbay ko siya, pinayakap, pinahalik sa pisngi basta may tao. Kapag kami na lang lalo sa kotse ay sinisimangutan ko na siya para hindi umisa.
He would just laugh. "Tingin mo ba I'm taking advantage of you?" At nagtanong pa nga!
"Kamag-anak mo ba si Mr. Suave? Ang smooth ng mga galaw mo, eh! Kahapon lang kita nakaharap kung makaasta ka parang asawa mo na ako!"
"Hindi, ah! Ang asawa dini-deadma, all eyes nga ako sa'yo, eh!"
Napatingin ako sa kanya. "Ano'ng dini-deadma ang asawa?"
"Hindi ba ang mag-asawa bihira 'yong naglalakad ng magkaakbay at magka-holding hands? Kanya kanya sila kung hindi man 'yong anak ang kasa-kasama nila."
"Ayaw ko ng gano'n. Gusto ko sweet kapag may asawa na ako," nakasimangot na sabi ko.
"Tatandaan ko 'yan," nakangiti pa din na sagot niya.
Pinandilatan ko siya. Asumero ng taon! "Hindi sa'yo! Kung mag-aasawa talaga ako ng totoo."
"Bakit fake ba ang magiging kasal natin?"
Napaisip ako.
"Baka makulong tayo pareho kapag ginawa nating fake ang kasal natin."
Umismid ako. "You know what I mean. We won't be married sa tunay na kahulugan ng salita." I looked in front of us. He was driving. Ang galing mag-drive, kasing smooth ng mga da-moves niya. Parang alam na alam niyang mag-drive sa kalsada ng Amerika. "May iniwan ka bang kotse sa Pilipinas?" I asked him.
"Mayroon naman."
"Pakotse ka ba ng company ninyo?"
"Hmm, half-half."
"Half-half?"
"Yeah, ibig sabihin depende sa mapipili mong sasakyan. So kapag sinabi nila sa'yo na one M ang budget at ang napili mo ay tig two M. Tig one M kayo ng company."
BINABASA MO ANG
LOVE STRUCK (COMPLETED)
RomanceTwo people bound by their unusual past. One wants to go back. The other has no idea. Until their love finds its own way to each other. (The setting is in Texas, USA)