💖💖💖
"Sure ka bang okay ka lang?"
"Oo naman. Maya-maya magiging okay na ulit ako. Usually morning lang ganito. Parang allergic rhinitis pero hindi ko naman matatawag na colds kung hindi..." hindi niya masabi kung ano. She was just looking at me while on the bed lying down sideways trying to find the right words to describe how she was feeling.
"Magpa-check up ka na kaya?"
"Hindi naman ako nilalagnat. I'm sure wala akong sakit."
I gave up. "Okay, but if you feel really bad, let me know, ha. I'll drive you to the hospital. Huwag muna natin sabihin kina nanay para hindi mag-alala. Kunwari magsi-shopping lang tayo."
"I'm sure I am fine, hindi kailangang umabot sa gano'n."
"I believe you." Dinampot ko ang black silk invitation with silver and gold lining na ibinibigay niya. Nilapag niya iyon sa ibabaw ng kama. I was standing at the foot of her bed when I opened it. "Wala ba akong huli dito?"
She giggled. "Huli. pero hindi kulong."
I rolled my eyes. "Gabi 'to, ah. Baka hindi ako payagan nina nanay."
"Mas hindi ako papayagan. Saka puwede mo naman sabihin na mag-o-overnight ka sa bahay ng kaibigan mo. Ginagawa n'yo naman 'yon paminsan minsan."
"Magsisinungaling ako?"
Lumabi siya. "Baka nga kasi hindi ka payagan."
See, even her doubted kung papayagan ako. Hindi naman mahigpit ang mga magulang namin. But being a girl, going out at night with possible drinking was a no, no!
I studied the invitation. Mukhang mamahalin, although walang presyo. Pero may pangalan. "Okay lang ba na pangalan ng lalaki ang nandito?"
"Yang invitation na iyan ang pinakaimportanteng bagay na dapat nasa iyo kapag pumunta ka diyan. They won't even look at the name according to Gerome. Kailangan bumalik sa opisina ang eksaktong bilang ng sold tickets. Iti-trace ang wala at pagmumultahin. So kukunin nila iyan sa iyo sa entrance."
"Ang weird, dapat ay choice iyon kung ayaw o gustong pumunta."
"May auction kasi. They didn't want to miss the opportunity to have as many bidders as needed. Pero bawi naman daw iyan. Food and drinks are overflowing. May entertainment show pa at talagang mga sikat na celebrities ang kumbidado. Then there's a raffle, if you can stay that long."
I want to stay as long as I could. I would use this event as a scape goat. Baka sakaling tuluyang mawala ang mga masasakit na damdamin sa puso ko. Akala ko noon ay arte lang, But gosh! Ilang linggo nang kasal si Devin.
It had been weeks mula nang sabihin ko ang damdamin ko sa kanya matapos ang kasal niya. Siniguro kong kasal na siya nang gawin ko iyon para hindi niya isipin na may plano akong guluhin ang relasyon niya. Na may plano akong agawin siya sa asawa niya. I was not that desperate, kahit gaano ko siya kamahal. And I would never be, kahit kaninong lalaki. It was just not my cup of tea.
BINABASA MO ANG
LOVE STRUCK (COMPLETED)
RomanceTwo people bound by their unusual past. One wants to go back. The other has no idea. Until their love finds its own way to each other. (The setting is in Texas, USA)