💖💖💖
FIVE YEARS AGO
"Ano'ng drama 'yan?" I asked, my supposed to be best friends sarcastically.
"Loko, hindi 'to drama, masama talaga ang pakiramdam ko. Kaya nga hindi ako pumasok, eh. Alam mo ba, nagkaroon ako ng amoebiasis no'ng bata pa ako. Sabi ng doktor tumatabi lang daw 'yon, hindi namamatay o lumalabas, pinili niyang mag-activate ngayon."
"Hindi ako naniniwala, parang buong-buo naman ang boses mo. Hindi halata na may amoebiasis ka!"
"Natural nagga-gamot na ako. Two days na 'to, nagpa-doktor na ako. But I am still vomiting and having diarrhea, ayaw ko munang lumabas."
"Lame excuse."
He chuckled. "Babawi ako sa'yo."
"Ugok! Kailan? First and last time ito. Kaya nga tayo bumili ng tickets, eh. Yearly, boring auction lang ito. Tinopak lang ang event coordinator natin kaya umentra ng masquerade ball. Ayaw ko na tuloy pumunta. I'll just pay the penalty."
"Huwag kang maarte! Para kang babae! Puntahan mo 'yan!"
"Ikaw ang nagyaya dito. Wala akong hilig sa ganito. I don't dance."
Tumawa pa ang gago! "Eh, 'di huwag kang sumayaw. Marami namang option na gagawin diyan. Sports Bar, auction, entertainment."
"Yeah, but I have to wear a mask all night."
"So? 'Yong binigay ko sa'yong mask, malambot 'yon. Hindi mo mararamdaman at bandang mata mo lang talaga ang cover."
"Para saan pa ang mask kung mata ko lang ang tatakpan?"
"Hey, ikaw ang nagsabi na hindi mo kailangang magtago. Pareho nga tayo 'eh. Bigay na bigay, no air of mystery."
I sighed. "Sige na, naiinis ako sa'yo. Don't talk to me for weeks baka samain ka sa akin."
He laughed all the more.
Binabaan ko siya phone at muling hinarap ang trabaho.
BINABASA MO ANG
LOVE STRUCK (COMPLETED)
RomanceTwo people bound by their unusual past. One wants to go back. The other has no idea. Until their love finds its own way to each other. (The setting is in Texas, USA)