Inosaint City

232 19 2
                                    

WANTED na si Evandro Martinez sa kanilang lugar matapos mapatay ang sariling asawa. Nagbanta kasi itong hihiwalayan siya kapag hindi niya tinigilan ang iligal na negosyo.

Naglakbay siya sa isang malayong probinsiya at doon nagtago. Ginamit niya ang natirang pera sa pagbebenta ng mga droga para makaupa ng mumurahing bahay. Sinanay na niya ang sarili na mamuhay mag-isa.

Isang araw ay napadaan siya sa tulay patungong palengke gamit ang bisikleta. Sa bilis ng pagpapatakbo niya sa bike ay nabangga niya ang isang batang naglalakad habang naglalaro sa video game nito. Pareho silang natumba at nahulog pa sa ilog ang cellphone niya na dumulas sa bulsa.

Kumulo ang dugo ni Evandro sa bata. "Putang ina ka! Tingnan mo ang ginawa mo! Nahulog pa 'yong cellphone ko! Hindi ka kasi marunong tumingin sa dinadaanan hayop ka!"

"Ay sorry naman po!" Agad tumayo ang bata at pinulot ang video game nito. "Hindi ko po sinasadya. Hindi rin naman kasi kayo nag-iingat, eh!"

"At sumasagot ka pa talaga? Hindi mo ba kilala kung sino ang nasa harap mo ngayon?" pagbabanta ni Evandro.

"Hindi po. Ngayon nga lang kita nakita, eh. Bakit sino ka ba?"

"Hindi mo ba alam na wanted ako sa lugar namin noon? Hindi ka ba marunong matakot sa akin?" tinaliman ni Evandro nang mata ang bata para matakot ito.

Napatingin na rin ang mga tao sa kanila dahil sa lakas ng boses niya.

"E, ano naman po ngayon kung wanted ka sa lugar n'yo? Dito sa amin bawal ang masasamang loob dahil hinuhuli sila ng mga pulis."

"Pilosopo ka talaga, ano? Gusto mo bang makatikim sa akin?"

"I don't care, eh, eh, eh, eh, eh!" pang-aasar sa kanya ng bata.

Hindi napigilan ni Evandro ang init ng ulo. Dinukot niya ang baril sa bulsa at pinaputukan sa ulo ang bata. Bagsak agad ang katawan nito at nabitiwan ang video game.

Nagsigawan ang mga taong nakakita sa pangyayari. Lahat ng kanilang mga mata ay nakatutok kay Evandro.

Kumabog nang malakas ang kanyang dibdib. Pasimple niyang ibinulsa ang baril at itinayo ang bisikleta. Bago pa siya mapag-initan doon ay kumaripas na siya ng pagpapatakbo sa bike pauwi sa kanila.

Pagkauwi ay napamura na lang siya sa sarili. Ano ba itong nagawa niya? Sariwa pa nga ang nagawa niyang krimen sa dating tirahan, ngayon ay nasundan na naman ng panibago.

Pahamak talaga itong init ng ulo niya. Dalawang tao na ang napatay niya dahil dito. Ewan ba niya kung bakit parang nadedemonyo siya tuwing sumusumpong ang init ng ulo.

Hindi na niya hinintay ang pagkuyog ng taumbayan sa kanya. Siguradong kasalukuyan na siyang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad. Inunahan na niya ang mga ito.

Nang mga sandaling iyon ay nilisan na agad niya ang bahay at kung saan-saang shortcut dumaan para lang makalayo sa taumbayan.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagtakbo, bigla niyang narinig ang boses ng mga pulis na humahabol sa kanya.

Lintik na! Bakit ang bilis nila? Napilitang magpaputok ng baril ang isa para pigilan siya ngunit madali siyang nakaiwas dito. Habang tumatakbo ay siya naman ang nagpaputok sa mga ito.

Isang pulis ang natamaan niya sa bandang dibdib. Bagsak agad ito sa lupa. Lalong uminit ang hininga ng mga awtoridad sa kanya.

Nagtago siya sa iba't ibang bahagi ng gusali para iwasan ang bawat balang pinakawalan ng mga ito.

Nahirapan ang mga pulis sa paghabol sa kanya. Ngunit di nagtagal ay natamaan din siya ng isa sa likod.

Doon pa lang siya napahinto sa pagtakbo at mabilis na bumagsak sa lupa. Bago pa siya makatayo ay tatlong magkakasunod na bala pa ang tumama sa kanya.

Dead Man's Web [Horror Story Collection]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon