One Girl, One Plate

215 13 3
                                    

SA GATE pa lang ng mansyon ay sinalubong na sila ng guwardya. Si Greg ang pumauna sa grupo at kumausap dito.

"Magandang araw po! Kami nga pala 'yung nakausap ni Mrs. Avedra noong nakaraang linggo. Kami po ang research team ng TV Show na Kapamilya Mo, Korina Sanchez (KMKS). Isa po ako sa mga head researchers ng programang ito."

Napangiti naman ang guwardya nang marinig iyon. "Ah, kayo na po ba ang mag-iinterview sa amo ko?"

"Yes po. Ngayon kasi ang napagkasunduan naming schedule."

"Sige po, tuloy kayo! Tatawagin ko lang siya!" Binuksan na ng guwardya ang gate.

"Salamat po."

Sa balkonahe sila unang pinapuwesto ng guwardya. Nagbilin din kasi ang babae na oras na dumating sila ay ipaghanda agad sila ng miryenda.

Agad naman silang inasikaso ng isang katulong nito, habang ang guwardya ay kinokontak pa ang amo nito na nasa loob.

Kasama ni Greg ang tatlo niyang kasamahan na pawang mga researchers din, pati na ang ilan nilang mga cameraman at sound man.

Di nagtagal, pinapasok na sila sa loob ng mansyon at pinadiretso sa theater room. Tamang-tama ang kadiliman ng lugar para sa kanilang eksklusibong panayam dito.

Habang naghihintay sa babae, inayos na ng buong production team ang mga equipment sa paligid para sa taping at interview.

Dumating na rin ang babae di kalaunan at isa-isang bumati sa kanila.

Sina Greg ay nakaupo sa bandang gitna, habang si Mrs. Sanya Avedra naman ay nasa bandang harapan malapit sa malaking projector na tinatakpan ng pulang kurtina.

Medyo malayo ang distansya ng babae sa kanila. Tanging mga camera at microphone lang ang malapit dito.

Iyon ang napag-usapan nilang set-up upang hindi sila makaranas ng masamang amoy. Kailangan malayo sila sa isa't isa.

Si Sanya Avedra kasi ay may dugo raw na Tsino. Nang makapag-asawa ay dito na ito tumira sa Pilipinas at nagpagawa ng mansyon. Subalit makalipas ng ilang taon ay sunod-sunod na kamalasan ang dumating sa buhay nito.

Namatayan ito ng asawa, nagkaroon ng sakit kung saan hindi na ito puwedeng manganak, at namatay rin sa aksidente ang mga magulang nito.

Mag-isa na lamang ngayon si Sanya Avedra. Bagamat may mga kaibigan siya ay malayo naman ang mga ito sa kanya. Ang tanging kasama lang niya sa mansyong iyon ay ang mga katulong at mga guwardya niya.

Ang dahilan kung bakit naroroon sina Greg ay para kuhanan ito ng exclusive interview na ipapalabas nila sa kanilang programa na Kapamilya Mo, Korina Sanchez.

Natuklasan kasi nila ang tungkol sa kakaibang katangian ni Sanya Avedra na wala sa iba. Ito ay literal na kumakain ng dumi ng tao, sa madaling salita, tae.

Nang magsimula ang interview, sinabi ng babae na ang pagkain daw niya ng dumi ng tao ay bigla na lang dumapo sa kanya nang minsang unang beses siyang maputikan.

Bago ang lahat, pinalaki siya ng mga magulang na labis-labis ang kalinisan sa katawan. Kahit anong alikabok ay hindi makakadapo sa kanya. Pati ang mga pagkain na ibinibigay sa kanya ay sinisiguradong malinis din at walang bahid ng kahit anong bacteria.

Basta, nabuhay at lumaki siya sa malinis na environment. Sa labis nga niyang kalinisan ay madali siyang magkasakit at nagkakaroon ng allergic reactions kapag nakalanghap lang ng kaunting dumi, sa paligid man o sa pagkain.

Talagang maselan noon si Sanya Avedra. Ang labis-labis na kalinisan ay nadala niya hanggang sa paglaki. Kahit wala na ang mga magulang ay hindi pa rin siya huminto sa "clean lifestyle" niya.

Dead Man's Web [Horror Story Collection]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon