°Chapter 2°

84 7 0
                                    


"Athelia, gising na"

Dahan-dahang kong minulat ang mata ko dahil nag-aadjust pa ang mga mata ko sa liwanag at tumingin sa taong nasa harapan ko.

"Dad...." bulong ko.

"Hm" sabi niya at tumango habang nakangiti.

"Pinatulog mo ako" sambit ko sa kanya.

"Kung hindi ko ginawa iyon, baka kung ano na ang nangyari sa iyo"

"Bakit mo ginawa iyon?" makahulugan kong tanong sa kanya habang kalmado ang expression ko.

"Para sa kaligtasan mo"

"Alam mong hindi iyon ang ibig kong sabihin!" sigaw ko at akmang tatayo na ng may napansin akong mali. Ngayon ko lang napansin na nakaupo ako sa upuan ngunit nakatali ako, ang kamay kong nakatali kasama ng hita ko, gayon din ang itaas na parte ng katawan ko.

"Dad, ano to?" tanong ko at pilit na ginagalaw ang buo kong katawan.

"Alam kong magiging agresibo ka kaya ginawa ko iyan, anak, hayaan mo muna akong magpaliwanag, ha?"

Tinitigan ko lang siya at simpleng tumango at nakita ko siyang ngumiti ng kunti.

"Gumawa ako ng virus na makakabuhay ng patay dahil gusto ko iyong gamitin sa Mommy mo, pero hindi ko akalain na papalpak ako, ngunit mabuti na lang ay nakagawa ako ng isa pang virus na magiging kalaban ng virus na tinurok ko sa Mommy mo, kaya't ang bagong virus na ginawa ko ay ang naisip kong magiging immune sa isa pang virus" sabi niya at kinuha ang isang bolt sabay binuksan ito, may kinuhang isang injection at isang maliit na bote na nasa loob nito ay isang red violet na liquid.

Ininject nito ang injection sa bote at sinipsip ng injection ang lahat ng laman ng bote, sabay pinitik pitik nito ang karayom. Naalarma ako ng makita ko siyang lumapit sa akin habang hawak ang injection.

"Athelia, h'wag lang mag-alala magiging maayos ka rin pagkatapos ko iyong iturok sayo" Sabi ni Dad habang nakangiti tulad ng isang sikat ng araw sa umaga.

Pero tinitigan ko lang at simpleng sinabi.

"Dad, alam mo bang gumawa ka ng isang problemang pwedeng umubos ng mga tao sa mundo! Gumawa ka ng halimaw! Dad! Ng zombie!"

"Huli na para magsisi, Athelia, kaya itutuloy ko na lang ito, kung sakali mang hindi ito matuloy, alam kong hahanapin nila ito at gagawa sila ng paraan upang ituloy pa rin ito"

"Dad, sinong sila?"

Pero hindi niya ako sinagot at tinusok ang injection sa braso ko ni Leo Moffes, ang ama ko.

"Magiging maayos ang lahat, Athelia, your a fighter tulad ng Mommy mo at palagi kong alam yan" sabi niya at kinuha ang injection sa braso ko.

Napapikit ako ng maramdaman kong parang umikot ang paningin ko kaya minulat ko ang mata ko at pinikit uli.
Nang maramdaman kong medyo ayos na ang pakiramdam ko ay minulat ko uli ang mata ko. Bumuntong hininga ako at tumingin kay Dad.

Nakita kong may hawak siyang isang remote at narinig ko siyang nagsalita, "Pagpinindot ko ito ay makakatakas ang mga zombies at sasakupin nilang lahat ang mundo." sabay tingin niya sa kulay pulang bottom.

"Makakalabas ang zombies mula sa parking lot ang bahay natin."

Pagkasabi niya ay pinindot niya ang pulang bottom at nakarinig ako ng malakas na tunog ng bakal na para bang pagbubukas ng isang secret passage. Kasunod nito ay ang mga ingay.

Roar...... Growl.....

"Athelia, isipin mo na lang na ang mga susunod na mangyayari ay ang una kong binigay na pagsubok para sayo"

The Apocalypse: Female SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon