°Chapter 6°

66 5 0
                                    

Naging alerto ang lahat habang ang mga babae't matatanda ay humanap ng matataguan. Natakot din ang matandang babae at pumunta sa cashier.

Mabilis namang kinuha ni Athelia ang kaniyang baril at nilagay ang sa dalawang eco bag ng malaki sa gilid.

Dahil sa paliko ang daan na may mga restaurant at maliliit na kainan sa gilid, hindi makita kung ano ang mga tumatakbo, zombie ba ito o tao.

Papalapit na ng papalapit ang mga yapak hanggang sa makikita sa 40 meter ang layo ang anim na tao, dalawang babae at apat na lalaki ang desperadong tumatakbo.

Napansin din ni Athelia na may kasama itong dalawang security guard.

Masasabing walong metro ang layo nila sa dalawang pung zombie humahabol sa kanila.

----------

Hindi rin naman magkakasabay ang mga zombie dahil may ilang naiwan dahil sa bitbit nila ang ibang parte ng katawan nila na kunti nalang laman ang nagdudugtong.

Kinuha ko ang baril at tinutok sa mga tumatakbong mga tao ay zombie.

"Teka... Teka!, Baka mabaril mo ang mga tao!"

Tumingin ako sa likod at tiningnan kung sinong nagsalita at naalala kong ito iyong kasama ng magkasintahan, kaibigan ata nila, pero alam kong may kakaibang tingin ang babae na ito sa magkasintahan lalo na sa lalaki, iyong titig na may pagnanasa, tsk toxic.

Malamig ko siyang tinitigan, kinasa ang baril at pinutok sa unahan habang nakatingin sa babae.

Narinig kong nahigit ng iba ang kanilang hininga dahilan ng gusto kong ngumisi ngunit sa labas ay walang emosyon ang makikita nila sa mukha ko.

Lumingon ako sa unahan at nakitang nakahandusay na ang nauunang zombie kanina sa sahig habang inapakan lamang ito ng mga kasamahang zombie.

Tinaas ko uli ang baril at tinutok uli sa mga zombie nag-uunahan para makahabol sa mga tao sa unahan nila at pinaputok.

Isa, dalawa, tatlo

Apat, lima, anim...

...........

Tinigil ko ang pagbaril nang tatlo nalang ang natitirang zombie.

"Kayo na ang bahala" sabi ko at napatingin sa baril ko na umuusok ng kunti.

"Tsk, ang daming nasayang na bala" mahina kong bulong at tumalikod papuntang exit, hinablot ang dalawang eco bag sa gilid.

May narinig akong mga ingay ngunit nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggang pagdating sa pinto lumingon ako at nakita ang tatlong nakahandusay na zombie habang ang anim na mga lalaki kasama ang dalawang security guard ay may hawak na kanya-kanyang panalo at ang mga damit nila ay may mga talsik ng dugo ng zombie.

Ngumiti ako ng kunti at binuksan ang pinto nasa harap ko. Nang makalabas ay tiningnan ko ang itaas ng hagdan kung may gumagalaw.

Nang masiguradong wala ay lumabas na ako sa mall at sumalubong sa akin ang sikat ng araw.

Nakaparada pa rin ang sasakyan pero napapalibutan ito ng apat na zombie. Napansin siguro nilang may gumalaw sa likod nila at sumugod sa akin. Mabilis kong kinuha ang katana at niresulba kaagad ang apat na zombie.

Pinasok ko ang dalawang eco bag sa loob at sinara uli ang pinto ng sasakyan.

Pumasok ako uli sa sasakyan at umaakyat sa hagdan, pumasok sa exit door ng 2nd floor. Medyo marami rin ang mga zombie ngunit nalinis ko rin kaagad.

Katulad ng sa 1st floor at kumuha rin ako ng eco bag at kumuha ng mga ilang pair ng damit ng pang lalaki, pambabae, at meron ding pang bata gayon din ang ilang boots at sapatos.

Marami akong naririnig na mga kaluskos sa ibang parte ng floor na ito ngunit pinabayaan ko lang dahil plano kong makabalik ng maaga sa bahay.

Bumaba uli ako sa hagdan, lumabas ng mall pagkatapos kong kumuha na mga mahahalagang kailangan sa second floor at nilagay uli sa sasakyan.

Bigla kong naalala na kailangan ko pa palang kumuha ng mga gamot kaya't bumalik ako ng first floor at hinanap ang pharmacy kung saan kinuha ko ang ¾ na anti-biotics at iba pang gamot.

Wala akong nakitang ibang survivor kanina kaya't naisip ko na baka umalis na sila dito sa first floor.

Malaki ang mall na ito kaya't kung gusto mong makasiguro at iikutin mo pa ito pero para sa akin masyadong nakakaubos ng oras.

Nang matapos ko nang mailagay ang mga gamot sa bag ko at aalis na sana ay may narinig akong ingay at sigaw na halatang may kaguluhan sa loob ng storage room ng pharmacy.

Mabilis kong kinuha ang baril at tinutok sa unahan ko.

"AHHH! Tulong!"

Sigaw doon at may kasunod pang mga ingay na pagkahulog ng mga gamit sa loob at tunog ng pagpalo.

Lumakad ako ng dahan dahan upang tingnan kong ano ang nangyayari, bigla kong naalala, medyo pamilyar ang boses ng babaeng iyon!

Binilisan ko ang paglakad, lumiko at nakita ang nakasarang pinto kaya't binuksan ko ito.

Nakita ko ang babaeng nasa sahig nakahiga habang nasa ibabaw nito ang zombie na naka-damit pang nurse at kinakagat ang bakal na nagsisilbing dahilan upang maging buhay pa ang babae.

-------

Agad pinutok ni Athelia ang baril sa ulo ng zombie dahilan ng pagtalsik ng mga dugo nito sa mukha ng babae at pagkawasak ng ulo ng zombie.

"AH-!!!"

Tinulak ng babae ang katawan ng babaeng zombie na nakapatong sa kanya.

Pumunta si Athelia at tinulungan ang babaeng tumayo.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Athelia at inabot ang isang malaking plastic na may cotton na kinuha niya sa sahig kasama ang isang puting panyo.

"Athelia?!"

Napatigil si Athelia at mabilis na nilingon ang babae. Tinitigan niya ito habang pinupunasan ang nito ang mukha.

Nang maging malinis na nang unti ang mukha ng babae ay labis ng nagulat si Athelia bumalik ang mga alaala niya na nasa kailaliman ng mga kalooban niya.

"Ate... Ate Fenn" sambit niya dito

"Ikaw nga... Ang laki muna! Kamusta ka na? Huh? Bakit may ganito? Anong nangyari kay Kira?"

"Sinong Kira?"

"Siya ang nakita mong gustong pumatay sa akin, ewan ko kung anong rason niya at gusto niya akong patayin"

"Ahhh kasi"

At inumpisahan ko nang ikuwento sa kaniya ang mga nangyari, pagkatapos ay nag-iiba na ang ekspresyon niya.

"Sigurado ka ba?, May iba pang may pakana nito?"

"Oo, at kailangan kong maibigay ang memory card sa militar"

"O sige, tutulungan kita at condolence kila Tita" sabi niya at niyakap ako.

"..."

"Ilang taon ka na pala ngayon, Athelia?" tanong nito kay Athelia.

"Ah..... 20 po Ate Fenn, eh kayo?"

"26 na ako ngayong taon, haha buti nalang nakita mo ako kung hindi baka naging zombie na ako"

"Buti nalang talaga..."sabi niya at ngumiti ng kunti.

"Asan na nga pala si-"

Bigla siyang napatingin at nagbago ang ekspresyon nang may marinig siyang mga mabibigat na yapak.

"Zombie.... Ate Fenn! Kailangan na nating umalis dito!"

"Saglit!"

Napatingin si Athelia kay Fennely na mabilis kumilos sa pagkuha ng cotton, alcohol, at iba pa sabay nilagay sa isang bag.

"Malapit na sila! Tara!"

See you in the next chapter:⁠-⁠)

The Apocalypse: Female SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon