°Chapter 11°

59 10 5
                                    

Athelia's POV.

Marami na ang nagbago mahigit kalahating buwan ang nakakaraan. Lahat ng mga zombie sa compound ay di na makikita dahil lahat ay naresulba na.

Mahigit isang daan ang mga natira sa compound. Mga businessman, businesswoman, doctor or kahit mga artista. Lahat ay naging pantay-pantay dahil sa naging pangyayari.

Mapababae man o lalaki lahat ay may ginagawa.

Kayang lumaban ng mga kalalakihan? Kaya din iyong gawin ng mga kababaihan.

Kayang gumawa ng gawaing bahay ng mga kababaihan? Kaya din iyong gawin ng mga kalalakihan.

Dahil sa nangyari ay nagbago ang lahat, siguro nalaman nila ang mas dapat gawin sa panahong ganito.

Sa paglipas ng mga araw ay tulong tulong ang lahat. May gumagawa ng mga bakod palibot ng compound para maharang ang mga zombie. Merong mga tagapagluto, mga tagahanap ng pagkain at supplies, at mga papatay sa mga zombie na nasa labas ng bakod upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa.

Nawala ang kuryente limang araw pagkatapos mangyari ang lahat, samantalang maayos pa rin ang tubig na ikinatuwa ng lahat.

Umaasa ang ibang survivor na may darating pang tulong upang maligtas sila dahil alam nilang may mga pamilya ang mga opisyal dito. Paniguradong may nag-request ng rescue para makaalis sa lugar na ito na ikinatawa ko.

Mula sa bahay ay nakatingin ako sa malayo habang nakasandal sa pinto. Nakatuon ang tingin ko sa mga survivor na nagmamadaling sumakay sa military truck habang may mga ngiti sa labi.

Nawala na sa kanila kung ano sila nakaraan, kung sino sila, kung gaano kataas ang ranggo, kung gaano sila tinitingala ng lahat ng tao at kung gaano kataas ang sweldo nila buwan-buwan na pinagkukunan ng pride nila.

Ngunit napakunot ang noo ko nang marinig ang pagtatalo sa isang truck kaya't lumapit ako.

"-ang tagal niyong dumating!?" pasigaw na sabi ng isang ginang.

"Ma'am, we're really sorry that we are late but-"

"Of course, you'll need to be sorry!"

"Yes...."

May isang sundalong lumapit sa inaaway na sundalo at may ibinulong. Tumango ang inaaway na sundalo at maaari ibinulong din sa kasama.

"Survivor name: Athelia Moffes. Pumunta dito!" sigaw ng sundalo.

Tumaas ang isa kong kilay at pumunta doon. Napansin siguro ng iba na lalapit ako kaya hinawi nila ang daan.

"Ikaw........?" nanlaki ang mata ng sundalo kaya't nagtaka ako. Hanggang sa namula na ang buo nitong mukha at napansin ko ang pagtulo ng pulang likido sa ilong niya.

Natigilan ako dahil sa nangyari sa kaniya. Tiningnan ko siya kung paano niya unti-unting hinawakan ang ilong niya at mas nanlaki ang mata ng makita ang dugo sa kamay niya.

"Ma'am - Ma'am Moffes, kayo..., ipinapasundo po kayo ng General!" pautal-utal niyang sabi at yumuko.

Huminga ako ng malalim at nagsalita.

"Unahin niyo sila"

**********
"Anong nangyari?, bakit usap-usapan ka sa labas?" nagtatakang tanong ni Ate Fenn.

"Ako ang priority ng mga sundalong pumunta" sabi ko at di mapigilang mapahawak sa pagitan ng dalawang kilay.

"Sasama ka ba?" tanong naman ni Kian na ikinataas ng kilay ko habang tinitigan siya.

"Okay, okay, nagtatanong lang ang tao" taas kamay niyang sinabi.

"Wala akong planong sumama sa kanila" sabi ko sa dalawa na alam kong ikinaluwag ng pahinga nila.

The Apocalypse: Female SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon