°Prologue - Her life°✓

131 13 10
                                    

Nag-iisa sa gitna ng digmaan magulo at nakakatakot, siya si Athelia Moffes, anak ng isang sundalo at ng isang matalinong scientist.

Ang kanyang Ina ay isang magaling na sundalo habang ang kaniyang Ama naman ay ang isa sa mga itinuturing na 'the genius scientist' ng kanilang bansa, ang country D.

Dahil sa katangian ng kaniyang mga magulang ay namana niya ito kaya't binilang siya sa mga matatalinong mga bata.

Iba ang kaniyang pag-iisip sa ibang mga bata, kung ang ibang bata ay gustong maglaro buong maghapon siya naman ay magbasa, magsulat at sumagot ng mga math problems. Alam na rin niya ang mga addition at subtraction sa mababa at mataas na numero.

Sa edad na 16, marami na siyang alam gayon din sa pakikipaglaban na itinuro ng kanyang Ina sa kaniya at dahil sa mabilis siyang matutu, alam na niya ang tai chi, martial arts, combat at judo.

Magaling din siya sa paggamit ng katana na binili ng kanyang Ina sa isang sikat na bilihan ng mga sandata, noong 13th birthday niya. Magaling na rin siyang gumamit ng anumang baril na itinuro naman ng kanyang Tiyo, na isang heneral at isa sa pinakamagaling na sharp shooter ng bansa.

Ngunit sa di inaasahan pangyayari, pinatay ang kanyang Ina noong 18 ang edad niya ng isang malaking grupo ng mga sindekato.

Sa isang sandali nagbago ang lahat, nagbago ang ugali ng mag-ama na ikinabahala ng kanilang mga kamag-anak. Ang kanyang ama ay hindi na niya minsan nakikita kaya't inisip ni Athelia na masyado lang nalungkot ang ama kaya pinabayaan niya ito.

Siya naman ay abala sa pagkuha ng mga information tungkol sa sindekatong pumatay sa kanyang Ina sa pamamagitan ng paghack ng iba't ibang websites na makakatulong sa kanya.

Sa paglipas ng dalawang taon marami sa mga negosyo ng sindekatong iyon ay nawala dahil sa pangingialam ni Athelia. Sa taong din ito ay nakatapos si Athelia ng pag-aaral sa college, sa course na criminology, ngunit sundalo ang gusto niyang maging trabaho tulad ng kanyang ina.

Pero ang lahat ng plano niya ay nasira lang dahil sa isang pangyayaring hindi niya inaasahan.

N/A: See you at the next chapter! 🧡

The Apocalypse: Female SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon