°Chapter 1°✓

103 8 0
                                    

Lumabas ng kwarto si Athelia galing sa Weapon Room ng kanilang bahay na punong puno ng iba't ibang klase ng armas tulad ng collection niyang katana, iba't ibang klase ng baril na nakasabit sa dingding, meron ding iba't ibang klase ng kutsilyo at mga shuriken.

Pumunta siyang kusina upang kumuha sana ng maiinom ngunit hindi siya nakatuloy dahil nakita niya ang kanyang ama na lumabas mula sa isa sa mga kabinet nito.

Tumingin ang kanyang ama sa bandang pwesto niya kaya't napatago siya. Sumilip uli siya at nakita niyang hindi na ito nakatingin sa pwesto niya kundi nakatingin ito sa ibang direksyon na parang sinisigurado niyang walang nakatingin sa kanya, nang masigurado ay lumabas ito sa kabilang pinto.

Pumasok siya sa kusina at binuksan ang kabinet na beywang hanggang paa ang taas. Dahil mataas si Athelia, kailangan niyang umupo.

Pagbukas ng kabinet, ito ay simpleng kabinet lamang na walang laman.

-----

"Hm?, Kung dito nanggaling si Dad paniguradong may paraan para bukas to o kung ano man" Sabi ni Athelia sa sarili habang kinakapa-kapa ang bawat sulok ng loob ng kabinet. Hanggang sa may maliit na hugis bilog siyang nahawakan kaya't pinindot niya iyon.

Biglang lumitaw sa dingding nito ang ang isang security key device na kailangan ng passcode. Pumasok siya sa kabinet na sakto lang ang laki at tiningnan ang security key device, mayamaya ay pinindot niya ang mga numerong iyon, at may narinig siyang 'DING'.

*********
Athelia's POV.

"Hindi ko akalain na iyong birthday ko pa rin ang ginagamit mong passcode, Dad" Sabi ko at lihim na napangiti ngunit ang ipinangtaka ko lang ay bakit may tinatagong ganito si Dad? Ano ba ang ginagawa niya?

Hindi kaya....? Iyong bihira ko na lang siyang makita ay dahil may kinalaman dito?

May iba akong pakiramdam tungkol dito at hindi ito maganda.

Napatigil ako ng maramdaman kong gumalaw ang kabinet pababa na parang elevator. Hanggang marinig ko uli ang 'DING' ay awtomatikong bumukas ang dingding ng kabinet.

Tumalon ako palabas ng kabinet at tumingin sa buong paligid. Isa itong hallway na may mga maliliit na ilaw sa gilid. Nagpatuloy ako sa paglakad habang nakaalerto sa paligid dahil masama talaga ang pakiramdam ko dito.

Umupo ako habang nakatingin sa paligid at dahan-dahang hinuhugot sa bots ko ang isang matalas na kotsilyo. Tumayo ng dahan dahan at lumakad uli, nagulat ako ng marinig akong isang malakas na ingay. Ngunit hindi ko iyon pinakita sa expression ko at kalmadong nagpatuloy sa paglalakad.

***********
Third Person's POV.

Pagdating sa dulo ng hallway ay may panibagong security key device na naman kaya't binuksan niya iyon sa pamamagitan ng birthday ng kanyang ina.

Naisip niya tuloy na napakadali lang ng mga passcode. Ngunit ng pagbukas ng pinto ay tumambad sa kaya ang masangsang na amoy at may kama na gawa sa metal, meron ding mga liquid na iba't ibang kulay. Nang makarating siya sa dulo ay may mga bakas ng dugo sa sahig at sinundan niya iyon ng tingin at papunta iyon sa kulungang gawa sa rehas na malalaki.

Nahagip ng mata ko ang sign sa dingding na '2 meters away' sa kulungang ito at napansin ko ring may pulang guhit sa sahig mula sa kulungan.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kutsilyong hawak ko at umapak sa pulang guhit, may narinig akong mahihinang apak at parang may hinihila...? sa loob ng rehas, tumingin ako sa boung laboratory at nakita ko ang isang flashlight sa taas ng mesa, kinuha ko yon at hinarap sa kulungang bakal.

------

Ng buksan niya ang flashlight ay tumambad sa kanya ang isang babaeng nakayuko, ang damit nitong punit-punit, naaagnas na ang ibang bahagi ng katawan nito at kunti na lang din ang buhok nito.

Humarap ito sa kanya at bigla na lang tumakbo papunta sa kanya ngunit dahil sa pagitan nila ay may rehas, bumunggo ang mukha nito sa rehas at dumugo ngunit hindi ito nagpakita ng sakit, umuungol ito habang binubukas-sara ang bibig nito.

Ang mukha nitong naaagnas na at halos makita na ang bungo nito, kulang ito ng isang mata at ang dugo nitong natutuyo na.

Ngunit nakaramdam ng pagkapamilyar si Athelia habang nakatingin sa nakakasukang mukha ng nasa harapan niya at napansin niyang nakasuot ito ng sundalong uniform at ng tingnan niya ang name tag nito, napahinto siya.

"Mo..... Moffes...?" bulong niya at agad nabitawan ang kutsilyo dahilan ng pagkaroon ng malakas na kalansing ng pagtama ng kutsilyo at ng simentong sahig ay mas naging agresibo pa ang nasa loob ng kulungan kaya't mula sa likuran nito ay may walo pang lumakad papunta sa kanya tulad ng babaeng nasa harapan niya ay dinikit lang nito ang mukha nila sa malamig na bakal habang binubukas-sara ang mga bibig nito sabay ng agresibong mga galaw nito na parang gusto siyang lapain.

"Mom!!" sigaw ni Athelia at akmang lalapit na sa kulungan ng may biglang humila sa kaniya galing sa likuran at naramdamang sumakit ang leeg niya.

Dahil sa kaniyang pagkabigla sa nakita ay hindi niya napansing may tao na pala sa likod niya at iyon ay ang kanyang ama na agad siyang tinurukan ng dalawang oras na pampatulog.

Bumigat ang talukipkip ng mga mata ni Athelia hanggang sa makatulog ito.

"Sorry..... I.... gusto ko lang makasama ang Mommy mo, Athelia" mahinang sambit nito habang nakatingin sa anak niya at inilipat ang tingin sa babaeng nasa kulungan, ang babaeng minahal niya.

"Athena, h'wag kang mag-alala, makakapiling na rin kita, magsasama na uli tayo, h'wag kang mag-alala kay Athelia dahil magiging maayos ang anak natin"

N/A: See you at the next chapter! 🧡

The Apocalypse: Female SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon