°Chapter 8°

62 6 3
                                    

Tiningnan ni Athelia ang babaeng umalis, gayon na rin ang pag-iwas ng tingin ng iba na parang wala na ang pinapanood nilang interesado kaya't nagsipag-alisan na sila at bumalik sa kanilang mga ginagawa.

Inilibot ni Athelia ang tingin at nakita niya ang iba na natataranta habang tinatawagan ang kanilang mga kamag-anak o kaibigan dito sa South Capital.

May iba naman na nakatulala na lang habang nakatingin sa malayo.

Nag-ikot-ikot silang tatlo at nagsipagpuntahan sa mga gusto nilang section ng mga baril.

Lumapit si Athelia sa section ng mga pistol at nakita niya ang ibat ibang klase ng baril na organisadong nakasabit.

Merong desert eagle, magnum 357, 22, 38 at iba pa. Hinawakan niya ang lahat ng baril at tinetesting.

Kumuha siya nang bag na mahaba, ilang combat shoes, uniforms, ilang mga armalite, granada at iba pa.

Bago pumunta sa cashier ay may dala na siyang dalawang mahabang bag na puno ng baril at maraming bala.

Kumatok siya sa stool at may tumayong isang lalaking malaki ang tiyan ang humarap sa kanya.

"Ms. Moffes- "

Ngunit bago pa ito makatuloy magsalita ay agad nilagay ni Athelia ang dalawang bag sa tulong ni Fennely.

"Magkano?"

"Ms. Moffes... kumuha po kayo ng baril hangga't gusto niyo, wala ng silbi ang mga nandito ngayon!"

Humarap siya sa mga tao at nagsalita ng malakas sa harap ng mga ito.

"Ako si Adier Manalo, ako ang may-ari ng buong floor na ito! Kunin niyo na ang lahat ng mapapakinabangan ninyo! H'wag niyo nang babayaran ang kukunin ninyo dahil alam kong sa panahon na ito wala nang halaga ang pera! At alam ko rin na ang mga ito ay makakatulong na malaki sa inyo!"

Pagkatapos magsalita ay lumakad siya paalis at pumunta sa bintana.

Hinawi niya ang kurtina at walang emosyong tumingin sa baba habang nakahawak sa salamin. Dumako ang tingin niya sa babaeng naka-blue dress na duguang naglalakad. May mga kagat sa ibang parte ng katawan ngunit mas nakakaagaw pansin ang butas nitong tiyan na ikinatulo ng luha ng lalaki.

**********
Bago nagsimula ang lahat ay tumawag ang asawa niya sa kaniya na pupunta ito sa mall at bibisitahin siya, ngunit biglang nagkagulo ang lahat sa linya ng asawa niya kaya't bigla siyang kinabahan dahil baka kung ano ang mangyari sa asawa niya lalo na't buntis pa naman ito.

Sinabi ng asawa niya na nasa labas siya ng building at kalalabas palang ng kotse kaya't agad siyang pumuntang bintana at hinawi ng kurtina.

Nakita niya ang asawa niya na nasa gitna ng mga naghahabulan at nagkakagatang mga tao. Natataranta ito habang nakatingin sa paligid at hindi alam ang gagawin.

Biglang may nagsalita (A/N: Iyong sinabi ni Kian sa nakaraang chapter) kaya't natuon ang atensyon niya doon ay nakinig. Alam niyang sa security room 'yon nanggaling at naisip niyang 'Nakita nila ang nangyayari'.

Nagtaka ang mga customer na nasa paligid niya ngunit may isang salita ng speaker ang tumatak sa kanya.

Mga zombie..... Ma-May zombie!?

Agad siyang tumingin sa bintana at hinawi ng malaki ang kurtina. Pati na rin ang ibang taong nandun ay sumilip sa bintana dahilan na mapasinghap sila sa nakikita nila sa labas.

Nakita ng lalaki ang asawa niya na kahit na 5th floor sila.

Itinulak ito ng zombieng babae dahilan na matumba sa sahig.

The Apocalypse: Female SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon