°Chapter 14°

56 10 2
                                    

Athelia POV.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Malinis naman ang buong paligid. May banyo, maliit na kusina, ref at iba pang maliliit na kwarto na kakasya siguro sa isang tao ngunit huminto ang paningin ko sa kulay puting aparador.

Biglang may ideyang pumasok sa isip ko.

Sabagay, hindi mapapanatiling maayos ang lugar na ito kung walang nag-aayos.

Dahan dahan akong lumapit sa aparador at pinakiramdaman ito.

Napangiti ako. May tao nga.

Ngunit nagtataka lang ako kung bakit hindi sila napuntahan ng zombie. Pero hindi rin naman alam ng zombie kung paano umakyat ng hagdan para maakyat sa second floor.

Pero nakakapagtaka talaga na ni-hindi man lamang umalis ang zombie sa pwesto niya at di man lang napansin na may mga tao sa taas.

Hindi bale na.

Huminto ako sa harap ng aparador at kumatok sa pinto nito.

"Mga tao po kami, h'wag po kayong mag-alala"

***********
Third Person POV.

Nang narinig ni Emmany ang boses na iyon ay napahinto siya.

"Iyong boses na iyon..." bulong niya pero umiling din pagkatapos.

"Imposible iyon pero-"

Natigilan siya nang mabuksan ang aparador. Sumalubong sa kaniya and isang magandang babae na mga nasa edad 20, medyo pink ang buhok nito at matangkad.

"Ikaw nga..." di mapigilang bulong ni Emmany.

Dahil matalas ang pandinig ni Athelia ay narinig niya ang sinabi nito.

"Ako?" taas kilay na tanong ni Athelia.

Sa pagkakaalam niya ay hindi niya kilala ang babaeng ito pero kilala siya nito?

"Nagkakilala na ba tayo?" nagtatakang tanong ni Athelia sa babaeng kaharap niya.

"Hindi" pero alam kong Athelia ang pangalan mo, dahil palagi ka niyang bukambibig tuwing nag-uusap kami.

Gustong sabihin iyon ni Emmany pero mas pinili niya na lang manahimik. Naniniwala siyang may tamang panahon para doon.

----------
"Saan mo sila nakita?" Nagtatakang tanong ni Fennely.

Tinuro naman ni Athelia ang second floor at agad na nakuha ni Fennely ang ibig sabihin nito.

Samantalang si Kian naman ay nakatitig sa mag-inang na parang isang imbestigador na kinikilatis ang isang kahina-hinalang tao.

Tumago ang batang lalaki sa ina nito dahil sa tingin ni Kian na agad namang hinampas ni Fennely.

"Umayos ka nga! Tinatakot mo ang bata eh!" sabi ni Fennely at tiningnan ito ng masama sabay tumingin sa bata at ngumiti.

"Sorry po, 'Ate'" sarkastikong sabi ni Kian habang hinihimas ang braso nito.

Napahawak naman si Athelia sa gitna ng dalawang kilay niya at senenyasan si Fennely na siya na ang kumausap sa mag-ina.

Natanggap naman iyon ni Fennely na nanlaki ang mata at tinuro ang sarili niya. "Ako?!"

Tumango naman si Athelia at seryosong tumitig dito. "Malamang ikaw, sino pa ba?"

Napailing ng kunti si Fennely at inikutan ng mata si Athelia. "Okay, ako na."

Habang si Emmany naman ay di alam kung tatawa na o kakabahan habang tinitingnan ang ginagawa ng tatlo.

The Apocalypse: Female SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon