°Chapter 12°

55 10 2
                                    

Napatakip ng bibig si Fennely at mahinang napaubo dahil sa sinabi ni Athelia.

"O-o sige, haha" sabi niya at umiwas sa titig ni Athelia.

Maya-maya ay umiwas na rin ng tingin si Athelia at nagsalita.

"Nagbibiro lang ako, Ate Fenn"

Napabuntong hininga si Fennely.

"Oo na nga, tutulong ako sa pagkuha ng supplies"

"Ate Fenn, nagbibiro nga lang ako"

Walang nagawa si Fennely at tumango na lang habang nakangiwi.

Parang di ka nagbibiro.

----------
5:39 p.m.

"Haahhh! Sa wakas nakarating na rin tayo sa Acustodes!" nakangiting sabi ni Fennely at nagsalita uli. "Naalala ko pa noon, apat na oras lang ang haba ng oras na nagugugol bago makarating dito ngayon dumoble na"

"Talaga lang" komento naman ni Kian.

"Humanap tayo ng matutuluyan dahil dito na lang tayo magpapalipas ng gabi" sabi ni Athelia sa dalawa. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Halos walang kulay ang kapaligiran kasama ang masangsang na amoy na sumasama sa hangin, maraming mga nakakalat sa daan tulad ng mga sasakyang nakasalpok sa mga poste at kapwa nito sasakyan.

Ngunit napatigil si Athelia ng makita niya ang isang restaurant. Napakagulo nito sa labas ngunit kung titingnan mo ng mabuti, organisado ang lahat sa loob nito.

"Jan tayo tutuloy?" tanong ni Fenn ng makita ang tinitingnan ni Athelia.

"Hm." sabay tango naman nito.

"Saglit, hahanap lang ako ng mapupuwestuhan ng sasakayan" sabi ni Kian sa driver seat.

"Lagyan nga pala ng silencer iyong mga baril para tahimik tayo sa buong gagawin natin" pahabol ni Athelia.

Tumango si Fennely at naghanda na.

Inikot ni Kian ang manubila at pinarada iyon sa bandang likod ng restaurant kung saan nakaparada rin ang ibang sasakyan.

"Saang pinto tayo dadaan?" tanong ni Fennely.

"Sa likod" sagot naman ni Athelia at kinuha ang susi ng sasakayan na inabot ni Kian.

"Tara"

Lumabas sila ng sasakyan at pumunta sa back door ng restaurant. Tiningnan nila ang paligid at siniguradong walang zombie. Nang makarating ay lumapit si Fennely sa pinto at inikot ang doorknob.

"Lock"mahina niyang sabi at humarap kay Athelia. Habang si Athelia naman ay may hinugot na pin sa buhok niya at binigay iyon kay Fennely.

Tahimik siyang tumingin sa pin na hawak ni Athelia at mariing kinuha iyon at pinasok sa doorknob. Naramdaman niyang bumukas ito sa loob kaya't tinulak niya iyon na dahan dahan.

Tumalim ang tingin ni Athelia at mabilis na hinila si Fennely palikod kasabay ng mabilis na pagkuha nito sa katana na nasa likod niya at agad na pinutol ang ulo ng isang zombie na mabilis na sumalubong sa kanila pagbukas ng pinto.

Gumulong-gulong ang ulo ng zombie sa sahig kasabay ng unti-unting pagbagsak ng katawan nito.

Hindi makapaniwala si Fennely sa nangyari.

Nakatulala siyang nagsalita.

"Paano na lang kung hindi ako hinila?" bulong niya sa sarili.

Tinapik lang ni Kian ang balikat niya at sinundan si Athelia na pumasok na sa loob para tingnan kung may kakaiba pa ba sa loob.

The Apocalypse: Female SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon