°Chapter 10°

68 9 3
                                    

"Dito na tayo"

"Dito? Dito banda?"

Tumango si Athelia at nag-hm. Naka-upo siya sa tabi ng driver seat kaya't madali lang niya nakuha sa compartment ng van ang remote control ng parking lot ng mansion.

----------
Pinindot ko ang open sa remote at tinitigan ang pinto ng parking lot na tumataas.

"Jan tayo papasok" mariin kong sabi.

"Ang laki ng bahay na 'to" gulat na sabi ni Kian habang tumitingin sa bahay na ikinangisi ko.

"Pumasok ka na!, Tingnan mo may mga zombie nang paparating" narinig ko namang sabi ni Ate Fennely sa likod.

"O sige"

Pinabilisan ni Kian ang pagmamaneho habang inikot ko naman ang paningin at nakomperma ko ngang maraming zombie ang papalapit sa amin.

Iniliko ni Kian ang sasakyan at dineretso ito sa loob kaya't agad kong pinindot ang close na button.

Nang nakapasok na kami ay agad pinarada ni Kian ang sasakyan. Kinuha ko ang katana sa unahan ko at humanda ako sa paglabas.

Hinawakan ko ang pinto at tinulak iyon para buksan. Nang makalabas ay agad ko rin itong sinara ng mabilis.

Umalis ako ng sasakyan at mahinang naglakad nang may biglang sumugod sa akin na zombie.

Mabilis kong hinila ang katana sa lalagyan nito at pinugutan ng ulo ang zombie na nasa harap ko.

"Athelia!" rinig kong sigaw ni Ate Fenn.

Ngunit bago pa ako makalingon ay may narinig akong dalawang putok ng baril. Tumingin ako sa likuran ko at nakita ang dalawang katawan ng zombie na nakahilata.

Mula sa malayo nandoon nakatayo si Kian habang nakataas pa ang baril niya.

"Salamat" sabi ko at inilipat ang tingin sa pinto ng parking lot na hanggang tuhod na lang ang bukas at unti unti pa iyong sumasara hanggang sa hindi na makita ang nasa labas.

Mabagal ang pagsara ng pinto ng parking lot kaya siguro may mga nakapasok na mga zombie.

Inikot ko ang buong parking lot at pinupuntahan ang bawat sulok dahil kailangan kong masiguradong wala akong zombie na makikita.

Nang maikot ko na ang buong parking lot ay bumalik na akong sasakyan. Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at kinuha ang isang eco bag na malaki na puno ng mga gamit tsaka isang itim na mahabang bag na puno ng mga baril at dinala sa may pinto papasok ng bahay.

Nilapat ko ang palad ko sa dingding malapit sa pinto ay doon lumabas ang passcode. Pinindot ko ang numero ng birthday ni Mama at nang nakarinig ako ng galaw ay tinulak ko ang pinto.

Tumingin ako kila Ate Fenn at nakitang kakalabas lang din nilang sasakyan na may kaniya kaniyang dala. Tiningnan ko sa relo ko kung anong oras na ay nakitang 17:29 na.

Pumasok ako sa loob at ni-on ang main switch ng ilaw na nagpaliwanag sa buong bahay.

Pumunta akong sala at doon nilagay sa sofa ang mga dala kong bag. Lumingon ako kila Ate Fenn at nakitang tumitingin sila sa paligid.

"Ang laki ng bahay niyo pero ang dami ng pinagbago simula ng huli kong punta dito" sabi ni Fennely habang nilalagay niya ang dala sa sofa.

"Hm, marami ng pinagbago" komento ko at kunting ngumiti.

**********
Lumabas akong kwarto at lumakad papuntang sala, nakita ko walang tao doon kaya naisip ko na siguro ang dalawang ay may sari-sariling ginagawa. Ang totoo niyan ay di ako sanay ng may kasama maliban kay Dad pero paniguradong masasanay din ako.

The Apocalypse: Female SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon