°Chapter 4°

79 7 0
                                    

Tumingin uli ako sa bintana at huminga ng malalim, tinalian ko ng high ponytail ang buhok kong medyo kulay pink (N/a: *Picture at the cover) para maaliwalas mamaya.

Kinuha ko ang cellphone ko at nivibrate mode ko ito.

"Sa tingin ko mas maganda kung sa parking lot ako dadaan at gagamit ng bike, hindi pa iyon maingay"

Ngunit naalala ko nga pala na kailangan ko pang ilibing ang bangkay ni Dad na nakabalot ng kumot na ginawa ko kanina pagkatapos kung tingnan ang bawat sulok ng bahay.

Patawad, Dad.

Umalis ako papuntang parking lot. Pinindot ko ang passcode sa security key device at sumilip ako, ng masigurado walang zombie sa loob ng parking lot ay dahan-dahan kong binuksan ng malaki ang pinto at lumabas doon.

Nakabukas ang parking lot kaya nakikita kong maraming zombie sa labas. Nagbago na ang isip ko, *sigh* ayos lang kahit maingay. Biglang may naalala ako, tama!, nagbigay nga pala ng advance birthday gift si Tito Elizar dahil di siya makakapunta sa birthday ko.

Nagbigay siya sa akin ng pinakabagong model ng military car! Ayoko pa sanang gamitin iyon pero kailangan ko na 'yon ngayon.

Dahan-dahan akong pumunta sa bandang gilid ng parking lot at nakita ang isang sasakyan na mataas ng konte sa normal na sasakyan, unti-unti kong hinila ang telang nakatakip dito kaya hindi maingay.

Tumambad ang isang kulay black na sasakyan medyo malaki at napakaganda. Mukha siyang van pero mas maganda, tinted black ang bintana kaya hindi makita kung ano ang nasa loob. Armored ang lahat ng parte.

Kinuha ko ang remote ng gate ng parking lot at pumasok ng sasakyan. Sinarado ang pinto at umupo sa driver seat. Tinanggal ko ang bag ko at tinapon sa kabilang upuan katabi ng driver seat. Alam ko kung paano magmaneho nito dahil nakadrive na rin ako ng ibang sasakyan.

Sumandal ako sa sandalan at pinaandar ang sasakyan, hindi rin pala siya maingay. Kinuha ko ang remote control at pinaalis ang sasakyan palabas ng parking lot, nasisigurado ko rin na wala ng zombie sa loob ng parking lot kaya ayos na.

Nang makalabas ako ng parking lot ay pinindot ko ang close na bottom. Mula sa side mirror ay makikita kong sumara ang gate ng parking lot. Wala namang makakapasok sa bahay kahit isa dahil full guarded ang bahay, bawat entrance ay may security key device na kailangan ng passcode.

Kaya ayos lang naman.

Pinatakbo ko ng mabilis ang sasakyan ng makita kong may mga iilang zombie na sumusunod sa akin dahil sa mabilis ang patakbo ay nahuli ito.

Pagdating ko sa mall ay pinarada ko ang sasakyan sa bandang likod ng mall at lumabas ako ng dahan-dahan. Kinuha ko ang backpack na medyo malaki at sinara ang pinto ng sasakyan, kinasa ko ang pistol na may silencer at tinutok sa harap.

Inalerto ko ang sarili at tinalasan ang pakiramdam.

Nang makaramdam ako ng galaw sa bandang kanan ay tumingin ako doon at nakita ang isang matandang lalaki na hila-hila ang kaliwa nitong binti habang lumalakad papunta sa akin.

Desperado itong lumalakad papunta sa akin at titig na titig ang gray nitong mata sa akin na parang isa akong masarap na pagkain.

Ang braso nito ay may kagat na halos makita na ang puti nitong buto. Ang walang sugat nitong kamay ay straight sa akin na parang gusto nito akong abutin. Ngunit bago pa ito makalapit ay binaril ko na ito sa ulo.

Tinitigan ko ang katawan ng matandang lalaki at nagpatuloy sa paglalakad. Mula sa di kalayuan nakita ko ang isang pinto.

"Emergency Exit ata to ng mall" bulong ko at lumapit doon, pinihit ko ang doornob at bumukas ito.

The Apocalypse: Female SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon