°Chapter 5°

70 7 0
                                    


Walang pag-aalangang sumugod si Athelia sa mga naiwang zombie.

Makalipas ang 20 minutes ay pinunasan ni Athelia ang mga dugong itim na tumalsik sa kaniyang pisngi gamit ang gray na panyong nakita niya banda sa cashier.

Malamig siyang tumingin sa sobra dalawang pung bangkay ng zombie at pinunasan ang katanang nababalut ng itim na dugo.

Pumunta siya sa isang pinto na may nakasulat na "Stuff Authorize Only" at kumatok ng tatlong beses at nagsalita.

"Lumabas na kayo"

Walang siyang narinig na sagot ngunit naririnig niya na may nagbubulungan doon. Maya-maya ay may sumagot na.

"Siguradong ka bang wala nang mga halimaw jan?"

"Hindi iyon mga halimaw, zombie ang tawag doon!"

"Oo, may napanood din akong isang movie tungkol doon at zombie daw ang tawag doon"

Tumingin ako sa pinto at pinutol ang pag-uusap nila sa loob.

"Wala nang mga zombie dito."

Tumahimik ang nasa loob ng pinto nang mga ilang segundo bago ko narinig ang paggalaw ng doorknob.

Unti itong bumukas at alam kong may nakasilip doon.

"Sigurado ka?" tanong nito ngunit hindi ako nagsalita, unti pa nitong binuksan ang pinto at tiningnan ang nasa likod ko, dumapo ang gulat niyang mata sa akin.

Narinig kong may sinabi niya sa kasama niya sa loob bago bumukas ng malaki ang pinto. Unang lumabas ang mga lalaki bago ang mga babae't mga bata. Meron ding mga senior citizens.

May narinig akong malakas na singhap kaya't tumingin ako sa direksyon ng dalawang magkasintahan, nakayakap ito sa kasintahang lalaki habang nakatingin ito sa akin na parang isa akong halimaw.

Tinitigan ko rin pabalik ang babae habang malamig akong nakatingin sa kanya, nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakatingin ako sa kanya. Kaya mas sumiksik pa siya sa yakap ng lalaki.

Sa totoo lang, sa tingin ko kaedad ko lang ang dalawa pero....

Malalim akong bumuntong hininga at pinagsawalang bahala na lang ang mga maduduming tingin nila.

Pumunta ako sa cashier at kumuha ng eco bag. Pumunta sa biscuit section at nag-umpisa nang kumuha ng mga pagkain.

---------

Tiningnan ng lahat ang dalagang pumatay ng mga nakahandusay ng zombie, habang kumukuha ng mga pagkain at nag-umpisa na rin silang kumilos. Kumuha ng mga sariling eco bag at nag-umpisang kumuha ng mga pagkain.

Tumingin ang lalaki sa kasintahan niya.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng lalaki.

"Ayos lang ako" sabi ng babae.

"Sigurado ka ba?"

Tumango ng tahimik ang dalaga at ngumiti ng konti sa lalaki. Nakahinga naman ng maayos ang lalaki ng makita ang munting ngiti ng ng kasintahan.

"Sige, tara, kumuha na tayo ng mga gamit"

Tumango uli ito ngunit dumapo ang tingin nito kay Athelia at isa lang ang nasa isip nito.

"Halimaw ang babaeng 'yon!"

Nakaramdam ng kakaibang tingin si Athelia ngunit pinabayaan lang niya ito. Alam niya kung sino ito at kung ano ang nasa isip nito.

Gusto niyang iikot ang mata ngunit pinanatili niya na lang ang kalmadong mukha.

Nagpatuloy siya sa paglagay ng mga pagkain sa eco bag, tinitingnan niya rin ang mga expiration date nito ay kinukuha ang mga matagal pa mag-expire na pagkain.

Napuno ang unang eco bag kaya't kumuha uli siya ng panibagong isang eco bag para sa iba pang mga kakailanganin tulad ng noodles, can goods, snacks, hygiene na tulad ng colgate, toothbrush, tissue, at mga sabon.

Biglang may pumasok sa isip niya,

"Tama, ang mga gamot" bulong niya. Tumingin siya sa paligid at nakitang busy ang iba sa pagkuha ng mga kailangan nila, may ibang namang hindi na nila kayang bitbitin dahil sa sobrang dami.

----------

Napagdesisyonan ko na ilalagay ko muna ito sa kotse bago ako babalik para kumuha ng gamot.

Naglakad ako papuntang back exit.

"Saan ka pupunta?!"

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang isang boses, masungit at mapang-utos ito.

Tumingin ako sa likod at tinitigan ang isang matandang babae mga nasa 50+ na ang edad, kahit na medyo ang buhok nito ay karamihan puro puti na, puno rin ng alahas ang katawan nito kaya't masasabing mayaman ito.

"Lalabas ako" simple kong sagot.

"Huh!?, Iiwan mo kami?!, Kailangan mo kaming iligtas!" sigaw ng mayamang matandang babae.

Napakunot ang noo ko dahil sa narinig ko.

"Unang-una hindi ako isang sundalo" malumanay kong sabi na ikinatigil ng matanda.

"...Ikaw!!, Wala kang galang sa matatanda!. Tinuruan ka ba ng magulang mo kung paano gumalang?, Ha! Baka naman wala kang magulang! O mga wala silang kwenta magturo ng anak!"

Napapikit ako at mahigpit na napahawak sa eco bag habang sapilitang pinapakalma ang kumukulo kong dugo.

Tumalikod ako at hahakbang na sana ngunit napatigil ako ng marinig ang maraming mga yapak.

Tsk.

Mukhang masyadong nakakarindi talaga ang boses ng matandang to.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

N/A:
Next chapter is arriving...❤️❤️❤️

The Apocalypse: Female SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon