°Chapter 16°

51 8 4
                                    

Pag-alis ng grupo nila Athelia ay maluwag na nakahinga ang mga tao sa loob ng van.

"Napansin niya kaya tayo?" tanong ng isa sa mga tao doon.

"Imposible" sagot naman ng isa.

"Sir? Tutuloy pa po ba tayo?" tanong naman ng isang lalaki sa lalaking nakaupo sa passenger seat.

Tumango ng marahan ang lalaki at ngumiti. Kasabay nito ang pag-ayos sa kulay puti nitong pulo.

**********
"Athelia?, ayos ka lang?"rinig na tanong ni Fennely sa earpiece.

"Hmm"

"Sigurado ka?"

"Oo"

"O sige" nag-aalanganin tugon ni Fennely sa earpiece.

Hindi na nagsalita si Athelia at gayon din ang buntong hininga na lang ni Fennely ang namayani. Pinagsawalang bahala na lang ang maliit na pangyayaring 'yun.

**********
Mahigit dalawang oras na silang nagbabyahe at sa wakas ay nakarating na silang "Fresh Air Paradise", kung saan isa ito sa mga sikat na pasyalan sa X City. Nagpapahiwatig na nakapasok ka na sa X City.

Isa itong malapad na kalsadang may sampung linya ngunit napapagitnaan ito ng mga matataas na puno at mahigit limang kilometro ang haba ng kalsadang ito. Isang kilometro naman bago makapunta sa hospital ng X City.

Napapatingin sila Fennely sa labas ng sasakyan habang binabaybay ang buong paligid ng Fresh Air Paradise. Pati si Athelia ay alerto din lalo na't tahimik ang buong kagubatan.

Siguro kung 'yong mga panahong hindi pa nangyayari ang kalbaryo na ito ay masisiyahan siya sa katahimikang binibigay ng lugar na ito pero iba na ngayon.

Nasa paligid lang ang panganib, naghihintay ng panibagong bibiktimahin.

"Athelia, mag-iingat ka, kakaiba ang lugar na ito" rinig ni Athelia na sabi ni Emmany.

"Hm" tugon naman niya. Mabilis ang patakbo nila ng sasakyan kaya dalawang kilometro nalang ay mararating na nila ang dulo ng Fresh Air Paradise.

Ngunit bigla nalang may narinig silang mga kaluskos mula sa mga puno kasabay ng mga pagkabali ng sanga.

Pagtingin nila sa direksyon na iyon ay doon nila nakita ang mga "tao" na gumagapang patiwarik pababa ng mga puno.

"Zombie!" sigaw ni Fennely.

Walang paano-ano ay mas bumilis pa ang takbo ng sasakyan at sinabayan din iyon ng motor na ginagamit ni Athelia.

"Athelia!" nag-aalalang sambit ni Fennely habang mahigpit na dinidiinan ang earpiece sa tenga nito.

"H'wag kang mag-alala kayo ang dapat mag-ingat jan" tugon naman ni Athelia. "Kian, wala ng limang minuto ang tagal natin bago makalabas dito kaya itutok mo 'yong buo mong atensyon sa kalsada ako na ang bahala sa mga 'to"

Tumingin siya sa buong kapaligiran at inobserbahan ang mga zombie na mabilis gumagapang na parang mga asong tumatakbo at sumusunod sa kanila.

"Copy" rinig namang tugon ni Kian sa earpiece.

----------
Athelia's POV.

Di ko mapigilang mapakunot ang noo habang tinititigan ang mga zombie na parang asong tumatakbo.

Evolution? Pero... may posibilidad na mangyari 'yon.

Kaya mas pinabilisan ko pa ang takbo ng motor para mas makalapit ako sa likuran ng sasakyan. Mabilis ko ring kinuha ang baril na may nakasaksak na silencer sa kanang binti ko.

The Apocalypse: Female SurvivorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon