Hi guys, good day! Alam kong medyo jeje itong story ko, kasi naisulat ko ito way back 2019 pa.... Naipost ko lang siya ngayong 2021 or 2022 huhuhu.... Under editing pa naman kaya maaayos pa!
S's
Sinubukan kong tumakbo ng mabilis, mabilis na mabilis upang hindi nila ako maabutan, hingal na hingal na ako. Pagod na pagod na ako. Gusto kong umiyak, gusto kong mag-sumbong kay Daddy kung anong ginagawa ng mga ito sa akin ngayon ngunit wala sila ni Mommy, hindi ko sila makita.
"Tama na po!" Iyak kong sigaw habang tumatakbo padin.
Hindi nila ako pinansin at nag patuloy lamang sa paghabol. Sinubukan kong ibigay ang konsentrasyon sa masukal na daanan ngunit napaka-dilim.
Sinubukan ko ding aninagin ang kanilang mukha pero walang sinag na tumutulong sa akin. Natatakot na ako. Hindi ako mapalagay.
Napasigaw ako nang bigla na lamang akong mapatid at mapa-luhod sa lupa. Umiiyak akong umupo at hinarap sila. Ramdam ko ang hapdi sa aking tuhod dahilan ng pagkakabagsak sa mga bato.
"Ayoko na po, pagod na po ako!"
Ngunit parang hindi sila natinag, nagpatuloy ang limang lalaking iyon sa paghakbang papunta sa akin. Nakakatakot ako, sinabi nila sa akin na mabait sila, akala ko mga kaibigan ko sila.
Patalikod akong gumapang nang mag-simula silang lumapit sa akin, bawat hakbang ay naghahatid sa akin ng takot at kilabot.
"Sumama ka sa'kin at hindi kita sasaktan." Usal nung nasa gitna nila.
Matigas akong umiling. "Ayoko po, magaglit po ang Mommy ko!"
Napasinghap ako nang mapasandal ako sa puno, ibig sabihin ba nito ay wala na akong paraan para makatakas?
"Maniwala ka sakin, Serenity. Hindi kita sasaktan."
Umiiyak akong napayuko, basang basa na ang aking mukha. Takot na takot na ako. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko.... Hindi ko na alam ang gagawin.
"Tara na, bata. Pangako bibigyan kita ng laruan."
Nag angat ako ng tingin sa kaniya, kahit ano pang sabihin niya sa akin, kahit bigyan niya pa ako ng maraming laruan o kahit ng mga pagkain. Hindi parin akong maaaring sumama sa hindi ko kilala.
"Ayoko po."
Mapapagalitan ako ni Mommy, nakakatakot pa naman siyang magalit. Sa kanilang dalawa ng Daddy, siya ang pinaka-ayaw kong nagagalit. Para kasi siyang nagiging ibang tao kapag nagagalit siya.
"Sinabi nang sumama ka!" At mabilis na lumakad papunta sa pwesto ko.
I almost jumped in fear when I heard his screams, it made me more scared. Bumuhos ang mga luha ko, ayoko sa kaniya.
"Kapag sinabi kong sumama ka, sumama ka!"
Napapikit ako nang itaas niya ang isang kamay, sasaktan niya ako! Kahit kailan ay hindi pa ako sinaktan ni Mommy at Daddy, kahit ngayong siyam na taong gulang na ako.
Paulit ulit kong tinawag si Daddy sa aking isip, paulit kong sinasabi na kailangan ko si Mama.
Nasaan naba sila? Dapat nandito sila? Gusto kong humagulgol. Dito na ba ako maiiwan habang buhay? Ayoko na dito! Gusto ko nang umalis!
Natigil lamang ang pag iisip ko at biglang nagtaka nang ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa niya ako nasasaktan.
Sa kabila ng takot ay napamulat ako. May mabilis na hangin na biglang dumaan kasi sa aking unahan, my eyes widened when I saw what's happening.
YOU ARE READING
Under the Blooded Moon
ParanormalSerenity Jara, living her normal life, was chosen to be the Lord Sentinel of all immortals. A life-altering event then occurred, forcing her to navigate a complex situation. Will she find her way through this challenging path alone, or will she need...