Kabanata 17

27 2 0
                                    

"Para saan ang pagpupulong na ito, Arminato?" Si Amoranda na halatang inaantok padin. Mugto ang mga mata niya, at humihikab-hikab pa.

"Hindi ako ang nagpatawag para sa pulong ngayon." Humilig si Arminato sa upuan magka-krus ang mga braso sa dibdib at diretsong nakatingin kay Amoranda.

Nanliit ang mga mata ko, may kakaiba ba sa kaniya o sadyang nahihibang lang ako? Para kasi guminhawa ang istura niya ngayon. Not that he's not handsome this past few weeks, parang ang fresh niya lang kasing tignan ngayon.

Is it because of his shaved mustaches? Mga balbas niya?

"Sino kung ganon?" Amoranda snorted. "Naabala niyo ang pagpapahinga ko. Ilang araw din akong nag ayos sa bundok para sa mga lupa at halaman, walang tulog at pahinga."

"Shut up, wolf! You're being too loud." Nakasimangot na saad ni Solenn.

Agad akong napailing, hayan na naman sila. Buskahan kung buskahan.

"You shut up, di ka kasali!" Alaskang balik ni Amoranda sa kaniya.

"Wag kang mag-alala hindi yan magtutuloy." Tawa ni Vaughn sa gilid ko.

Mukhang inaabangan din niya, ah? Sinapak ko siya sa balikat at tinignan muli ang dalawang babae.

Napasimangot muli si Solenn, ngunit pinili na lamang manahimik. Seryoso ang mukha niya at para bang napaka lalim ng iniisip.

Matagal ko siya tinitigan. Simula nung bumalik siya dito sa kampo kasama namin ni Creed ay walang nagbago sa kaniya. Naroon padin ang pagiging sopistikada niya.

Nang siguro ay maramdaman ang titig ko, ay lumingon siya sa akin. With a stoic expression her eyes stayed in mine.

Para bang may ayaw siya na bagay na gustong iparating sa akin ngunit hindi ko iyon mabatid.

I smiled a little before moving my eyes away from her. Natigil iyon sa pinto sa kagustuhang walang madapuan. Ayaw ko silang tignan dahil ayaw kong mabasa nila agad na ako ang dahilan ng pagpupulong na ito.

"Narito na ang Punong Raphael." Anunsyo ng isang tauhan, nakayuko na tila ba nagbibigay galang.

Halos ubusan ako ng hangin sa dibdib. Simula kanina ay hindi ko na siya nakitang muli. Ayoko din siyang kausapin dahil baka magbago lang ang isip ko. Ayoko siyang makita na halos nagmamakaawa na para lang pigilan ako sa gagawin ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang dumaan siya sa gilid ko. Blanko ang mukha at nakakatakot tignan. Sa paglalakad ay wala siyang tinapunan ng tingin kahit isa sa amin, kahit kay Arminato ay hindi man lamang siya nagbigay galang.

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan padin siya, nang makaupo sa upuan kalapit ni Arminato sa kabilang banda ng mahabang lamesa ay nagbaba lang siya ng tingin.

Napapikit ako, I can't do anything when he's like this. Ayoko siyang makita na ganito.

I opened my eyes and finally caught him looking at me, intensely but with a blank stare. I fought against it. Gusto ko siyang kausapin. Ayoko ng ganito siya. Lalo na sa akin. Nang isang minuto na ang tinagal ng titignan namin ay walang ano-ano siyang umiwas ng tingin.

Gusto kong pumalahaw, I hate having this feeling.

Bumuntong hininga ako at iniwas na din ang titig. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napunta iyon kay Amoranda. Nakataas ang kilay niya at pabalik-balik ang mga mata. Sa akin at kay Creed. Tinatanong kung anong nangyayari sa pagitan namin.

Ngumisi lamang ako sa kaniya at inilingan siya. Mabuti na lamang talaga tumikhim si Arminato kaya agad kong nilipat ang tingin ko sa ibang direksyon.

"Ngayong kompleto na tayo. Kailangan na nating simulan ang pagpupulong." Aniya at umayos ng upo.

Under the Blooded Moon Where stories live. Discover now