Kabanata 26

35 2 0
                                    

Justice....

"Kamusta si Amoranda?" Tanong ni Solenn nang makapasok.

Hindi ako umimik, pinagkatitigan ko ang tulog na si Amoranda ngayon dito sa aking kwarto. Her face looked so angelic.

"Paano natin sasabihin sa kaniya?" Si Jenger.

Hindi parin ako sumagot, para akong kinakain ng lungkot. Nasasaktan ako para kay Amoranda. If only I could take her pain away, I will.

"Buntis siya, Jillan. Makakasama iyon sa kaniya."

Tinignan ko ang tiyan ni Amoranda at dahan dahan itong hinawakan, I smiled. Buntis siya at hindi niya iyon alam. That explains her sundden changed of mood, how she ate different foods, ang pagiging mataray niya sa akin, lalong lalo na kay Arminato, ang pagiging sensitive niya sa lahat ng bagay.

Don't worry, baby. Aalagaan kita paglabas mo. Ituturing kita na parang totoo ko nang anak, katulad ng pagmamahal sa akin ng iyong Ina.

"Serenity, why are you holding my tummy?"

I immediately looked at Amoranda when I heard talk, thanks god she is alive! Thank you, thank you!

Agad akong tumayo at binigyan siya ng yakap,I hugged her tightly kahit nanatili naman ang kaniyang nagtatakang tingin.

"Huy, sabi ko, ba't mo hawak hawak ang tiyan ko?" Taka niyang tanong sa akin.

Pinunasan ko ang mga luha, I need to tell her about it. Bumuntong hininga ako at nakangiting bumitaw sa kaniya upang tignan siya.

"There's a good news!" Masayang sabi ko.

Nangunot ang kaniyang noo, tinaas niya ang isang kilay sa akin. Gusto kong tumawa kasi napaka taray niya padin. lalo na ngayong bagong gising siya.

"You're pregnant." Sabi ko. "Almost two months. Jillan Checked on you and spot something different. Tinignan niyang mabuti ang lagay mo at dun niya nalamang buntis ka nga."

She looked at me with her brows forming, lukot ang mukha niya at pilit iniintindi ang sinabi ko.

"You're pregnant, Amoranda!"

Nalaglag ang kaniyang panga, maya maya ay gumala ang kaniyang kamay patungo sa kaniyang tiyan, hinimas niya ito at nilingong muli ako.

"Buntis ako?"

Masayang tumango ako, kahit may pagtataka ay nagpatuloy siya sa paghimas ng tiyan.

"Buntis ako." Bulong niyang muli.

Her eyes watered, paulit-ulit niya iyang sinasabi na para bang hindi makapaniwala. Nilingon niya ako, ngumiti siya ng malaki.

"I'm pregnant, Serenity!" Masayang sabi niya sa akin at umiyak. "May kapatid kana!"

Napahawak ako sa aking bibig, my tears fell. I felt a hand on my back but it won't help me, hindi ko kaya ito.

"Nasaan si Arminato? Kailangan niya itong malaman!"

Hindi ako sumagot, nanatiling tahimik ang kwarto habang tinitignan namin siya, I can't lie, I won't lie, but I can't tell her everything, I can't tell her the truth. Natatakot akong masaktan siya, I can't even utter those words, kasi maging ako ay hindi makapaniwala at hindi parin iyon matanggap.

Amoranda is so special to me, and I can't see her depressing herself.

"Jenger, makikitawag naman si Arminato, oh? Hindi kasi ako makatayo."

Nilingon ko si Jenger ngunit hindi ito kumilos, makahulugang tumingin siya akin bago siya mag iwas ng tingin.

Alam kong maging siya ay walang lakas, lahat naman kami wala kaming lakas upang gawin iyon.

Under the Blooded Moon Where stories live. Discover now