"Tingin ko ay hindi isang biro ang pagtawag ni Arminato, sa atin." Bulong ni Amoranda sa akin.
Naguguluhan ko siyang tinignan, naglalakad kami papunta sa cabin na tinutuluyan pansamantala ng Punong tagapangalaga upang bantayan ang iba pang lobo na nandito. Isang linggo na ang nakakalipas noong pumunta ako sa bahay ni Creed, and here I am. Missing that wonderful place..... And especially the owner. Chos, landi!
"Paano mo naman nasabi?" Bulong ko pabalik.
Hinawakan niya ako sa braso at hinila ng mas malapit pa sa kaniya, she leaned closer to me.
"This is not the usual meeting I used to attend to." Tinignan niya ako. "Walang mga pasaway na Lobo at Bampira sa paligid. Parang maamong tupa na hindi gagawa ng kalokohan ang mga nandito ngayon."
Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"
Bumuntong hininga siya at bumitaw sa akin. "Nakikiramdan sila, marahil alam nila na galit o seryoso si Arminato ngayon, at pag nangyari napuno siya dahil sa kanila, mapapatalsik sila sa kampo." Mahinang Aniya. "Ngayon pa at malapit na naman ang bilog na buwan. Mas lalakas ang pwersa ng mga itim na lobo."
"Hindi ba parang mas delikado tayo kung magsasama-sama? Mas madali nila tayong matutunton?" Aniko habang tinatanaw ang matahimik na pagpasok ng mga kauri namin sa mga bahay nila, walang masyadong nasa paligid. Nasa loob ng tahanan ang mga bata samantalang nakatanod sa labas ang mga magulang.
"Hindi nila iniisip na delikado, Serenity."
Nilingon ko siya dahil seryosong boses ang gamit niya, seryoso ba talaga siya o nasanay lang ako na hindi dumadaan ang araw na hindi ko siya naririnig na humugot?
"Hangga't narito ka, panatag sila. Walang panganib dahil ikaw ang susunod na Punong tagapangalaga. Ang anak ng Pinakamalas Lobo at Pinaka makapangyarihang Bampira na isinilang sa ilalim ng pulang buwan."
Natigilan ako dahil sa sinabi niya, napalunok ako at halos manginig ang mga kamay. Grabehan na ito!
"Ikaw ang itinakda upang palayain kami sa masalimuot na buhay na ito, mula sa pagkakakulong namin dito sa gubat."
Natigilan din siya, pinagpapawisan ang aking mga palad, gusto kong ngumiwi. Grabeng pressure naman yan, ang taas ha? Hindi ko pa nga makontrol ang lakas ko sa mabilis na paraan tapos may paganon agad.
Nanatili kaming nag uusap, magkalapit na ang halos mukha namin sa kagustuhang walang makarinig, wala na sanang problema pero may salitang umibabaw sa pandinig namin.
"Ganiyan talaga, mamuhay ng magaan lang ang kaya niyan, hindi nga tayo sigurado kung lalabas paba ang pagiging lobo niya."
Amoranda and I automatically stopped, alam ko na ako ang pinaparinggan nila, ingratang to humanap talaga ng panahon kung kelan hindi namin sila pwedeng patulan.
"And the worst part is, what if she stays as a vampire for a long, until the blood moon appear, again?"
Nilingon ko ang lugar ng babaeng 'yon, alam kong ganun din ang ginawa ni Amoranda. Walang nakakaalam noon kung hindi kami lang.
"Hindi ko nga alam sa Punong tagapangalaga, kung bakit hinayaan niya ang babaeng 'yan manatili dito, gayong may posibilidad na saktan lang tayo niyan sa bandang dulo, katulad ng Nanay niya."
Nakagat ko ang pang ibabang labi sa pagpipigil na saktan sila, ubusin ang dugo, at itapon sa kung saan ang maputlang katawan.
"Lagi niya na lamang pinagbibigyan ang babaeng 'yan, since she came here, wala na siyang ibang ginawa kung hindi gumawa ng gulo at ipahamak ang kampo, the day her powers were unleashed, inakala natin na Lobo siya diba? Pero anong nangyari? She became a thirsty vampire who willingly wanted to drink our blood, all!"
YOU ARE READING
Under the Blooded Moon
ParanormalSerenity Jara, living her normal life, was chosen to be the Lord Sentinel of all immortals. A life-altering event then occurred, forcing her to navigate a complex situation. Will she find her way through this challenging path alone, or will she need...