Blooded moon....
"Anong ginagawa mo dito, Solenn?"
Nagsalubong ang mga kilay ko habang pinagmamasdan siyang naka-sandal sa puno pagkatapos niyang yumuko upang mag-bigay galang sa akin.
Halos isang araw na kaming naglalakbay ni Jillan, mag aapat na oras na kaming naglalakad mula nung nag-pahinga kami. Hapon na ngayon, mamaya-maya lamang magpapahinga kami dahil magga-gabi na.
"Kailangan kitang samahan, Punong tagapangalaga."
Naglabas siya ng sigarilyo at agad itong sinindihan, she puffed twice before looking at me again.
"Hindi ko kailangan ng kasama." Mataman kong sabi.
"Mapanganib ang gagawin mo, Punong tagapangalaga. Hindi kita hahayaang sumugod doon ng mag isa." Nilingon niya si Jillan. "At basta nalang i-asa ang kaligtasan mo sa isang mangkukulam lang."
Jillan looked at her annoyingly. "Anong sabi mo?"
Ngumuso ang umaastang nag iisip na si Solenn.
"Ang sabi ko.... Hindi ko basta nalang hahayaang umalis ang Punong tagapangala, ganoong ikaw ang kasama niya. Paano kung isa ka palang traydor? Paano kung hinuhuli mo lang ang Punong Serenity sa sarili niyang bitag?"
Mabilis kong iniharang ang aking braso nang maramdaman ang pag-sugod ni Jillan sa kaniya, bumuntong hininga ako at inilingan siya. May matatalas na mga mata kong nilingon si Solenn.
"Kung sasama ka ay kailangan mong umayos. Ayokong ihakbang ang mga paa ko na tanging bangayan lamang ang naririnig ko sa paligid."
Ngumisi si Solenn dahil sa sinabi ko, hindi ko nga lamang alam kung sa akin ba iyon o para kay Jillan.
Nang masigurong ayos na silang dalawa ay agad kaming umalis, nagalakad kami ng halos isang oras na din siguro, hindi ako nakaramdan ng pagod, gusto kong bilisan ang lakad katulad ng bilis na meron ako ngunit ayokong insultuhin ang mangkukulam na kasama ko.
"Jillan, hindi kaba nauuhaw?" Biglang tanong ni Solenn.
Nagulat ako, simula kanina ay hindi pa siya nagsasalita. Kaya't nakakagulat talaga nang marinig ko iyon sa kaniya.
Mabilis na nilingon siya ni Jillan. "H-Hindi. Ayos na ako, hindi naman ako nauuhaw."
Solenn smiled playfully. "Akala ko ba ay hindi ka maaaring matuyuan?"
Nangunot ang noo ko nang makitang nayukom ni Jillan ang mga kamay niya. Tumikhim ako kaya napalingon siya sa akin.
"Oo nga... Ang sabi mo ay hindi ka nakakatagal ng isang oras na walang tubig na dumadaloy sayo? Kasi kapag hindi ka nakakainom ay mawawalan ka ng lakas...."
The witch stiffened beside me. Nanatili akong mataman na nakatitig sa kaniya nagtatanong ang tingin. Hindi naman din nag-tagal ay tumawa siya ng pilit, nilingon niya si Solenn at muling binalik ang mga mata sa akin.
"Medyo nauuhaw na nga din ako," Muli siyang tumawa at nilingon ang maliit na batis sa gilid namin. "Buti nalang may batis dito."
Agad siyang tumalima at lumakad pa paroon. Nanatiling kunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya, lumuhod siya sa tabing banda noon, inalahad niya ang dalawang palad at sumalok ng tubig. Tinaas niya ang kamay na mayroon ng tubig, pero bago pa man niya iyon mainom ay nagsalita ulit ako.
"Hindi ba't hindi ka umiinom ng tubig galing sa mga ilog, batis at dagat?" Naiwan sa ere ang mga kamay niya, tumatapon ang tubig na nasa loob noon. "Hindi ba't iyon ang sinabi mo sa akin? Maarte ka sa tubig, dahil minsan nakikita mong dito naliligo ang mga taong-lobo."
YOU ARE READING
Under the Blooded Moon
ParanormalSerenity Jara, living her normal life, was chosen to be the Lord Sentinel of all immortals. A life-altering event then occurred, forcing her to navigate a complex situation. Will she find her way through this challenging path alone, or will she need...