Pagkatapos ng limang taon....
Sinikop ko ang aking buhok at inilagay ito sa aking kanang balikat. Pumikit ako ng mariin habang pinapakiramdan ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam, para bang ngayon ko na lamang muli naramdaman ang kapayapaan.
"Momma!" Agad akong nagmulat ng mga mata nang marinig ang tawag na iyon.
Mula sa pagiging tipid ay unti unting sumibol ang ngiti sa aking mga labi nang makita kung sino iyon. Isang batang lalaki, hanggang bewang ko ang taas nito, may matangos na ilong, kulay brown ang buhok, at masasabi kong tama lamang ang kulay ng kaniya balat.
"Casimir Ashton!" With all my smiles I spread my arms waiting for him to come near me.
Nang makalapit ay mahigpit ko siyang niyakap, nakaramdan ako ng init. Tanging sa kaniya ko lamang ito nararamdaman sa paglipas ng mga taon......He is my source of heat in my winter days.
Humiwalay ako sakaniya at nakangiti siyang tinignan.
"You're here to play?"
Tumango siya sa akin at ipinakita ang laruang robot na hawak niya. Halatang bago ito dahil hawak pa ni Ashton ang box sa isang kamay.....nanliit din ang aking mga mata nang makita ang napakaliit na tatak noon.
"Daddy Vaughn, bought me this, Momma!"
Nangunot ang noo ko. "He's here?"
"Yes po."
Binaba ko ang tingin sa laruang hawak niya. Kung ganoon ay nakabalik na siya mula sa America..... dalawang buwan palang mula nang italaga ko sa kaniya ang misyon, natapos na niya agad?
Napailing ako at napangiti. Alam na alam na talaga ni Vaughn ang mga gusto ni Ashton.
"Ilan ang binili niya?"
Ngumisi sa akin si Ashton na para bang nagyayabang. "Five."
Bago palang sanang manlalaki ang mga mata ko nang may magsalita sa aking gilid dito sa bench
"Wag ka nang magtaka, Serenity. Kabisadong kabisado na ng kapatid ko ang batang iyan."
Hindi ko nilingon si Jillan nang sabihin niya 'yon, nakakagulat din naman kasi siya minsan, basta basta nalang siyang sumusulpot out of nowhere. Buti nalang talaga sanay na ako. Siya ang kasama ko sa mga misyon at pakikipag laban ko kaya natural na masasanay ako sa mga biglaang pagsulpot niya.
Lumapit si Ashton kay Jillan at hinalikan ang pisngi ng babae, the woman hugged him tightly, pinupog niya muna ang mukha nito ng halik bago binitawan.
Tumawa ako nang bahagyang lumayo si Ashton kay Jillan. Lalo na nang kandungin siya nito sa hita niya.
Natatawa akong umiling. Limang taon na nang sabihin niya sa akin na ayaw na ayaw niya sa mga bata dahil malilikot ito at maiingay, maaaring masira ang orasyon niya...eh, bakit ngayon, hindi na nabubuo ang araw niya kapag hindi nakikita si Ashton?
"Momma, make Tita Jillan stop." Lumong lumo na ang boses ni Ashton.
Magsasalita na sana ako sa kabila ng tawa at papatigilin na si Jillan, nang halos tumalon na ako nang mula naman sa malayo ay nakita ko ang mag asawang si Jenger at Daniel, bitbit ang sobrang cute nilang anak.
Agad akong napatayo at lakad takbong sumugod sa kanila. Natigil sila sa paglalakad at yumuko sa akin. Namangha pa ako nang pati ang anak nila ay ginaya sila sa ginawa na para bang nakikipaglaro....tumawa ito na nagpa-kislap sa kulay caramel niyang mga mata.
I chuckled. Nang magtunghay sila ay tinignan ko ang nakangiting si Jenger.
"Can I carry her?"
Tinignan niya si Daniel at parehas silang natawa. Nang tumango siya ay walang pasabing binuhat ko si Amara at inilayo sa kanila. Lumayo ako agad dahil ayokong istorbohin nila ako.
YOU ARE READING
Under the Blooded Moon
ParanormalSerenity Jara, living her normal life, was chosen to be the Lord Sentinel of all immortals. A life-altering event then occurred, forcing her to navigate a complex situation. Will she find her way through this challenging path alone, or will she need...