Wakas

66 2 0
                                    

C's

Kanina pa ako palakad lakad at pabalik balik sa aking kinakatayuan. Hindi ako mapalagay, para akong sinisilihan sa aking mga paa.

"Kumalma ka nga, Sebastian! Jusko! Ikaw ang may gusto niyan atsaka ka gaganiyan ngayon!"

Hindi ko pinansin si Amoranda sa sinabi niya, she's being too loud again. Napapikit ako nang marinig ang sigaw ni Serenity sa kwarto.

Nakakakabang marinig ang bawat pag-iri niya. Kung maaari lamang akong pumasok at balyahin ang pinto gagawin ko.

"Dude, just be calm. Kaya 'yan ng Punong tagapangalaga." Rinig ko ang tawa ni Daniel, nagawa niya pang hawakan ang balikat ko.

Hindi ko siya pinansin at mas lalong hindi ko susunduin ang mga salitang sinabi niya.... Words coming from a man who just fainted because his wife was on labor.

Pinasadahan ko ang aking buhok ng mga daliri. I know how dangerous it is for a wolf to give birth... Plus the fact that she is a vampire, vampires can't be impregnated. Tang ina..... papatayin yata talaga ako sa kaba.

Nangangako ako sa langit, na kapag lumabas ang anak namin ng ligtas, at maayos ang lagay ng aking asawa. Hinding hindi ko na siya papahirapan pa.

"Oh, hayan na pala eh!"

Agad akong napalingon sa pinto nang sabihin iyon ni Amoranda. I walked towards it and waited for it to open widely. Mula doon ay lumabas si Jillan, nakangisi siya sa akin kaya agad akong nakahinga ng maluwag.

"Kamusta sila?" Tanong ko sa kaniya. Pilit ko pang nilalagpas ang aking tingin sa pinto ngunit hindi ko makita kahit ang paa ni Serenity.

"Congratulations, Raphaelious. It's a healthy baby girl."

Sa sinabi niyang iyon ay napapikit ako. Gusto kong sumigaw ngunit parang nawala ang aking boses. Narinig ko ang tilian ni Amoranda at Jenger...

"Wag kayong maingay. Nagpapahinga ang Punong tagapangalaga." Saway sa kanila ni Jillan.

Huminga ako ng malalim at nagmulat. "Maaari na ba akong pumasok?"

Nang tumango at ngumiti siya sa akin ay walang pagdadalawang isip akong pumasok doon at nilagpasan siya, I don't need to hear her advices, I already did ask her about it. Hindi pa man nag iisang araw na buntis si Serenity ay tinatanong ko na kay Jillan kung ano ang mga pwede at hindi pwede kong gawain sa pag aalaga sa asawa ko. Narinig ko ang pasarado ng pinto.

Halos malaglag na ang aking panga nang makita ang aking mag ina, peacefully sleeping in the bed. Serenity's face was very calm and Seren. Kahit natutulog ay mukhang parin siyang diwata, isang napaka gandang diwata.

Dahan dahan akong lumapit doon, tinagilid ko pa ng bahagya ang aking ulo habang pinagmamasdan ang anak namin. If Serenity was a goddess, then this baby is an angel. Whom had fallen to give me life and peace, and have another reason to live.

Halos mapanganga ako, habang pinagmamasdan siya. Her looks were really a copy of me and her Mom. She's got her hair and she's got my dimples. Ayokong iwaglit ang mga sulyap ko sa kaniya dahil natatakot akong mawawala siya sa akin.

Dalawang daang taon akong nag hintay......noong una ay hindi na ako umaasang mararanasan ko pa ito. Wala akong karapatan para umasam pa ng ganitong pamilya sa kabila ng mga naging kasalanan ko.....pero, laking pasasalamat ko sa may taas na hinayaan niyang magkaroon ako ng ganitong buhay.

My sacrifices were really worth it. Hindi ako kailanman magsisising sa akin ibinigay ng Punong Maria ang pagsasanay sa kaniyang anak na si Alondra.....at hindi ko kailanman pinagsisisihan na ako naging taga pagbantay ng babaeng pinakamamahal ko ngayon.

Mula pagkabata....alam ko na ang bawat galaw niya. Aral ko na ang mga emosyon niya na kahit nakatitig lamang ako sa kaniya sa pinaka malayo ay naging sapat na iyon para maramdaman ko kung sino siya talaga.

Itinaas ko ang aking kamay, asta akong hahawakan siya ngunit natigil iyon sa ere... Nakakatakot siyang hawakan, para siyang babasagin na baso na hindi pwedeng hawakan at dapat pinagkakaiingatan.

When she opened her eyes, I almost lost my control. Magkaiba ang kulay ng mga mata niya. Her left eye was colored blue and the right one was colored with honey. Nakakamangha....siya lang ang nakita ko ng may ganitong mga mata kahit nalibot ko na ang buo ng mundo.

Ibababa ko na sana ang aking kamay at hindi na siya hahawakan ngunit ngumiti siya sa akin, na para bang nagbibigay ng permiso.

Ngumiti ako pabalik, muli kong tinaas ang kamay ko at dahan dahang dinampi ang aking isang daliri sa kaniyang pisngi. She smiled again so I laughed.

Para bang gustong niya ang paglalarong ginagawa ko sakaniyang pisngi. Nanginginit ang aking puso, isang kakaibang pakiramdam.

Napangiti ako at inilipat ang tingin kay Serenity na ngayon ay nakamulat na at kahit namumutla ay maliwanag ang mukhang nakatingin sa akin.

"She looks like you...." Usal ko pilit tinatago ang emosyon na pumapalibot sa akin.

"Mahal kita, Creed."

Agad akong kumilos at ikinulong ang kaniyang dalawang pisngi. I kissed her lips throughly......what can I ask more?

"Mahal na mahal kita."

Humiwalay ako at muling tinignan ang sanggol na ngayon ay dahilan ng pagpapatuloy ng buhay ko.

"Creed..."

Nakangiting nilingon ko ang aking asawa...ang gulo niyang pulang buhok ay bumagay sa kaniya....kahit saang anggulo ay walang maipipintas sa kaniyang ganda.

"Papaano ang pangitain?"

Natigilan ako. Kung dati ay hindi ako kinakabahan sa mga ganoon....maliban syempre noong buhay na ni Serenity ang nalagay sa kapahamahakan... ngunit ngayon.

Ramdam na ng maging kalamnan ko ang takot....hindi lamang para sa aking asawa... ngunit maging sa aking anak.

"Hindi natin siya maaaring iligtas alam mo iyon....." Aniya at malambot na tinignan ang anak namin. "...Bukod sa hindi ka na maaaring makielam sa ganitong bagay....mahina ako ngayon."

Napapikit ako ng mariin....Bakit nga ba hindi ko ito naisip?

"Hindi pa handa ang Taga pag-gabay niya....ang kaniyang Taga pag-sanay ay hindi ko matagpuan."

Nagmulat ako at kahit pinanghihinaan ng loob ay kinuha ang kamay ni Serenity.....dinala ko ang kaniyang likod palad sa aking mga labi at hinalikan.

"Gagawin ko ang lahat upang masiguro kong ligtas ka...." Usal ko at tinignan ang anak naming taimtim ang pagkakatulog. "....Kayo."

Humigpit ang kapit niya sa aking kamay at tumango.....mahal na mahal ko sila kaya maging ang buhay ko ay isusugal ko para malagay lamang sila kaligtasan.

Nilingon ko ang bata nang marinig aking puso ang malalalim niyang paghinga.

Just like her mother when she was a baby.... She's so cute, beautiful like a rain. Pouring in different perspective. Every drop of water can make me feel alive.

I was then tired of my existence, not until I saw a beautiful life ahead...with them.

And now, looking at both their pair of eyes.....I realized. No one...and nothing could ever danger them. They are too precious to be hurt.

I'm so deeply inlove with this woman lying in the bed.....I don't completely know where it started. I just know, it will never end.

There is no race where my love would reach the finish line.

Natawa ako nang sundutin ng daliri ni Serenity ang dimple ng anak namin nang ngumiti ito.

In theirs eyes.... I found the calmness and sincerity of the moon. Enough reason to make me feel at ease.

I promise the world, heaven, and God. That I promise to preserve and guard these jewels I own.... And if ever I fail, I will willingly surrender my life.

They are my life, my galaxy, my moon and my family. There's nothing to wish, for I now have them in my life.


Serenity Jara and Athanesia Freida.

Under the Blooded Moon Where stories live. Discover now