The final battle....
"Hayaan mo akong sumama sa inyo, Serenity."
I sighed. I felt Jillan's gaze at me but I didn't looked at her.
"Hindi nga maaari, Amoranda."
Ramdam ko ang pag-upo niya sa aking tabi kaya nilingon ko siya, ramdam ko ang pagpupursigi niya sa pamamagitan lamang ng tingin.
"Kaya ko namang makipag-laban, Serenity. Alam mo 'yan."
Binalik ko ang tingin sa punyal ko, anong gusto niyang gawin ko? Hayaan ko siyang sumama sa amin?
"I can fight. I can easily kill twenty wolves in just a second."
Natigil ako sa pagpupunas sa aking armas. Tinitigan ko ito sandali bago nilingon si Amoranda.
"Buntis ka." Sabi ko. "Alam mo kung gaano kahina ang mga lobo kapag nasa ganiyang lagay. Handa kabang isaalang-alang ang sarili mong anak para dito?"
Naisara niya bigla ang bibig.
"Kasi kung oo, hahayaan kita. Papasamahin kita. 'Yun ay kung gusto mong mawala ang anak niyo ni Arminato."
Her body solidified. Para naman siyang nalinawan at napahawak sa kaniyang tiyan, sana naman maisip niya kahit papaano na hindi rin madali para sa akin ang iwan siya. Wala kaming halos lahat, ang tanging maiiwan sa kaniya dito ay si Bong at ang anak niyang babae, pati ang Tandang Turasyo. Papatayin ko ang sarili ko sa kakaisip sa lagay niya.
"Kung nandito si Ariminato paniguradong ganiyan din ang gagawin niya." Pagpapaintindi ko. "Hindi ka niya hahayaang umalis at sumama dahil napaka delikado ng paghaharap na ito."
Natahimik siya. Nagpatuloy siya sa paghimas ng tiyan at hindi na nagsalitang muli. Huminga ako ng malalim. Tinago ko ang punyal sa aking bewang at tumayo, pumunta ako sa gitna sa kung saan kita ko silang lahat.
"Handa naba kayo?" Tanong ko.
Nag angat sila ng tingin. Sabay sabay silang tumayo ng ayos at tumango. Ni isang takot ay hindi mo mahihimigan sa kanilang mga mukha.
"Nirerespeto ko ang inyong desisyon." I said apathetically. "Ang laban na ito ay maaaring magresulta ng kamatayan. Ang sino mang hindi suma-sang ayon ay buong puso kong hahayaang umalis. Manatili naman ang gustong manatili."
Bago ko pa man mailatag ang desisyon na ito, tinanong ko na agad kung sino ang hindi sang ayon sa kanila. From a hundreds of ceatures who accepted my request. Many backed out. Simula nang malaman nila na muling ginagamit na ni Janra ang libro. Lalo silang natakot, para sa buhay nila, mga anak at pamilya.
Isang linggo na ang nakararaan nang may epidemyang kumalat sa lahat ng mga lobo at bampira na sakop ng kunseho. Halos lahat ng lumuwas upang magbagong buhay ay nahawaan. Ang karamihan ay namatay. Walang ibang nagawa ang iba kung hindi bumalik na lang dito sa kampo at magpagamot sa Tandang Turasyo at kay Jillan.
Muntik na rin kaming lumipat sa takot dahil kay Amoranda... Kung mahahawaan siya malaki ang posibilidad na pati ang anak niya sa kaniyang tiyan ay madadamay at maaari itong mamatay.
"Are you really sure na mababantayan dito si Amoranda?" Solenn asked.
I turned my look on her, nilingon ko si Amoranda.
"I'm sure."
Tinignan ko si Solenn kaya naabutan ko ang kaniyang irap.
"Hindi naman sa hindi ako naniniwala sa uugod-ugod na matandang ito..." Tinignan niya si Tandang Turasyo. "No offense." Kibit balikat niya sa matanda. "But don't you think it's safer if we hid Amoranda somewhere where she can be cautiously protected."
YOU ARE READING
Under the Blooded Moon
ParanormalSerenity Jara, living her normal life, was chosen to be the Lord Sentinel of all immortals. A life-altering event then occurred, forcing her to navigate a complex situation. Will she find her way through this challenging path alone, or will she need...