"Bilog ang buwan na lalabas mamaya." Tila nag alalang wika ni Amoranda.
Tinigilan ko ang paggagayat ng sibuyas, binaba ko ang kutsilyong hawak ko at tinignan siya.
"Ano naman?" Takang sabi ko.
Tumingin naman siya sakin na may nakakaasar na mukha, na para bang nagpapatawa ako dahil sa tanong ko, tinaas ko ang isang kilay ko at nginiwian siya.
"Ano nga 'yun?" Ulit ko.
Binitawan niya ang hawak na kurtina, nag aayos kasi kami ng mansyon, Mag ta-tatlong buwan na kasi simula nang makalipat ako dito and we need to really renovate this place. Masyado na kasing pang matanda ang style. Simula nang itakas ako ni Mama ay dito na tumira si Amoranda, hanggang sa kinulong sila dito sa kampo.
Siya ang namahala, nag alaga, nag linis, at nag bantay sa malaking mansyon na ito nang umalis kami. Mag isa.....siguro. Ang hindi ko lang alam kung bakit ganto kapangit ang taste ni Amoranda sa pagdedesign dati.
"For all you know, mamayang gabi. Babalik ulit ang pagiging bampira mo."
Muli kong dinampot ang kutsilyong hawak ko, nag gayat ako ng sibuyas habang nakikipag usap sa kaniya.
"What's with being vampire, again?" I asked.
Nang lingunin ko siya ay sobrang sama na ng tingin niya sakin, kulang nalang mag transform siya at sugudin ako.
"Hindi mo pa gamay ang pagiging bampira, you'll harm everyone again." Tumigil siya at bumuntong hininga. "At pag nangyari 'yon, marami na naman huhusga sa'yo."
I looked at her softly, hindi ko maitatanggi na best friend sila ni Mama, minsan kasi parehas sila ng ugali, parehas malambing at malambot pag dating sakin. May pagka-mainitin din ang ulo niya kaya kailangan mong mag ingat sa bibitawan mong mga salita kapag kaharap mo siya.
"And when people judge you, mapapaaway na naman ako, paparusahan na naman ako ng Punong tagapangalaga. Masyado akong sinusubok ng mga mapang-husgang kasamahan natin kaya kahit ang pakikipag away na hindi ko kailanman ginawa ay nagawa ko na."
Nangiti ako, naalala ko kasi 'yung sinabi niya kahapon, kaya daw kasi wala siya at si Vaughn ang nandito noong time na'yon ay dahil pinatawag siya ni Arminato. Pinaglinis daw siya ng bundok kung saan nangyari iyong gabing nagkagulo dahil sa paglabas ng kapangyarihan ko.
Nakipag talo daw kasi siya sa isa mga konseho nang magkaroon ng pagpupulong patungkol sa pangitain.....hindi naman daw si Amoranda ang nanguna, sadyang pinagtanggol lamang daw niya ang sarili niya ganoon. Nagalit si Arminato at pinarusahan sila....ang isa ay hindi muna pinagamit ng kapangyarihan ng isang linggo, habang si Amoranda ay dalawang araw pinag-linis ng bundok.
Sumama ang mukha niya nang siguro ay maalala niya 'yon. "Ewan koba don kay, Arminato... Akala mo hindi niya ako minahal kung maka-asta ngayon."
Halos mabitawan ko ang kutsilyo sa sinabi niya, agad naman siyang tumingin sa akin at nang marealize ang sinabi ay natuptop niya ang bibig.
"Ex mo si Arminato?" Gulat kong tanong.
Gulat din siya sa tanong ko, nanlaki kasi ang mga mata niya at lumapit sa akin upang patahimikin ako, naintindihan ko kung bakit. Mapaparusahan kasi kapag may nakarinig na pinag uusapan namin ang Punong tagapangalaga.
Pero? Seryoso? Ex niya si Arminato? Ang gwapong Punong Tagapangalaga ng kampo? Ang doppelganger ni Johnny Depp noong kabataan niya?
"So... Ano nga? Ex mo siya?"
YOU ARE READING
Under the Blooded Moon
ÜbernatürlichesSerenity Jara, living her normal life, was chosen to be the Lord Sentinel of all immortals. A life-altering event then occurred, forcing her to navigate a complex situation. Will she find her way through this challenging path alone, or will she need...