Vaughn Kellan....
"Serenity, pwede ba kitang maka-usap?"
Nilingon ko si Amoranda sa pinto, binaba ko ang damit na hawak at tinanguhan siya.
"Bakit?" Tanong ko nang makaupo siya sa tabi ko dito sa aking kama.
Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, nag angat siya ng tingin sa akin at inalis ang mga buhok na nakatabing sa aking mukha.
"Kamukhang-kamukha mo si Alondra."
Napangiwi ako. Malamang nanay ko iyon, baliw talaga itong babaeng 'to.
"Alam mo ba, sobrang saya ko nung malaman kong buntis si Alondra."
Nanliit ang mga mata ko sa pagtitig sa kaniya, may kakaiba sa kaniya. Napaka blooming niya ngayon, bakit kaya?
"Ako ang pinaka-unang nakaalam na buntis ang iyong Ina bago si Jethro Isaac.... I was so happy knowing that you'll be someone I will cherish the most."
Her eyes sparkled like a magic dust, kahit hindi niya ako sabihan alam kong masaya siya habang sinasabi iyon.
"Ngunit.... Ako din ang pinaka naging malungkot nang malaman naming kailangang umalis ng pamilya niyo upang itago ka." She sighed. "Takot na ako takot ako noon para sayo, gusto kong sumalungat sa desisyon ni Alondra kasi gagawin ko naman ang lahat para protektahan ka pero wala akong magagawa."
A glimpse of sadness passed on her eyes. Ramdam ko ang gusto niyang iparating.
"Almost nineteen years, Serenity. I didn't see you for so many years. Lagi kong iniisip kung kailan ka babalik sa kampo, kailan kaya kita mahahawakan. Kailan kaya kita maaayusan na para ko nang isang totoong anak."
Binaba niya ang kamay mula sa aking buhok, hanggang sa aking isang kamay.
"And then, I finally met you. I was so happy. Ilang taon na akong nabubuhay, kaya sobrang saya ko nang sa wakas magkakaroon na ako ng anak." She chuckled. "And luckily, It was you."
Napangiti ako.
"I was so lucky to have you as my child, Serenity. Kahit hindi kita totoong anak. Kahit napaka-tigas ng ulo mo. Kahit madalas mo akong sinusuway. Nagpapasalamat parin ako kay Alondra at sa Diyos dahil binuhay ka nila."
"Amoranda, ano bang gusto mo talagang sabihin?" Nang hindi ako mapalagay dahil sa mga pasikot sikot niya.
Tumikhim siya at umayos ng upo.
"I'm telling you this, because you are the person whom I value the most."
"Amoranda?" Muling tawag ko sa kaniya.
Binitawan niya ang kamay ko at tinignan ako, mula sa seryosong mukha ay sumibol sa kaniyang labi ang isang napaka-gandang ngiti.
My jaw almost dropped, when she raised her hand, her back hand was facing me.
"Oh my god!" Patayo ko nang sabi nang makita ang isang kumikinang na dyamante sa kaniyang palasing-singan. "I-Is that? D-Don't tell me!?"
Tumawa siya at tumango. Natuptop ko ang aking bibig dahil doon. Hindi ko alam pero gusto kong umiyak, gusto kong pumalahaw.
"Arminato and I...." Huminga siya ng malalim. "We're getting married!"
Agad akong lumakad patungo sa kaniya nang maramdamang tumulo ang mga luha ko sa aking pisngi.
"Oh my gosh! Amoranda!" Sigaw ko ulit
Niyakap ko siya ng mahigpit, lalo na nang magsimula siyang humagulhol.
YOU ARE READING
Under the Blooded Moon
ParanormalSerenity Jara, living her normal life, was chosen to be the Lord Sentinel of all immortals. A life-altering event then occurred, forcing her to navigate a complex situation. Will she find her way through this challenging path alone, or will she need...