"Kristina. Nagbabasa ka nanaman!" Napatingin ako sa taong tumawag sa'kin. siya ang tatay ko sa buhay na ito. Oo, sa buhay na ito, natatandaan ko kung sino ako at kung anong meron sa nakaraan ko, tangdang tanda ko pa kung sino ako noon. Pangalawang buhay ko ito, Ang una kong buhay ang nasa libro, hindi ko alam kung paano ko natuklasan na ang dati ko palang buhay ay gawa gawa lamang ng isang tao.
"Pahinging pera." Pero kahit na ganun, kahit nasa libro lang ang buhay ko noon, mas gusto ko yun. Mahal ako ng mga tao kahit mahirap lang ang buhay doon. May mga magulang akong mahal na mahal ako, hindi tulad sa buhay na ito.
"Wala akong pera itay, pinambili ko ng pagkain natin." Mahinhin kong sabi sakanya.
"Potangina! Pagkain ba tawag mo'to? Putanginang pagkain yan!" malakas na sabi niya atsaka niya ito hinagis sa pader, nagwawala siya habang binabato ang mga plato at baso. Nabigla ako ng pati ang lamesa ay kanyang itinumba. Hindi naging sapat yun kung kaya't pati ako na nanahamik at nakaupo sa upuan ng lamesa ay kanyang sinabunutan. Kinaladkad niya ako para matayo ako at tinignan ang mukha ko.
"Putangina ka, parehas kayo ng nanay mong pokpok! Mga walang kwenta!" sabi niya habang sinasabunutan ako kung kaya't napatingin ako sakanya. Mataba siya, puro alak, puro yosi ang alam. Sa buhay kong ito, mahirap ako at hindi mahal ng mga magulang ko. Ang nanay ko ay isang sex worker, nabuntis siya ng di niya kilala na lalaki. Ang tumatayo kong tatay ay ang Jowa niya noong mga panahon na iyon. Ayaw ni Nanay na iwan siya ng lalaking ito kung kaya't sinabi niya na ako ang anak niya.
Pero walang sekreto ang di nabubunyag, nalaman niyang hindi niya ako tunay na anak dahil sa kalasingan ni Nanay noon. Nalaman ni Itay mismo sa bibig ni Nanay, kung kaya't sinasktan nya na ako simula noon. Si nanay? umalis at iniwan ako dahil di niya matiis ang pang aapi at pangungutya sakanya ni itay. Iniwan niya ako na mag isa. bata pa ako nun hanggang sa magdalaga ako ay walang nanay na sumulpot para kuhain ako. Ang pangakong binitiwan niya noon ay kasamang nalimig nung ginahasa ako ng mga kaibigan ni itay.
"Ano na, Putangina! Nasan ang pera?! Ginawa kitang sex worker dahil ang ganda mo! Ang daming nahuhumaling sa'yo! Putangina ka!" sabi niya sakin at mas lalong humigpit ang hawak niya sa'king buhok.
"Itay, wala akong pera, mahina ang club dahil----"
"PUTANGINA KA!" malakas niya kong hinagis sa lababo at ramdam ko ang sakit ng tumama ang ulo ko dito. napa upo ako at nanlalatang kinapa ang dumudugo kong noo. nakita ko nga na madami ang dugong nasa kamay ko, napatingin ako sa tatay ko na nagsasalita pa rin, paniguradong nagmumura nanaman siya. Nginitian ko siya ng matamis at saka unti unting naglabo ang mga panangin ko.
"Salamat, papa." Mahina kong sabi sakanya, doon ko naiinag na natataranta na siya at nilapitan ako para yugyugin. Pero alam kong huli na ang lahat, katapusan ko na.
Bago ko napikit ang mga mata ko, Hinihiling ko na sana magkaron ako ng matiwasay na buhay kung bubuhayin 'man ako ng Diyos muli, kung hindi naman sana ay mapunta ako sa langit. Sobra sobra na ang karmang natanggap ko sa pangalawa kong buhay, sapat na pambayad sa mga atraso ko noon sa una kong buhay.
"Kristinaaa! Huwag mong ipikit----"
kasabay ng pagwala ng aking pandinig ay siya namang pagpikit ko ng mata ko.
"Baron, ang inyong anak ay nagising na!"
BINABASA MO ANG
Captivated by the Young Lord
FantasyReincarnated Series presents "Captivated by the Young Lord" Allegra, a poor villain in a Novel. Everyone does not Pity her, why would they? All villainess have a reason why they acted like that, but will people understand them? No, why would they un...