Chapter 2

97 7 1
                                    


"Allegra! Ano ginagawa mo?" bungad na tanong sa'kin ni Akuji. Tinignan ko lamang siya at binalik ang tingin ko muli  sa aking sinusulat. 

"Allegraaa? Ano iyan?" pangungulit ni Akuji sa'kin. Sa bayan namin hindi nila alam ang lengwaheng ingles. Maski si Akuji ay hindi pa ito nalalaman sa panahong ito. Kaya tinatanong niya sa'kin kung anong mga sinusulat ko. 

Sinusulat ko ang mga maaring mangyari sa'min nila mama at papa maging ang dapat kong iwasan. Oo, hiniling ko ang pagbabalik ko dito sa mundong libro na ito, at dahil alam ko ang mangyayari sa hinaharap ay kailangan ko sunggaban ang pagkakataon na binigay sa'kin ng panginoon. Dininig ng kung sino 'man ang munting hiling ko noon kung kaya't dapat na Hindi masunod ang mangyari sa libro.  Dapat ko iyon iwasan para wala akong pagsisi na maramdaman.

"Allegra, nais mo bang magpunta sa Main City pagkatapos ko sa aking insayo?" napatingin naman ako sakanya ng may pagtataka.

"Main City? Nakakaintindi ka ng Ingles, Akuji?" Napangiti ito sa'kin na pinagtaka ko naman.

"Sa wakas, nasa akin na ang iyong atensyon, Allegra." Napatanga naman ako sa sinabi niya at napakunot ang aking noo. Bakit? Ano meron kung wala sakanya ang atensyon ko? 

"Hindi ako nakakaintindi ng Ingles, Allegra. Pero nais kong matuto, hayaan mo at pagkatapos ko mag insayo ay aaralin ko ang wikang Ingles at tuturuan kita!" maligalig na pagkakasabi nito at may malawak na ngiti. Tinitigan ko lamang siya, Alam kong aalis  siya pagkatapos ng Gera dahil kukunin siya ng Duke na tiyuhin niya. Oo, mayaman sila, mas mayaman si Akuji kumpara sa'min. Sila mama ay isa lamang Baroness, sila ang Lord dito sa amig baryo. Mataas ang posisyon ng pamilya ko pero hindi lingid sa'king kaalaman na mas mataas ang posisyon nila Akuji. Sa lugar kasing ito, ang mga Duke ang sunod na mataas sa Emperor at Empress. Ang mga Duke ang Lord sa mga malalaking bayan o City samantalang ang mga baron naman na kagaya nila Ina ay ang mga lord sa maliit na baryo. 

Hindi ko alam kung papaano nangyari na nabasa ko ang libro na siyang buhay ko noon. Siguro ay aksidente lamang iyon, nakita ko kasi sa mundong Earth ang buhay ko sa pamamagitan ng libro. Ang titulo ng librong iyon ay 'The Young lord's Flower' ang cheesy diba? Pero umani yun ng maraming magbabasa, kaya sumikat ito at ginawan ng libro. Ang usap usapan noon sa Mundong Earth ay magkakaron na ito ng Live Adaption. Pero hindi ko na yun naabutan gawa ng aking kamatayan. 

Napabuntong hininga nalang ako, ako si Allegra Dulcie Phristina. Isang baroness paglaki at dapat magmamana bilang Lord ng aming baryo. Ngunit hindi nangyari kahit sa libro ay di mangyayari iyon. Nasawi halos lahat ng tao na nakatira rito sa aming baryo dahil sa mga halimaw. Mga bata lamang ang nakaligtas nun, oo kasama ako roon pero napunta kaming halos lahat sa Norte kung saan laganap ang pagiging slave, Maliban kay Akuji na dinala ng kanyang tiyuhin na Duke. Ano pa nga ba ang aasahan sa Male Lead na diba? 


At bilang 'childhood friend' ni Akuji, kinuha niya ako makalipas ng limang taon. Akala ko ay pagmamahal ang umiiral sa'kanya nun kung kaya't hinabol ko siya ng hinabol. Pinagsilbihan na parang Hari. Hari ko, ngunit mali ako. Hindi ako ang bida. Pinaniwala ako ng ilusiyon ng pag ibig na nararapat ako sa'kanya, na kami ang nakatakda ngunit mali. Si Irene ang bida, Irene Harmony Sante. Ampon ng isang Duke, at ang Saint sa mundong ito. Siya ang makakapagtigil sa mga Halimaw at sa Lord sa Norte na isa ring kontrabida sa mundong ito kasama ang mga nasasakupan nito.  

Pinagkasundo sila ni Akuji at Irene, at dahil di mawawala ang isang kontrabida sa isang kwento, nagalit ako nun, nagwala hanggang umabot sa punto na inahas ko si Akuji at may nangyari sa'min, na nagbunga sa isang anghel. Ang akala noon ay pagnagkaroon kami ng anak, matitigil ang kasal nila nila Irene at hahayaan kami ng Hari. Tama nga, natigil ang planong pagpapakasal nila Irene, tanda ko ang kasiyahan ko noon, ngunit di ko alam na si Akuji mismo magpapatumba  sa'kin. 

Matapos ng pagbubuntis ko noon sa anak namin ay sinabotohe niya na hindi niya anak ang anak namin at anak iyon ng isang Matandang Duke, dama ko ang kahihiyan na naganap sa'kin. Araw kasi  yun ng binyag ng aming anak, madami ang dumalo kung kaya't sobrang kahihiyan ang natamo ko noon, madaming nagtaas kilay dahil doon. Hindi ko maitanggi dahil may kasabwat siyang duke,matibay ang ebidensiya niya. Hindi pinapakinggan ang mga ranggo ng baron kung kaya't kahit itanggi ko iyon ay walang maniniwala sa'kin. 

Iyak lamang ang aking nagawa ng mga panahong iyon. matapos ang gabing iyon ay tinanong ko siya kung bakit niya nagawa iyon. Simple lamang ang naging sagot niya, Hindi ako ang mahal niya at hindi ako ang nais niyang maging ina ng mga anak niya. Mahal niya si Irene, higit pa sa magiging anak namin kung kaya ay pinili niya si Irene. Tinanong ko siya kung bakit pa niya ako kinuha noon sa Norte dahil ang akala ko ay pagmamahal iyon, dahil naging magkaibigan kami mula pagkabata ngunit nagkamali uli ako. Kinuha niya ako at pinatira sa mansyon niya dahil wala na akong mauuwian na kamag anak, hindi tulad ng mga kasamahan ko noon sa Norte na may mga mauuwiang kamag anak. Sakit ang naramdaman ko nung mga panahon na iyon, matapos ang araw na iyon ay pina impake niya kami at pinaalis kasama ang aking anak papunta sa kausap niya na duke na siyang 'ama' raw ng aking anak. kahit kailan ay di ko nagawang makipag talik sa ibang tao bukod sakanya kaya alam ko at alam ng mga tao sa mansyon niya na siya ang ama. ngunit matigas ang kanyang ulo. hindi naging maganda ang trato ng matandang duke sa'kin. hindi lang niya ako minamaltrato kundi ginagahasa niya rin ako pero ang pinakamasakit ang pananakit niya sa anak namin ni Akuji. Humingi ako ng tulong pero ni-isa, walang may gustong tumulong sa'kin. 

Umabot ng tatlong taon ang anak namin at di nito kinaya ang pananakit at gutom na dinaranas nito sa kamay ng matandang duke, naiwan akong luhaan noon. Sobrang pagsisi ang naramdaman ko dahil di ko 'man lang naligtas ang anak ko.  Hanggang sa hindi na rin kinaya ng katawan ko ang pag aabuso ng matandang duke na siyang kinamatay ko noon. Huli na para mapagtanto na sa mundong ito, ang mga commoner at Baron na kagaya ko ay walang kapangyarihan para masunod. Mayor o Lord lang ang pinaka mataas na katungkulan nito sa mga maliliit na baryo ngunit kung dadalhin ito sa mga City ay walang wala ang posisyon nito.

Matapos kong pumanaw nun ay napadpad ako sa Earth. Hindi ganun mapagmahal ang mga magulang ko sa mundong iyon hindi tulad dito, ngunit pinaaral at binihisan nila ako kahit papaano. Hangang umabot ako sa highschool, naiwan ng isang estudyante ang isang libro. Cleaners kami noon kaya Nakita ko ang librong 'The Young Lord's Flower', ng mabasa ko iyon ay doon ko nalaman na ang unang buhay ko ay isa lamang gawa ng isang tao. Kaya pala sobrang swerte ni Irene dahil isa siyang protagonist. Kaya pala di ako kayang mahalin ni Akuji dahil nakatakda pala sya sa Protagonist. Kaya pala kahit anong pagpapakita ko ng pagmamahal ko at effort ko para lang mapansin ni Akuji ay hindi niya mapapansin dahil una palang pala ay para na siya kay Irene. Nabasa ko rin na matapos niya akong ipatapon sa  Matandang duke ay natuloy ang kanilang pag iibigan at kinasal sila, nagkaron ng mga anak at namuhay sa Norte na naging Mayor o Lord siya sa lugar na iyon. Naging happy ang ending ang kanilang pagsasama, nabalitaan nila na namatay ako at pinagbunyi pa nila iyon dahil sa wakas wala ng mananakit sa 'Saint' na sinasabi sa libro. 

Mapait ako napangiti ng mabasa ko ang mga katagang iyon, tama nga naman, sa lahat ng kontrabida, walang nagkakaron ng happy ending. At sa kasamaang palad. Kasama ako doon. 

Uso ang internet noon sa Earth kaya sibukan kong alamin kung sino ang manunulat nun, nalaman ko na una itong sumikat sa wattpad at nakahakot ng milyon milyong magbabasa na nauwi sa pag imprinta sa libro, sa kasamaang palad, Anonymous ang manunulat. Nalaman ko rin na may book two ito, tungkol naman iyon sa mga naging anak nila Akuji. Hindi ko na binasa iyon at pinabayaan nalang na lamunin ng kalungkutan dahil sa mga nalaman ko.


Kaya ngayon na nandito ako uli sa mundong ito, hindi ko hahayaan na mangyari ang lahat ng iyon. gusto kong mabuhay ng masaya kasama ang mga magulang ko at ang magiging anak ko sa ibang lalaki. Bata pa sa ngayon si Akuji, kaya inosente pa siya. Kahit malaki ang kasalanan niya ay hindi ako nagtanim ng galit sakanya, ngunit hindi ibigsabihin nun ay wala akong sama ng loob sakanya. Mararapat lang na pagkatapos niyang makilala ang Tiyuhin niyang duke ay tsaka dapat na di maglandas ang aming mga buhay. 

Sa ngayon, ayoko pa itong problemahin. Nasa nakaraan pa ako kung kailan buhay pa ang mga magulang ko kaya dapat ko itong sulitin.  


=====================================

thanks for the vote! have nice day!

Captivated by the Young LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon