"Baron! Gising na si Dulcie!"
Dahan dahan kong minulat ang aking mata, sumalubong sa'kin ang kahoy na kisame. Tinignan ko itong maigi, napaisip ako kung ganito ba talaga ang Kisame namin.
"Anak! Mabuti at gising kana!" napawi ang tingin ko sa kisame na iyon at nabigla ako ng may yumakap sa'kin dahilan upang mapa-upo ako ng wala sa oras, medjo kinahilo ko yun kaya napahawak ako sa ulo ko at napapkit. Muli kong minulat ang aking mata para tignan kung mayron pa ring dugo ang ulo ko. Kinapa ng mga daliri ko ang lugar kung saan dumudugo ang noo ko sa pagkakaalalo. Ng makita ko ang kamay ko ay wala iyong dugo na labis kong kinataka. Tandang tanda ko na sa kaliwang bahagi iyon ng Noo ko ngunit walang akong dugong nakapa.
"Anak, ano bang nangyari sa'yo at iniwan mo si Akuji? Ha'yan tuloy at inatake ka ng ibang nilalang!" hinawakan nito ang aking balikat at tinulak ako para magkaharap kami, nakita ko sa sa asul niyang mata ang pag-aalala at pagsisi na hindi ko naman alam kung bakit iyon ang nararamdaman niya sa'kin. Gayong hindi naman siya ang ina. Ina? Pinagmasdan ko siyang mabuti upang makikilala kung sino siya.
"Palagay ko ay wala siyang naalala, Baroness. Sabi ko nga nung isang araw ay kritikal ang natamaan ng halimaw na iyon, dahil siguro doon ay nagkaron siya ng pagkalimot." Napatingin naman ako sa matandang mangagamot. Simple lang pananamit niya pero malalaman mong doktor ito dahil sa mga dala niyang gamit. Kinunutan ko ang kanyang kasuotan. Naka black pants ito na hindi hapit, animo'y isang uniporme sa paaralan, naka polo siya at may strap na nakakabit sa pantalon niya, tipikal na sinaunang damit. Tinignan ko kung anong itsura niya, may salamin ito ngunit ang isang mata lamang ang mayroon, sa pagkakatanda ko ay tinatawag itong monocle. Nilibot ko ang aking paningin kung nasaan ako. Nakita ko na may batang lalaking nakatayo at inaabangan na makausap ako, ng nakita niyag nakatingin ako sakanya ay agad ako nitong nginitian at kita ko ang pag aalala niya. Nilipat ko naman ang tingin ko sa kasama niyang lalaki, sa tigin ko ay nasa 30s na ito at nakatitig din siya sakin ng may pag alala at lungkot. Muli kong tinitigan ang mukha nito.
"Ama.." Mababang sambit ko sa'kanya. hindi ko alam kung narinig ba niya iyon o hindi pero tama ang aking pagkakaalala, siya ang ama ko sa una kong buhay. Nalipat ang mata ko ng may humaplos sa'king pisnge.
"Patawarin mo ko anak! Dapat ay hindi ko na kayo pinayagan ni Akuji mamasyal sa kagubat! Patawad anak!" lumuluhang sambit ng aking ina, oo ina, siya ang una kong ina. Ibig bang sabihin nito ay napadpad akong muli sa aking datig buhay? Pinunasan ko ang kanyang mga luha gamit ang aking kamay. Kahit tumatangis siya ay halata pa rin ang kagandahang taglay niya.
"Wala kang kasalanan, ina. Pasaway ako at hindi nakikinig kay tatay." Mahinang sambit ko kaya kinagulat niya ito at tinitigan ako. Ngunit hindi naglaon ay yinakap ako nito.
"Maiwan ko muna kayo, baron. Mas maganda kung pagpapahingahin nyo pa siya ng ilang araw bago palabasin. Kinagagalak ko na nagising siya, Baron."
"Salamat, Ihatid na muna kita, Halika." rinig kong sabi ni ama. Napatingin ako sa pigurang unti unting lumalakad palapit sa'kin.
"Allegra." mahinhing tawag nito sa'kin at umupo sa tabi ko. Tinignan ko si ina ng lumayo ito sa pagkayakap sa'kin. Tumayo siya at nagpunas ng kanyang luha.
"Iwan ko muna kayo, ipaghahanda ko kayo ng makakain ha." Sabi nito at tuluyang lumisan sa aking silid. Nilibot ko ang silid, at nakita ko ang kakaunting gamit, sapat na para sa araw araw na gawain, walang libro o ano 'man.
"Allegra, pinagalala mo ko, buti at nakita kita bago ka mapuruhan ng halimaw na iyon, wag mo na uling gagawin yun, pinagalala mo ang baron at ang nasasakupan ninyo." Tinignan ko siyang maigi.
Siya ay si Aiden Akuji Moller, pero wala pa siyang apelyido sa panahon na ito kung kaya't tinatatawag lang siyang Aiden. Hindi ko alam kung bakit ako narito sa una kong buhay gayong alam kong namatay ako sa di kanaisnais na paraan. Napabuntong hininga ako at napapakit. Hindi ko alam kung para saan at napunta ako dito sa dati kong buhay pero nagagalak ako dahil makakasama ko uli ang dati kong magulang. Napamulat ako ng hapuin ni Akuji ang aking pisnge.
"May masakit ba saiyo, Allegra?" tinitigan ko ang kanyang mata na kulay asul, isa ito sa mga katangian na nagustuhan ko sakanya. may emosyon at kitang kita ang pag aalala sa mga mata niya. Pinagmasdan ko ang kabuan niyang mukha, may matangos itong ilong at may kaliitan ito, malaman pa ang kanyang pisnge at nakatikom ang mga labi nito, salubong ang kilay niya. may nunal siya sa kaliwang bahagi ng mukha niya malapit sa mata niya, ito ang nunal na nagpaperpekto sa kagwapuhan niyang taglay. pinagmasdan ko ang ayos ng buhok nito, nakalagay lang ang kanyang bangs sa gilid ng kanyang mukha, animo'y nerd sa modernong mundo. itim na itim ang buhok nito at matingkad ang pagka itim nun.
"Allegra?"
Bumalik ang paningin ko sakanya at tinanggal ang mga kamay niya sa aking pisnge. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo ng ginawa ko yun. pero pinabayaan ko nalamang at hindi ito pinansin. "Anong panahon na, Aiden?"
"Aiden? bakit aiden ang tawag mo sa'kin, Allegra?"
"Akuji." ulit ko sa pangalan niya, nakita kong nagbago ang mukha nito at napangiti siya. "Akuji, anong panahon na ngayon?" ulit ko sa tanong ko kanina.
"Nakalimutan mo na ba, Allegra? Ngayon ay ang unang siglo, buwan ng Abril. Kahapon ay ang iyong kaarawan, Allegra, Ikaw ay taong ika-pito na." Nakangiti nitong saad sa'kin. Ika-pitong taong gulang? Ayon sa pagkakatanda ko ay nasa ikasampong taon na siya. May dalawang taon kaming pagitan, kung ganun ay sa ikasiyam kong taong gulang ay magkakaron na ng digmaan.
"Malalim ata ang iniisip mo, Allegra? Di mo ba nagustuhan ang regalo sa'yo ni Baron?"
Napailing nalamang ako sa sinabi niya. tsaka ko nalang siguro iisipin ang mga mangyayari sa istorya, sa ngayon ay susulitin ko muna na makasama ang aing mga magulang sa maikling panahon. Hindi sapat pero susubukan kog baguhin ang takbo ng istoryang ito. Dapat ay mabuhay kaming lahat at walang mamatay, malayo dapat sa istoryang ginawa ng maunulat ng librong ito.
BINABASA MO ANG
Captivated by the Young Lord
FantasíaReincarnated Series presents "Captivated by the Young Lord" Allegra, a poor villain in a Novel. Everyone does not Pity her, why would they? All villainess have a reason why they acted like that, but will people understand them? No, why would they un...