Ng araw na ay pinauwi niya ako agad at dinala sa'min. Naalala ko ang mga galit na galit niyang mata. Binigay niya sa'kin ang bulaklak na napanaluhan niya sa Kompitasyon na iyon at walang sabing umalis nalang. Tatawagin ko sana siya at tatanungin kung bakit niya naisapang ibigay yun sa'kin. Ga'yong pagkakaalala ko noong mga panahon na ito ay hindi niya binalak makuha ang bulaklak na iyon, bagkus ang nakapanalo nun ay si Markus at binigay iyon kay Aurora. Kaya malaki ang pagtataka ko na pinanalo niya ang Kompitasyon para lamang sa bulaklak?
Halata rin ang takot sa mga mata niya ng makita ako kasama ang Lola niya. Ewan ko ba kung takot ba iyon dahil isang Alchemist ang kanyang Lola o takot na mapahamak ako? Pero sino bang lolokohin ko, alam ko namang mahal niya lang ako dahil kaibigan niya at dun lang kaya malamang ay takot iyon sa Lola niyang Alchemist. Ewan ko ba at ganun ang takot nila sa mga alchemist. Makalipas ang araw na iyon ay sobrang bantay sarado na sa'kin si Akuji. Naiinis 'man ay sinasabahala ko nalang. Wala akong magagawa dahil ayaw din nila ina at ama na magtungo ako sa Alchemist na iyon. Hindi ko alam kung bakit pero sa Librong ito, masyadong takot ang mga tao sakanila. Marquis ang pinakamataas na posisyon ng mga Alchemist. Bibihira lamang sila dahil karamihan ng tao ay ayaw sakanila. Masyadong mapanganib ang kanilang ekspiremento kung kaya't ayaw ng iba.
Nagkakaron sila ng titulong Marquis o Grand master kung may naiambag sila sa Emperyo nila. Si Marquis Josefina Moller ay dating may naiambag sa Gera noong kapanahon niya. Siya ang lola ni Akuji na narito ngayon sa aming baryo. Paano niya nalaman na si Akuji ang apo niya? Palaging nakashort ang mga batang lalaki dito sa'min sa tuwing ensayo nila. Sa kanang bahagi ni Akuji sa gilid ng tuhod niy ay may malaking nunal siya roon. Lahat ng Moller ay mayroong ganung tatak. Tatak ata iyon ng pagiging sakim, charing!
Napangite ako sa sinabi kong 'Charing', namimiss ko tuloy ang naging kaibigan ko sa Earth. Kamusta na kaya siya? Nakakamiss din siya, Kamusta na kaya yun? Hindi 'man ganun kaganda ang buhay ko sa Earth pero may mga taong nagmamahal pa rin naman sa'kin kahit paano.
Napabuntong hininga ako sa nararamdaman ko. Gusto kong bumalik dito sa buhay ko sa libro pero hindi ko naisip na may iiwan akong matalik na kaibigan. "Lalim naman niyan, anak? Ano ang problema? Aba, nilabas mo pala ang bulaklak na bigay sa'yo ni Akuji?"
Napatingin naman ako kay ina at umupo ito sa tabi ko habang hinahapo ang aking buhok, nginitigan ko siya ginagawa niya at yinakap siya. Ang sarap ng may magulang na mapagmahal talaga. Ito ang namiss ko rito sa buhay ko na ito.
"Ina, Anong meron sa bulaklak na ito at madaming mga kababaihan ang nais na ito? Ina, Nais ko rin sanang maging Alchemist kung maari po? " Naramdaman ko ang pagtigil ng kamay ni ina sa paghapo sa'king buhok.
"Anak, delikado iyon. Maari kang mapahamak. At lalayuan ka ng mga tao, kaulad ni Marquis Josefina." Itinigil niya ang pag yakap sakin at tsaka niya ako hinarap sakanyang mukha. Nalungkot ako sa sinabi nya dahil hindi naman porke nag aaral ka ng Alchemy ay mapapahamak kana agad. Maari ko rin mapigilan ang pagkamatay nila kung maayos ako gumawa ng trabaho. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni ina, kaya napatingin ako sa'kanya.
"Handa ka ba na ayawan ka ng ibang tao? Pati si Akuji ay maaring lumayo sa'yo."
"Opo! Handa ako ina." Matulin na sagot ko na magana. Muli siyang napabuntong hininga at sa huli ay wala rin siya nagawa.
"Oh siya sige, ako bahala sa tatay mo. Di ko naman na mababago ang ang gusto mo, anak eh." napabuntong hininga na sabi ni ina. Noon kasi talaga sobrang spoiled ako kahit baroness lang naman ang ranggo nila ina ay gustong gusto kong ipilit ang mga nais ko. At dahil dun doon nangyari ang masasamang pangyayari sa'kin. Alam kong sinulat lamang ang ng tao ang tadhana ko, pero di ba pwedeng lahat ng nasa libro ay magkaroon ng Happy Ending? Hindi lang ang mga main characters?
BINABASA MO ANG
Captivated by the Young Lord
FantasíaReincarnated Series presents "Captivated by the Young Lord" Allegra, a poor villain in a Novel. Everyone does not Pity her, why would they? All villainess have a reason why they acted like that, but will people understand them? No, why would they un...