Chapter 8 - War
Dumaan ang dalawang araw, nagsisiyasat kami sa lugar at papuntang bayan. Nakita naming walang umaaligid na tao o halimaw.
"Akuji, bakit mo nasabi na magkakaron ng Gera?" Tanong ko sakanya. Narito kami sa kakahuyan at tahimik na tinatahak ang daan patungo sa aming baryo.
Napatingin siya sakin bago niya ako sinagot. "Usap usapan sa Main City na hindi pabor ang Norte sa mga itinalagang batas ng ating Hari. Kaya maari silang magdeklara ng Gera. Alam mo naman na may kakayahan ang Norte dahil karamihan sakanila ay may mga itim na mahika." Tanging sambit niya at nagpatuloy sa paglalakad.
Tahimik ko naman siyang sinundan. Ang Norte ang pinaka malakas sa apat na pulo. At ang Norte rin ang pinaka masama. Sa istoryang sinulat ng kung sino man ay mayroong Apat na pulo. North, East, South at West. Ang Norte ang pinaka malakas, sumonod ang west na aming kaharian. Pumangatlo ang East at huli ay South. Hindi ko alam kung bakit mahina ang South pero ang tatlong pulo ay nag kakaisa. Liban sa Norte. Hindi sinambit kung bakit galit ang Norte sa West sa libro. Pero alam ko kung bakit. Magkapatid ang Norte at West. Ang aming hari ay ang bunsong anak ng dating Empress at Emperor. At ang naghahari naman sa Norte ay ang panganay nilang anak. Nais ng Panganay na anak na maghari at makuha ang lahat ng kapangyarihan. Ngunit hindi ito gusto ng dating Emperor kung kaya't binigay ang West sa Bunsong Anak. Ang west ang mas malakas noon sa Norte. ibinigay sa panganay na ang anak ang Norte. Kulilat ang Norte noon ngunit dahil sakim ang Panganay na anak ay ginawa nito ang lahat.
Alam ko na uso ang bentahan ng mga tao dun, armas at maski ang bantahan ng katawan. Karamihan ng tao dun ay mga kriminal. Minsan na akong namalagi roon at hindi ko na gugustuhing bumalik roon. Halang ang mga bituka ng mga tao dun ganun rin ang Panganay na Hari.
"Akuji. Natatakot ako sa maaring mangyari satin. Lalo na sa Norte." Nag aalalang sambit ko. Delikado roon, lalo na ngayon na ang hinuha ni Akuji ay may gera na. Alam kong magkakaroon ng Gera laban sa Norte. Ngunit matagal at maraming mamatay. Dahil si Akuji ang susi para matalo ang Norte. Hindi lang sila Ina at ang baryo namin ang maghihirap kung aabutin ng ilang taon ang Gera.
"Maging ako 'man, Allegra." Sambit niya sakin. kita ang pag aala sa kanyang mga mata, hindi para sarili niya ngunit para sakin habang nakatingin siya sakin, dama ko ang sensiredad niya roon.
Napabuntong hininga nalang ako, Alam ko ang mangyayari sa'kin sa Norte pero natatakot pa rin ako. Ayoko na maranasan iyon pero kahit anong gawin ko, hindi ko mapipigilan ang dapat mangyari. Nasa libro kami at kahit anong gusto kong baguhin ay di mangyayari dahil.. dahil hindi ako ang bida. Ang mga kontrabida na katulad ko ay walang masayang ending. We're destined to die.
Nginitian ko nalang siya. "Akuji, Salamat. Kaibigan mo ko hanggang dulo, Akuji." sambit ko na may ngiti.
"Wala na rito ang bangkay ni Ina?" Tanong ko sa sarili ko. Nilibot ko muli ang aming tahanan at wala na nga roon ang bangkay niya. mangiyak ngiyak ako ng wala akong makitang katawan niya.
"Akuji? Nasan ang bangkay ni Ina?" Nag hihisterikal kong tanong sakanya.
"Kailangan na nating umalis, Allegra! May mga kawal!" Nababahalang sambit ni Akuji ngunit di ko iyon pinansin at patuloy na nilibot ang buong bahay. Pero wala akong bangkay na nakita roon.
"ALLEGRA!" Madiin na sambit ni Akuji at hinablot ang aking siko. Iniharap niya ako sa kanya at hinawakan ang aking mga balikat.
Itinaas niya ang aking mukha dahilan para makita niya ang mukha kong tumatangis. "Patawad allegra, ngunit kailangan nating umalis rito." Sabay niyang pinunasan ang aking nga luha gamit ang daliri niya.
"Allegra, kailangan mong umalis rito. Parang awa mo na, ayokong may mangyari sa'yo na masama." Mahinhin niyang sambit sakin na ikinatango ko at pinunusan ko ang luha ko.
Ina, hahanapin kita kapag ligtas na kami ni Akuji. Babalikan kita, pangako.
Hinila ko ang mga kamay ni Akuji at iginayak siya sa likod pinto. "Ibaba mo ang ulo mo Akuji, maari tayong makita mula sa harap." Tiim baga kong sambit sakanya. Nang makarating kami sa pinto ay unti unti ko iyong binuksan.
Tinignan ko ang paligid kung mayroong mga kawal. Wala akong nakita kaya ginayak ko siya patungo sa kakahuyan.
May daan rito mula sa aming kweba na pinagtataguan. Kabisado ko ang kakahuyan na ito pero mapanganib ang lugar na ito. Maraming mga mababangis na hayop.
"Hindi ko alam ang lugar na ito, Allegra. Baka mapaano tayo." Pagpigil sakin ni Akuji. Tinignan ko ang likod namin at muling luminga sa paligid. Hinila ko siya patago. Nagtatago kami sa malaking puno. Natatakot ako na baka makita kami ng mga kawal, lalo na at alam kong maari kong danasin muli ang mga dinanas ko noon.
"May daan dito patungo sa kweba na pinagtaguan natin, Akuji. Maraming mabangis na hayop pero kung---"
"Sigurado kaba na wala na ang mga tao dito?"
"Nilibot ko na ang lahat, pero wala akong nakitang tao. Puro bangkay. Ngunit ang bahay na ito ay walang bangkay ni isa. Baka nakaligtas sila at nagtatago sa kagubatan."Rinig kong sambit ng naguusap na mga kawal. Tinignan ko si Akuji at ramdam ko ang titig nito sa'kin. Kita ko sa mga emosyon siya na nag aalala siya at nasasabahala sa maaring maganap sa'min.
"Allegra, mamaya ka lumi--"
"Sige, halughugin natin. Tignan mo boung paligid baka nagtatago lang ang pamilya ng bahay na iyan dito."
"Malilintikan tayo kay Kapitan kapag may nakataas at makapagsumbong sa Kapitulyo."Rinig kong saad ng mga kawal. Tinignan ko si Akuji. Sinenyasan niya akong na tumahimik. Lumapit ito sakin para bumulong.
Sa paglapit niya ay naamoy ko ang bango niya kahit na may ilang araw na kaming di nagliligo. Naramdaman ko ang paghinga niya malapit sa leeg ko. "Pag bilang ko ng tatlo, tumakbo tayo sa kakahuyan. Susundan kita, Allegra." Bulong niya, lumayo siya at tinanguan ko naman siya.
"Isa.." umpisang bilang niya. Nag umpisa akong tumayo ng bahagya at at inihanda ang aking sarili para tumakbo.
"Yuhooo, wala ka ba nakikita jan?"
"Wala eh! Tignan mo dun sa gubat! Jan sa mga puno o halaman!""Dalawa.." rinig kong sambit ni Akuji, naririnig ko ang papalapit na yabag ng isang kawal.
"Tatlo! Takbo!" Mabilis na sigaw ni Akuji kaya tumakbo ako agad at di lumingon.
"MAY NGA BIHAG DITO! HABULIN MO BILIS!" Rinig kong sigaw ng kawal.
"Huwag kang lilinga, Allegra! Nasa likod mo ako! Tumakbo ka lang! Susundan kita!"
"Mga pasaway! Lintik!"
Rinig kong sigaw ng mga kawal. Nakarinig ako ng maraming yabag kaya alam kong dumadami ang nga kawal na humahabol sa'min.
Hindi ko alam na sa aming pagtakbo ay siyang katapusan ng kalayaan namin ni Akuji.
(◠ᴥ◕ʋ)(◠ᴥ◕ʋ)
N/A: sorry natagalan! Nagloloko din kasi wattpad. Pagnagpublish walang laman. HAHAHA ayaw ata akong mag update,chour. ◖⚆ᴥ⚆◗
( /^ω^)/♪♪
(=^・ェ・^=) see you soon! Next week uli! (Hopefully xD) Thank you pala sa Support Guys! Di ko alam na magbblow itong story na ito,lolz. Sana lang magtuloy tuloy at di kayo maboringan hahaha ಡ ͜ ʖ ಡ
BINABASA MO ANG
Captivated by the Young Lord
FantasyReincarnated Series presents "Captivated by the Young Lord" Allegra, a poor villain in a Novel. Everyone does not Pity her, why would they? All villainess have a reason why they acted like that, but will people understand them? No, why would they un...