Chapter 4

73 5 2
                                    

"Halika, Allegra!" hinila ako ni Akuji para bumalik sa aming pinanggalingan. Nakasunod pa rin pala ito, bakit ba buntot ng buntot ito, eh nung mga bata kami, ako ang buntot ng buntot sakanya. 

"Bakit ka tutungo sa Alchemist?" seryosong tanong nito habang hinila ako sa puno na malaki. Tinitigan ko ang seryosong mukha nito at pinanliitan ng mga mata.

"Bakit ka ba bumubuntot sa'kin?" Direkta kong tanong na kinanuot niya. 

"Allegra, ako ang unang nagtanong. Ako ang sagutin mo." Bakas ang pagkaseryoso sa boses niya. Hindi ko alam kung bakit ako kinalibutan sa mga boses niya. Akala mo ay siya ang duke noon bago ako mamatay. Hinawakan ya ang braso ko nang mahigpit.

"Wag na wag kang magtutungo roon, Allegra. Ipinapahamak mo nanaman ang sarili mo." Nanaman? bakit? Pinahmak ko na ba noon ang sarili ko ng di ko nalalaman? Kinunutan ko siya ng noo at hinila ang aking braso na siyang kinawagi ko naman ngunit nakita ko ang pagtiim baga niya. 

"At bakit? sino ka para sundin ko, Akuji? Commoner ka lang, Baron ako. Ako ang mas nakakataas sa'yo." Taas noo kong sabi at nagpameywang pa. I'm so sorry, male lead. Pero kailangan kong matutunan ang pagiging alchemist para maalis ko sila nanay sa papaging baron lamang at para magkaron ako ng laban kung sakaling mangyayari ang nasa libro.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya dahil sa mga nasabi ko, napailing lang ito at kinuha ang kamay ko na kanina ay nasa bewang ko lang tsaka hinawakan. Napatingin naman ako dahil sa ginawa niya. Kukunin ko na sana iyon ngunit hinigpitan niya lalo ang paghawak. "Kaarawan ngayon ni Aurora, halika at kumain tayo roon. Sasamahan kita sa susunod pagpupunta ka sa Alchemist." Mahinahon na sambit niya at marahan akong ginawi sa bahay nila aurora.

Pinagtataka ko ay hindi niya ako nilabanan sa panliliit ko sakaniya. Tinitigan ko ang maliit nitong Katawan. Hindi siya katangrakan kahit may dalawa kaming taon na pagitan, ngunit sobrang lakas na niya sa edad na siyam na taong gulang. Palaban siya mula pagkabata, kaya pinagtataka ko na di 'man lang niya ako nilabanan nung minamaliit ko siya. Naalala ko noong nagawi kami sa malaking baryo ay minaliit din siya ng isang baron na bata, sinuntok niya ito at binago ang storya na siya ang biktima ng baron na iyon sa mga kawal, kung kaya't napagalitan ito ng mga kawal na kinaiyak ng batang baron noon. 

Isiniwalang bahala ko nalamang ang iniisip ko at nagpati-anod na sakanya. Siguro nga ay mali ang pagkakakilala ko noon sakanya nung mga bata palamang kami. Baka hindi ko siya ganun kakilala nung mga panahon na iyon.



Naging masaya ang pagdiriwang sa Kaarawan ni Aurora, isa siyang matalik na kaibigan namin ni Akuji noon pero di ko na siya masyadong nakakausap gawa ng pagkulong ko sa bahay. Nakalipas ang oras ay hinatid ako ni Akuji sa bahay, wala itong binabanggit na salita at tahimik lang, ngunit hawak hawak pa rin nito ang mga kamay ko hanggang makarating kami sa bahay. Makalipas ang isang araw ay binalak ko agad na magpunta sa bahay ng Alchemist. 

Ngunit kahit anong gusto kong pagpunta sa Alchemist na iyon ay hindi ko magawa dahil laging nakabantay sa'kin si Akuji. Ewan ko ba doon, panay ang buntot sa'kin. samantalang dapat mahilig siya makipaglaro sa iba naming ka-edad o di kaya naman ay nagte-training roon para sa swordmanship kineme niya. 

"Allegra, tara sama ka? Doon tayo sa Training ground? Panoorin mo ko?" Maligalig na sabi sa'kin ni Akuji. Narito ako ngayon sa bahay namin sa labas at nakatanaw sa magandang tanawin. Ang bahay kasi namin ay may kalakihan, sa labas nito ay teresa. May upuan at table upang mag-tsaa. Ewan ko nga bakit nauuso ang pag-tsaa sa panahong ito, gayong di naman yun masarap. Uhm.. siguro noong di pa ako nakakatira sa Mundong Earth ay nasasarapan ako sa tsaa noon, ngunit nung bumalik ako ay hinahanap ko na ang kape. Mas masarap iyon, hindi ko nga alam kung bakit pero pagnagkakape ako imbes na magising ang diwa ko, mas inaantok ako. 

"Allegra, halika kana!"  napatingin naman ako sa'kanya. Hawak hawak na niya ang kamay ko at ngiting ngite siya. Binigyan ko nalang siya ng simpleng ngite at tsakanagpati-anod para magtungo sa Training Ground sa aming Bayan. 

Pagpasok namin ay hindi ganun karami ang mga tao.  Kaunti lang kasi talaga ang tao sa baryo namin. Sa tansya ko nasa kinse lang ang mga bata dito. Maliit lang itong lugar namin, hindi kalikahan at malapit sa gubat, kaya pahirapan talaga sa pagbili ng makakain namin. May mga mangangaso din kami pero hindi sa lahat ng oras maswerte ang aming mga mangangaso. 

"Dito ka lang, Allegra. Wag kang aalis, panoorin mo akong makipaglaban, Allegra." ngiteng sabi naman nito. tinanguan ko lang siya at sinundan ng tingin. 

"Oy, Allegra. Alam mo ba na hindi lamang ito basta pag eensayo ng mga lalaki sa'tin? Ang balita ko ang mananalo ay may tsansyang ipasok sa Main City para maging knight. at Hindi lang iyon! May pananalunan daw na bulaklak!"

"Oo! bulaklak daw yun na tungkol sa pangako ng isang lalaki sa babae! Grabe! ang bata pa natin tas may pagmamahal na agad. Hahaha!" Napatingin naman ako sakanila Aurora. Hindi lingid sa aking kaalaman na mas matanda ang iba sa'kin. Ang legal age dito ay katorse. Kaya hindi ka na magugulat kung alam na agad nila ang pagmamahal na iyan. Sila ama at ina nasa 30's pa lamang sila kaya gusto ko sana ng magiging kapatid ngunit nakakatakot ang maaring maganap, lalo na at nasa libro lamang kami. 

"Nako magsisimula na ata!" matinis na sambit ni Aurora. Nasa gilid lang kami at unting lakad lang ay ang labasan na. Napatingin ako muli sa harapan, naka upo si Akuji at nagtagpo ang aming mga mata. Nginitian niya ako ng matamis. kulang nalang ay mawarat ang kanyang mga labi sa pagngiti niya. Hindi ko alam kung bakit bumilis ang pagtibok ng aking puso ngunit rinig at dama ko ito, mali ito. Mali dahil hindi ako ang nararapat sakanya. Alam ko ang pakiramdam na ito at hindi ito nararapat. Iniwaksi ko ang mata ko sakanya at hindi na siya tinignan muli. Tinuon ko ang atensyon ko sa harap at pinipilit na huwag magtagpo ang aming mga mata. 

Nababagot ako dahil masyadong magaling ang mga manlalaro sa kompitisyon na ito, kung kaya't naisipan ko na lumisan muna. Pasimple kong tinignan si Akuji. Kita kong seryoso ito at nakakunot ang noo niya. Halatang bad mode ito, kinunutan ko siya ng noo at di makalipas ay umiwas na ako ng tingin. Pakialam ko ba sakanya. Napailing nalang ako sa mga naiisip ko at dahang dahang nagtungo sa labasan ng Training Ground, sinigurado ko na hindi mahahalata nila aurora na umalis ako sa tabi nila. 

Nang makalabas ako ay tumakbo ako agad sa dulo ng bayan at nagtungo sa Alchemist. ito ang naisip kong plano para makaalis sa mga tingin ni Akuji at makapunta rito. Kumatok ako sa pinto nito. Matagal ang hinintay ko bago niya ako pinagbuksan. 

"Ano ang ginagawa mo rito, Baroness?" 

Tingnan ko ang matandang iyon, hindi ganun katanda at hindi siya uubo't ubod. Tingin ko ay nasa  60's palang siya, hindi ganun kakuba at kita pa rin na alaga ang katawan niya  at malusog siya. Maganda siya para sa edad niya. Pero hindi matatanggi na masama pa rin ang loob ko sa ginawa niya kay inay. 

"Nais ko po sanang maging estudyante nyo." Diretsang sabi ko at tinignan ang kanyang mga mata. Bakas ang gulat sa kanyang mukha pero sandali lang iyon at nakita ko agad ang pagkunot ng kanyang noo. 

"At bakit? Hindi mo ba alam na delikado ang ginagagawa ko? Maaring mapahamak ka o ang pamilya mo." 

"Pero mas mataas ang tsansyang matulungan ko sila sa binggit ng kamatayan. Maproprotektahan ko rin ang sarili ko kung matututo ako." Direktang sabi ko rito. 

Tinitigan niya ako. Alam ko ang pinapapasok ko, wala akong magagawa sa istorya ng libro pero gusto kong baguhin ang nakatakda sakanila ama, gusto kong may magawa ako at mapigilan yun kahit papaano. Ayokong umasa iba, ayokong mangyari ang dating nangyari sakanila ama at ina. Gusto kong ako ang magligtas sakanila ama at ina. 

"ngunit paan--" 

"ALLEGRA!"  napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang pangalan ko na tinatawag. Bumilis ang tibok ng puso ko ng mapagtanto kong si Akuji ang tumawag sa'king ngalan. Napaharap ako sa'kanya at bumaba ang tingin ko sa kanyang hawak na bulaklak. Pawisan siya at halatang hinahanap niya ako. Ngunit bakit naririto siya? At bakit bakas ang galit sa'kanyang mga mukh? 

Captivated by the Young LordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon