"Allegra.."Rinig kong sambit sa'kin. Hindi ko maaninag kung sino ito dahil sa luha ko. Lumapit ito sa'kin at hinablot aking braso.
"Halika kana, may mga halimaw pang umaaligid rito! Delikado ka dito!" Pilit niya akong pinapaalis at pilit ko ring pinapabigat ang aking katawan.
"Ayoko! Ayoko!" Paulit ulit na sambit ko habang yinayakap ang aking ina.
"Allegra! Alam kong masakit, pero kailangan nating umalis rito! Delikado tayo dito!" Sigaw niya sakin. Tanging palahaw lang ng aking iyak ang nasagot ko sakanya.
"Allegra.." ramdam kong niyakap niya ako. Humigpit lalo ang yakap niya kaya mas lalo akong napaiyak.
"Kasalanan ko ito.." pangsisi kong sabi. Hinagod niya aking aking likod na inaalo ako.
"Hindi mo kasalanan ito, Allegra. Wala kang kasalanan. Pakiusap, umalis na tayo." Iyak lang ang nagawa ko. Hinila niya ako mula sa pagkakayakap ko sa aking ina.
"Sandali, Akuji." Kumalas ako sa mga yakap niya at muling hinarap ang aking ina. Ipinikit ko ang kanyang mga mata, umiiyak man ay kinuha ko ang kanyang sandata at singsing niya. Pinunasan ko ang aking luha, kinuha ko ang puting tela na dungis na ng dugo mula sa upuan. Tinakpan ko ang katawan niyang winasak ng isang halimaw. Nang matakpan ko ang ang kanyang katawan ay lumuhod ako.
"Ina.. patawad. Mahal na mahal kita, ina. Salamat sa lahat, ina." Iyak na sambit ko at hinalikan ang kanyang noo. Nanginginig man ang aking kamay ay tinakpan ko ang kanyang mukha ng tela. Senyales na habang buhay ay wala na siya. Na hindi ko na mararamdaman ang kanyang pagmamahal.
"Halika kana, Allegra." Sambit ni Akuji at hinablot ang aking braso para lumisan. Tinitigan ko ang mukha ni ina habang kami ay paalis. Masakit. Sobrang sakit. Dahil sa pangalawang pagkakataon ay nawala nanaman siya.
"Shit." Rinig kong mura ni Akuji. Napatingin ako sa harap namin. Nanginginig ako sa aking nakita. Malaking halimaw ito, itim ang balahibo. Mabagsik ang mukha niya at mukha kakain ano mang oras.
Nakita kong tumingin sakin si Akuji. Hinawakan niya aking kamay ng mahigpit. Tinitigan ko ang kamay niya na iyon at unti unti ko rin itong hinawakan. Takot man sa maaring mangyari samin ay ininam ko ang aking katawan para mapigilan ang takot na nararamdaman ko at magawa ko ang mga tinuro sakin ng lola ni Akuji.
Muling tumingin si Akuji sa harap namin, kita ko ang bagsik sa mga mata ng Halimaw na iyon. "Allegra, kaya mo bang lumaban? Mahihirapan tayo, malaki ang isang ito." Seryosong sabi ni Akuji. Kinuha nito ang espada niya at tsaka niya tinapat ito sa mabagsik na halimaw.
Mukhang wolf ang halimaw, malaki siya. Ibang iba sa ordinaryong wolf na namakikita sa North. Napakunot ako ng mas lalong bumagsik ang kanyang mga mata. Lumabas rin ang kanyang matutulis na daliri at mas lalong humaba ang kanyang pangil.
Nagulat rin si Akuji dahil roon. "Hindi ordinaryong halimaw ito, Allegra." Sambit niya sa'kin. Napatingin ako muli sa Halimaw. Kinuha ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak kay Akuji. Dali dali ko namang kinuha ang aking sling at ang bilog na ginawa ko noon. Pinaikot ko ang sling ko atsaka ko binitawan ang hawak na bilog ng sling ko.
"Takbo, Akuji!" Mabilis ko siyang hinila at tumakbo kami sa kakahuyan. Narinig ko ang matinis na alulong ng halimaw. Alam kong nasaktan siya sa bilog na iyon. Hindi bato ang bilog na iyon. Kapag may natamaan ang bilog na iyon ay kusa itong aapoy. Ganun ang Alchemist, pero dahil gusto ko ng sandata ay gumawa ako ng Sling. Sling na kung saan habang iniikot ito at itatama sa kung saan man ay kusang aalis ang bilog na ginawa ko at saka matatamaan ang aking prinupuntirya.
"Allegra, iyan ba ang tinuro sayo ni Lol-- ng grandmaster Alchemist?" Tanong ni Akuji habang kami ay tumatakbo. Naramdam ko ang paghawak niya pabalik sa aking kamay at mas naunang tumakbo papuntang kakahuyan.
BINABASA MO ANG
Captivated by the Young Lord
FantasyReincarnated Series presents "Captivated by the Young Lord" Allegra, a poor villain in a Novel. Everyone does not Pity her, why would they? All villainess have a reason why they acted like that, but will people understand them? No, why would they un...