Chapter 35: The President's Son

71.7K 1.2K 54
                                    

Chapter 35: The President's Son

 

 

Llyod's P.O.V

 

 

          "O son! Kumusta yung surprise mo kay Hanna? Nagustuhan ba nya?"

          Hindi ko muna sinagot si Papa. Naupo ako sa isa sa mga swivel chair na nasa harapan ng table nya at saka ipinatong doon yung dalawa kong paa.

          "I think nagustuhan naman nya Pa..." sabi ko saka tumingin sa isang parte ng pader.

          Isinabit ni Papa doon sa office nya yung picture naming dalawa ni Hanna—it was taken on our first month anniversary. We look ideal togther...'yan yung madalas na sinasabi ng karamihan sa school na 'to sa amin. Perfect  couple daw kami. Perfect?! My ass!

          Hanna is still in love with that Viel bullsh*t kaya paano nila nasabing perfect kami huh?!

          Pero, hindi ako gaya ng ibang lalaki dyan na susuko na lang basta at magpaparaya.

          Sabi nila, kapag mahal mo talaga ang isang tao, palayin mo sya. The f*ck with that adage! Sino nagpauso noon? Yung g*go sa kanto?!

          Paano mo maipapakita at maipaglalaban yung nararamdaman mo sa isang tao kung isusuko mo lang sya agad? This is survival of the fittest. Patayan kung patayan!

          "Kailan mo ba papakasalan si Hanna Llyod? Aba naiinip na ako sa kakahintay!"

          "Papa, 6 months pa lang kami ni Hanna. Kaya anong kasal-kasal ang sinasabi nyo dyan?" I gave him a bored look. My father and his crazy thoughts!

          "6 months is long enough son! Kaya magpropose ka na sa kanya! Wag kang kukupad-kupad! Baka maunahan ka pa ng iba. Alalahanin mo, maganda yang girlfriend mo. Marami kang karibal."

          And I don't care. Isa lang naman talaga ang karibal ko kung iyon man ang tawag doon...si Viel. That b*stard Viel!

          "Papa, nag-aaral pa kaming pareho kaya walang kasalang mangyayari okay?"

          "Corny mo! Kami nga ng Mama mo high school pa ang kami nung nag-asawa kami eh!"

          "Whatever."

          You must be wondering how I hate that Viel this much? Well, first, because of my sister Bettina. And now, Hanna. He always gets the most important person to me...and I hate it!

          Kung nagawa nyang kuhain si Bettina sa akin noon, ngayon hindi na ako papayag. Hindi na ako papayag na makuha nya sa akin pati si Hanna.

         

          I remember the time when Hanna and I met. She's the typical snob. Crazy girl. Yet she can make you fall for her in an instance.

          I smiled on that thought. And memories of the past flowed in my mind.

[Flashback]

 

 

          "Ano ba?! Nandito ka na naman?!"

          Yan yung lagi nyang sinasalubong sa akin whenever I try to come closer to her. And taray talaga ni Hanna! Nakakachallenge!    

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon