Chapter 45: He Knows
Viel's P.O.V
"I'm going with you Hanna..." nakangiting sabi ko sa kanya matapos ko syang yakapin at bahagyang mailayo sa akin. "I'll go with you sa States."
"P-Pero Viel—"
Iniharang ko sa bibig nya yung isang daliri ko para patigilin sya sa mga sasabihin nya.
"I said I'm going right? Kaya hindi mo ako mapipigilang sumama sa'yo."
Hanna just stared at me with agony in her eyes. Na para bang iiyak na ito ano mang sandali ngayon. Pero maya-maya lang ay ngumiti na rin ito sa akin.
"Sigurado ka ba?"
"Ofcourse."
"Pero Viel paano kung hindi maging matagumpay yung pagpapagamot ko doon?" ilang sandali itong huminto at saka nagpatuloy. "Paano ka?"
Marahan akong ngumiti sa kanya saka marahang pinahid yung dahan-dahang pagbagsak ng luha ni Hanna.
"Alam ko namang gagaling ka Hanna kaya wag mo isiping hindi ka gagaling."
"Viel you know that I am sick! Alam mong mamatay din ako!"
"Then, pipigilan kong mangyari iyon."
"Huh?"
"Hindi ko hahayaang mawawala ka na lang sa akin ng ganoon-ganoon na lang Hanna." sabi ko sa kanya habang titig na titig sa mata nya. "No sickness can tear us apart Hanna alam mo yan. If you don't have the will to live. Then atleast try to live for me."
Then Hanna started to burst into tears then she hugs me tight as she could.
"Tahan na..." sabi ko sa kanya habang hinahaplos ko yung buhok nya. "You know how I hate to see you crying right? Sasamahan na nga kita di ba? Bakit ka pa umiiyak dyan?"
Hanna just cry her hearts out sa akin. Kahit na anong pilit kong patigilin sya sa pag-iyak, iyak pa rin sya ng iyak kaya hinayaan ko na lang sya.
Maybe, she's been carrying this burden a long time ago. And this time, I will not let Hanna take all this burden all by herself.
If Hanna suffers from this unbearable pain, then, I'm going to take it away from her.
Para sa kanya, gagawin ko ang lahat para lang hindi na syang makitang umiyak.
Hanna is everything for me. And if my everything is not happy, then I'll spend the rest of my life making her happy.
***
"O ayan na pala yung love birds!" turo sa amin ni Renji. "O ano? Musta yung ginawa nyo sa loob? Hanna masakit ba? Ganyan talaga pag first time! Medyo masakit talaga!" natatawa pang sabi nito.
Pumulot ako ng bato at ibinato sa direksyon ni Renji pero nakailag ito.
"Ito namang si batang conservative kung makabato halatang guilty eh!" natatawa pang sabi nito.
BINABASA MO ANG
My Ex, My Professor
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 1] Anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang new Math Professor mo ay yung ex-boyfriend mo na matagal mo ng iniiwasan? Anong gagawin mo? Iiwasan ulit sya? O hahayaan ang sarili mo na mahulog ulit sa kanya? ©MaevelAnne