Chapter 46: I want you all to myself
Xander's P.O.V
"Nasisiraan ka na ba ng bait huh?! Bakit ikaw ang nagdedesisyon para sa ikakabuti ni Hanna?! Ikaw ba ang ama nya?!"
"Bakit?! Wag mong sabihin sa akin na ikaw dahil kahit kailan hindi ka naging magulang sa amin Papa'!" pagdidiin ko sa salitang iyon.
"No! You can't take Hanna to U.S.! Hindi kita papayagan Alexander!"
"Wala ka ng magagawa pa! Nakapagdesisyon na kami ni Hanna na aalis kami sa lugar na ito at hindi na kami babalik pa dito!"
"WHAT?!" galit na sigaw sa akin ng matandang ito. "Hindi mo kayang gawin yan Alexander!"
"Yes I can! Para ito kay Hanna kaya wala ka ng pakialam sa amin naiintindihan mo?!"
At saka ko padabog na isinara yung pinto ng library nya.
"ALEXANDER! BUMALIK KA DITO!"
Pero hindi ko na sya nilingon. Wala na akong pakialam sa kanya.
Ang tanga ko talaga. Kung bakit kasi sinabi ko pa sa kanya yung plano kong pagpapagamot kay Hanna sa ibang bansa.
"I should know better." sarcastic kong sabi sa sarili ko. "He don't give a damn about Hanna's condition afterall."
Hanna's P.O.V
"This.Is.Life!" masayang sabi ko sabay taas ng dalawang kamay ko habang tumatakbo ako papalapit sa dagat.
"Hoy Hanna sandali lang!" tawag sa akin ni Viel.
"Hahaha! Bilisan mo! Sayang yung tubig!"
Alam ko namang hindi agad makakasunod sa akin si Viel dahil ito ngayon ang nakaschedule na gumawa ng agahan nila. Kaya i-eenjoy ko muna yung tubig.
"Wag kang lumayo huh?!" sigaw nya sa akin.
Tsk! Anong tingin nya sa akin? Bata?! Tsk!
"Lamig~!" sabi ko nang nakatapak na ako sa tubig. " Makaligo na nga!"
At matapos noon ay hinubad ko yung suot kong oversized thirt ni Kuya Alex—hiniram ko muna—at saka nagtampisaw sa tubig.
Sana pala matagal ko na silang niyaya sa dagat. Matagal na din akong hindi nakakabisita sa dagat.
"Hi Miss!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. At nakakita ako sa likuran ko yung tatlong lalaki.
'Ilang hikaw ba meron sila?' sa isip ko nang makita ang napakaraming hikaw na nakasabit sa magkabilang tenga ng mga ito at maging sa ilong. Yung isang dumila sa akin ay may hikaw din sa dila nya. Gross!
"Anong kailangan nyo?" mataray na tanong ko sabay bahagyang layo sa kanila.
Medyo kinabahan na din ako sa tatlong lalaki na ito. Nasa tubig kasi kami at medyo malayo ako sa cottage. Kaya kung may balak man ang mga ito na gawan ako ng masama hindi ako makakatakas.
BINABASA MO ANG
My Ex, My Professor
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 1] Anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang new Math Professor mo ay yung ex-boyfriend mo na matagal mo ng iniiwasan? Anong gagawin mo? Iiwasan ulit sya? O hahayaan ang sarili mo na mahulog ulit sa kanya? ©MaevelAnne