A/N: First of all, I just want to say sorry kung natagalan ang pag-uupdate ko. Sobrang busy kasi sa school...lapit na finals...taz lapit na din ng foundation day namin....kaya ito, ngarag kami sa school work.
Alam mo yung feeling na sarap na sarap ka sa pagtatype ng new chapter ng story mo sa wattpad tapos biglang namatay yung Pc?! Paksh*t di ba?! My gawd! Kainis! T__________T Ang dami ko ng type dito eh tapos ganoon yung nangyari! Waaaaaaaaaaa! Kadepress! T______T
***
Viel's P.O.V
"Young master, nakahanda na po ang almusal ninyo. . ."
Agad kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng isa sa mga maid namin sa bahay. . .my personal maid/attendant Erika.
Wag na nating iexpand pa ang character nya dahil mababadtrip lang ako. -_________-
"Wala akong balak kumain. . ." sagot ko na lang habang nakapikit pa rin ang mga mata.
"Pero young master, baka po mahuli kayo sa klase nyo. . ."
Parang may pumitik sa senitdo ko nang marinig ko ulit ang boses nya. Bakit pa ba andito ang babaeng to? Pinalayas ko na to noon ah! Kagagawan siguro ni Mama. Tsk! Tinitigan ko sya ng masama.
"Kapag hindi ka pa umalis sa kwarto ko sa loob ng tatlong segundo, makakatikim ka sa akin!" sabi ko sa pigil na galit na tono. Badrip tong babaeng to eh! Di ba nya nakikitang natutulog pa ang tao? "At isa pa, papasok ako kung kelan at anong oras ko gustong pumasok!"
Parang pinako sa kinatatayuan nya si Erika sa sobrang takot. Putlang-putla ang buong mukha nito. Aba dapat lang ano! Dapat nitong malaman kung sino ba sa kanilang dalawa ang boss at ang katulong.
At isa pa, ayokong may nang-iistorbo sa tulog ko! Umiinit agad ang ulo ko! >____<
"Pasensya na po young master. . ." sabi nito saka lumabas ng kwarto at isinara ang pinto.
Balak ko sanang bumalik sa pagtulog, pahiga na ako nang bigla na lang may tumunog na alarm clock.
'Teka. . .wala naman akong alarm clock ah?!' sa isip ko saka hinagilap ang leche, tangna at nag-iingay na alarm na iyon.
Napatingin ako sa may side table ko. . .at doon nga nanggagaling ang ingay. . .galing sa phone ni Hanna. Agad kung kinuha ang lecheng bagay na iyon at balak itapon nang bigla akong matigilan.
"Wag. . .sayang. Wala na akong ipangbablackmail sa kanya." -________,-
Binuksan ko ang phone nya at nakitang alarm pala iyon para sa reminder na sinet nya.
FIRST SUBJECT: ACCOUNTING. 7:OO AM - 12:00NN ROOM 623. MUST NOT BE LATE!
Yan ang nakasulat sa notes. . .at in bold letters pa.
Parang may suminding bombilya sa utak ko matapos maprocess ang mensahe sa utak ko. Para na nga akong si Jimmy Neutron eh. Biglang naggalawan ang mga brain nerves at nagkabit-kabit sabay magsasabing. . . Isip. . . Isip. . . Brain Blast!
Okay. . .nasobrahan ako sa cartoons. -_________- Nevermind.
Anyway, agad akong pumunta sa shower at naligo. Mga 3 minutes lang siguro ako sa loob. Pagkatapos nagbihis at nag-ayos for 2 minutes sabay baba sa may kitchen, salpak ng pancake sa bunganga ko, kuha ng susi ng kotse, punta garahe, pasok kotse, paandar ng kotse sabay layas XD
BINABASA MO ANG
My Ex, My Professor
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 1] Anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang new Math Professor mo ay yung ex-boyfriend mo na matagal mo ng iniiwasan? Anong gagawin mo? Iiwasan ulit sya? O hahayaan ang sarili mo na mahulog ulit sa kanya? ©MaevelAnne
