Chapter 5: As of now...

150K 3.2K 88
                                    

 A/N: Flashback pa rin 'to. So enjoy reading sa nakaraan ni Viel at Hanna. Wag kalimutang mag-iwan ng comments at votes if nagustuhan nyo ang chapter na to. :) Short update lang 'to kaya pasensya na. Dami kong school paper works eh! Eh kayo ba? 

Viel P.O.V

Hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Para na nga akong tanga eh! Kanina pa! Nangangawit na nga ang panga ko kakangiti. Nginingitian ko ang nangyari sa pagitan naming dalawa ni Hanna kanina lang.

Ang tapang nya grabe! Wala akong masabe! Nayupi talaga ako sa kanya kanina! Sa una naasar ako dahil natalbugan ako ng isang babae lang. Pero ngayong nakapag-isip-isip na sya, okay naman pala ang Hanna na yun kung iisipin.

Hawak ko ngayon ang handbook ni Hanna. At sa pagbuklat ko noon, bumungad agad sa akin ang picture nya.

"Ba...maganda din pala sya pag nakangiti ano?" sabi nya sa picture habang iniikot-ikot ito sa harapan nya.

"Hoy! Ano 'yan?" 

Nagulat sya ng biglang agawin ng bestfriend nyang si Renji ang picture sa kanya. "Uy ganda nito ah! Sino to? Jowa mo pre?"

"Hinde..." walang emosyong sabi ko.

"Ganoon? Akin na lang sya! Pengeng number dali!"

"Ulul!" sabi ko sabay bawi ng picture at pinasok iyon sa bulsa ng jacket. Tangna susulutan pa yata ng loko ah!

"O akala ko ba hindi mo girlfriend? Bakit binawi mo?" tukso nito.

"Tigilan mo ako Renji huh? Baka maupakan kita dyan! Baka hindi kita matantya!"

"Joke lang! 'To naman! Di ka na mabiro." sabi ng kaibigan sabay kumuha ng upuan at naupo sa harapan nya. "So, sino nga yang chicks sa picture?"

"Bago kong laruan."

"Huh? Yang gandang yan? Oh c'mon pre! Di nga?"

"Oo nga sabi. Paulit-ulit lang?"

"Hindi pre eh! Ang ganda kasi nyan para maging laruan mo lang. Pagtapos ka na, ako naman huh?"

"Go to hell! Akin lang sya no! At hindi ko sya ibibigay hangga't hindi pa ako nagsasawa sa kanya. At kung magsawa man ako, hindi ko sya ibibigay sa'yo. Sira-ulo ka eh."

"Wow! Nasaktan naman ako dun bro! Nahiya naman ako sa'yong matinong tao." 

Hindi na nya pinansin ang kaibigan nang bigla na lang tumunog ang cellphone ni Hanna.

"Unregistered number..." basa nya sa screen number. "Hello?"

"Give back my phone, NOW!!!"

Parang nabasag yung eardrum nya sa lakas ng boses ng nagsalita sa kabilang linya.

"Putsa! Sino ba 'to huh?!"

"I said give back my phone!"

Napakunot-noo ako pagkatapos ay napangiti.

"Hanna?"

"Don't you dare use my name so casually cause we're not friends and I don't even consider you as a human!"

"Haha funny!" pang aasar ko.

"Yeah right damn you! Give back my phone!"

"Then come and get it. Ikaw my kailangan di ba?"

"Gusto mo talagang mamatay ng maaga ano?"

Ba! Ang angas! Lumalaban na ang bata!

"Kaya mo?"

"Try me! If you don't give back my phone within 60 seconds, I'll wring your neck!"

"Woah! Katakot!"

"Don't mock with me dork!"

"Yeah whatever!" sabi nya saka unti-unting inilayo ang cellphone sa bibig. "Napasok ako sa black hole! Hala! Nawawalan ng signal! Di na kita marinig! Choppy! Choppy!" ani nya saka hindi mapigilang mapangiti.

"WHAT?! Are you trying to end the call?! Don't you dare!"

"Napasok na ako sa Kuiper belt. Oh no! Wala ng signal! Bye!" sabi saka pindot ang end button at tumawa.

"Sino yun pre? Mukha kang sira! Ngayon lang kita nakitang tumawa ng ganyan ah!"

Napatingn ako sa direksyon ng kaibigan kong si Renji habang hawak ko pa rin ang nanakit na tyan sa kakatawa. Pinahid nya muna ang ilang butil ng tubig sa mata kosaka nagsalita.

"Si Hanna yung tumawag."

"Huh? Hanna who?"

"Yung bagong babae ko."

"HUH?! BABAE MO?! KAILAN PA?!"

"As of now..." sabi ko saka muling kinuha ang picture sa jacket at muling tinitigan ang picture ng dalaga.

"I'll make you mine, Hanna Adriano..."

 Pangit ba? Comment!

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon