Chapter 23: Welcome Party
Hanna's P.O.V
"Be my girlfriend Hanna..."
"Be my girlfriend Hanna..."
"Be my girlfriend Hanna..."
Parang sirang plakang nagpapa-ikot-ikot sa utak ko yung sinabing iyon ni Viel. Nakakainis! He caught me off guard dun sa tanong nya!
"Itaas mo nga yung mukha mo!"
Nagpout ako sa kanya saka sumunod doon sa utos nya.
Nga pala, nandito kami ngayon sa bahay nila—sa may sala, wala sa kwarto, wag kayong green minded. Ang laki pala ng bahay nila 'no? Tapos malalaman-laman ko na sya lang at yung mga katulong yung nakatira dito.
Speaking of katulong, may isang magandang babae ang sumalubong sa amin kanina. Hindi talaga sya mukhang maid sa itsura nya. She look too classy to become a maid. Kung hindi lang sya nakasuot ng maid uniform, hindi mo talaga iisipin na maid sya.
Pero ang sama makatingin ng taong yun sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Siguro may crush yun kay Viel? *kibit-balikat*
"Aray! Dahan-dahan naman!" asar na sabi ko nang idiin nya yung paglagay ng yelo sa pisngi ko.
"Paano kasi ang gulo mo! Umayos ka nga!"
Tingnan mo 'tong topaking tao na 'to! Kanina lang ang sweet nya tapos ngayon highblood na naman. Tinalo pa nya yung babaeng may dalaw sa mood swings nya eh! May bipolar disorder siguro 'to.
But other than that, masaya ako na nailigtas na naman nya ako. You must be wondering kung sino yung lider ng goons na nanakit sa akin?
It's Benji. Yung isa sa mga dating alagad ni Viel na bigla na lang nanghila sa akin papunta dun sa tambayan nila at muntik-muntikan na akong rape-in kung hindi lang dumating si Viel.
Muntik ng ma-dead on arrival yung lalaki na iyon sa sobrang galit ni Viel. Hindi mo na sya makikilala sa itsura nya. Para kang nakakita ng living zombie sa Benji na iyon dahil sa itim at duguan nyang mukha.
But he deserves it! That freakin b*stard!
"Sya nga pla Hanna..." putol ni Viel sa pag-iisip ko. "Naihatid na ni Ronan yung mga kaibigan mo sa kanila."
Oo nga pala, sila Camille, Tricia at Melanie!
Then I remember yung red hair guy na kasama nito. Si Ronan pala yun?! Bakit sya nagpakulay ng buhok? Adik lang?! At bakit pula?
"At mamaya pala, sa welcome party..." sabi ulit nito na tila nag-aalangang magpatuloy. "Pupunta ka ba?"
Oo nga. Pupunta ba ako?
BINABASA MO ANG
My Ex, My Professor
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 1] Anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang new Math Professor mo ay yung ex-boyfriend mo na matagal mo ng iniiwasan? Anong gagawin mo? Iiwasan ulit sya? O hahayaan ang sarili mo na mahulog ulit sa kanya? ©MaevelAnne