Chapter 2: Schoolmates

241K 5.3K 677
                                    

Hanna P.O.V

Recess Time! Wuuuhuuu! Favorite subject ng lahat ng estudyante! Daming nagsusuma-cumlaude dito eh! At isa na ako roon! Hehehehe

Kasama ko ngayon mga superfriends ko na sila, Rona, Grace, Mia, Bea, Elaine at syempre ang dalaga namin na si Hayley. Dito kami ngayon sa table na teritoryo namin...oo, amin 'to! Kami lagi umuupo dito eh at kami lagi ang naghahasik ng lagim sa pwesto na 'to!

"Bwahahahaha!"

"Huy Hanna! Naprapraning ka na naman! Gutom lang 'yan!" si Bea.

"Talk to the hand B!" sabi ko sabay lagay sa tapat ng mukha nya ang kamay ko.

"Whatevah!" ani ni Bea pikon sabay inom ng mango shake.  "By the way, ang gwapo talaga ng prof natin sa math ano?"

Muktikan ko ng maibuga sa mukha ni Bea ang shake na iniinom ko nang buksan nya ang topic na iyon. Pero hindi ko pinahalatang affected ako...mahirap na.

"O, ano na namang nangyari sa'yo?" si Elaine naman ngayon. "Hindi ba masarap yung shake?"

Iling na lang ang sagot ko sabay pinunasan ang gilid ng bibig ko. Hindi na ako inusig pa ng mga kaibigan ko kaya tuloy pa rin sila sa topic nila. Ba yan! Pati ba naman lunch si Sir pa rin ang topic?!

"Oo nga eh! Grabe! Halos mapilas na bibig ko kakangiti sa kanya. Grabe ang hot talaga nya! Waaaa!" si Rona.

"O mga girls, akin lang si Papa Viel huh? Walang agawan!" si  Hayley .

"Eh di sa'yo na! Wala naman kaming balak makipag-agawan sa'yo eh! Talbog ang beauty namin sa'yo!" sabat naman ni Grace aktibista.

"Good! Buti naman at nagkakaintindihan tayo." sabi pa ni Hayley .

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!"

Napalingon kaming lahat sa pinagmulan ng tiliang  iyon. Lahat ay nakasunod ang tingin sa ubod ng gwapong lalaking naglalakad sa may corridor ng cafeteria.

Shucks! My demonyo este anghel na bumaba mula sa 3rd floor!

Si Sir---

"Si Sir Viel!!!!!!!" tili ni  Hayley  sabay tayo at biglang lapit sa lalaki. "Hi Sir!" malanding sabi nito.

"Ay sus! Lumandi na naman si bakla!" ani ni Grace.

"Hayaan mo na lang. Dyan sya masaya eh!" si Mia.

Nag-iisip na ako ng paraan kung papaano makakaalis sa lugar na iyon nang bigla na lang hilain ni  Hayley  si Sir papalapit sa table namin. 

"Sir, dito na lang kayo maupo. Sabay na tayong maglunch." yaya pa ni bakla.

Pinandilatan ko ng mata si  Hayley  para naman makuha nya ang mensahe ko na ayaw kong makasama ang lalaki na iyon pero binigyan lang sya ng isang taas ng kilay ng bakla. Na para bang sinasabi nito sa kanya...na paborito ng tanong sa kanya ngayong araw na 'to..."Anong problema mo?"

"Salamat..." sabi naman ni Sir sabay napatingin sa akin at ngumiti pa sa akin.

At syempre, para hindi kami mahalata. Nginitian din nya ang iba. "Hi girls!"

"Hi Sir Viel~!" sabay-sabay na sabi ng iba.

Tsk! Ang lalandi lang?!

'Bakit selos ka naman?' sabi ng nasa isip nya.

WHAT?!

"NO WAY!"

Lahat sila napatingin sa akin. Shet! 

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon