Chapter 42: Hanna's Condition
Hanna's P.O.V
Pagkatapos naming kumain at magcelebrate kasama nila JD, Renji, Sean at Ronan, inihatid na ako ni Viel sa bahay.
Nasa may tapat na kami ng bahay namin ng ibaba nya ako.
"I can't wait sa kasal natin!" ^_______^
Napahampas ako sa braso nya.
"Sira! Matagal pa iyon ano! Hindi pa nga ako tapos ng College eh!"
"Kahit na! Malapit na rin naman iyon eh! Ano ba naman yung dalawa o tatlong taon na paghihitay di ba?"
"PREMED pa lang iyon Viel. I will need to spend another 6 years for my proper studies."
"And so? I don't care! Sandali lang yung 6 years! I can wait." nakangiting sabi nya saka kinuha yung dalawang kamay ko at hinawakan nya iyon. "Hindi ba sinabi ko na naman sa'yo noon na kaya kitang hintayin kahit na gaano man katagal iyon? Na hindi ako mapapagod kakahitay sa'yo?"
Napangiti ako sa sinabi nya. Viel is always so sweet when it comes to me. I wonder kung hanggang saan nya ako kayang mahalin. Can he really love me for that long?
"O sya, pumasok ka na nga!" sabi nya sa akin saka ako tinulak papasok sa loob ng gate. "Baka magbago pa ang isip ko at hindi na kita iuwi dyan sa inyo!" natatawang sabi nito.
Napangiti ako ulit sa kanya saka ko sya nakitang tumalikod at handa ng bumalik sa loob ng kotse nito nang bigla ko syang tawagin.
"Viel!"
Dahan-dahan syang lumingon sa akin na may ngiti sa labi nya at saka ko naman sya biglang hinalikan sa labi nya.
O//////O – reaksyon nya.
"Bye!" ^_____^v
Hindi ko na sya hinintay na magreact pa dahil dali-dali na akong pumasok sa loob ng bahay namin.
Hanggang kailan kaya kami magiging ganito kasaya?
Sabi nila, kapag sobrang saya daw ng isang tao, may kapalit iyon na sobra ding kalungkutan. At natatakot ako na maramdaman iyon. Hindi pa ako handa na maging malungkot. Ayoko ko pa. I want to keep this moment as it is a bit longer.
If only time will allow me.
Pero hindi na importante sa akin ngayon 'yun. I will savor the moment while it last.
Nakangiti kong pinagmamasdan yung dalawa kong engagement ring. Astigin di ba? Dalawa ang engagement ring ko? Then the third ring in my ring finger will be my forever ring—my wedding ring.
Naeexcite ako sa ideya na iyon. Me and Viel walking along the aisle, exchanging vows to love each other forever—
"Hanna!"
Bigla akong napabangon sa kama ko nang marinig ang tawag at katok na iyon ni Kuya Alex sa may pinto.
"Kakain na!"
BINABASA MO ANG
My Ex, My Professor
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 1] Anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang new Math Professor mo ay yung ex-boyfriend mo na matagal mo ng iniiwasan? Anong gagawin mo? Iiwasan ulit sya? O hahayaan ang sarili mo na mahulog ulit sa kanya? ©MaevelAnne