A/N: Pakiplay na lang yung music sa gild ok? Para damang-dama nyo yung eksena! Hahaha Actually, habang tinatype ko to, pinaplay ko (ng maraming beses) and THE SCIENTIST ng Coldplay. Wala lang. Naiiyak lang ako. Feel ko magdrama nagyon eh! Hehehe! Enjoy! Vote like & commnet if u like this chapter. :)
P.S. I want to cry for Viel... T_____T Now I'm crying!
Comment kayo ah? I would love to read your wonderful comments! Yun yung inspiration ko to update eh! Hihihi
"Hi babe!" bati nya sabay yakap dito mula sa likuran nito at hinalikan ito sa pisngi nito.
"Ano ba Viel?! Maraming tao! Nakakahiya!" ani nito saka pilit inaalis ang pagkakayakap nya sa balikat nito pero lalo lang nya hinigpitan ang pagkakapit dito.
"Bakit? Pakialam ko sa kanila?" wika nya sabay tingin sa mga tao na nasa mesa nito sa may canteen at kumindat pa sya sa mga ito. "Hello!"
Kanya-kanyang layuan ng tingin ang mga kasama ni Hanna sa pagbati nya. Guess hindi pa din nawawala ang 'bad boy' look niya sa ibang tao sa eskwelahan na ito. Pero wala syang pakialam. Basta masaya sya na nakasama si Hanna ngayon.
Tiningnan sya ng masama ni Hanna saka sya bumitaw sa pagkakayakap dito at itinaas sa ere ang dalawang kamay. Pero hindi sya umalis. Sa halip, kumuha sya ng upuan mula sa katabi nilang table at naupo sa tabi ng girldfriend nya. Muli syang tiningnan ng masama ni Hanna.
"Ahm, Mr. Viel Arvueva, if you don't mind? Medyo busy kasi kami dito ngayon eh. Kaya kung pwede lang? Kung pwede lang naman, iwan mo muna kami?"
"Geh lang! Wag nyo kong pansinin! Nandito lang ako para titigan ka maghapon." wika nya saka nangalumbaba at humarap sa direskyon ni Hanna at ngumiti. "Go on." napapa-english na talaga sya magmula nang makilala nya si Hanna.
Mabigat na napabuntong-hininga na lang si Hanna saka hinarap ang mga kaklase nito. Mukhang sumuko na ito sa kanya dahil alam nitong hindi sya mapapaalis nito kahit anong pilit nito. Muli syang hinarap ni Hanna.
"Wala ka bang klase ngayon huh? Nagka-cutting ka na naman ano?"
"Hindi ah! Tapos na ang klase namin. Tatambay sana ako dun kanila JD. Pero since nakita kita dito, dito muna ko." sagot ko saka muling ngumiti sa kanya.
"Hindi ba pwedeng doon ka muna kay JD? Kasi hindi ako makapagconcentrate eh!"
"Bakit? Dahil hindi mo ma-resist yung charms ko?" lalong lumapad ang ngiti ko sa labi.
"Asa!" sabi nito. "Natatakot ang mga kaklase ko sa presensya mo kaya hindi ako makapagconcentrate...hindi kami makapagconcentrate! Kaya umalis ka muna pwede?"
BINABASA MO ANG
My Ex, My Professor
Romance[MY EX, MY PROFESSOR BOOK 1] Anong gagawin mo kapag nalaman mo na ang new Math Professor mo ay yung ex-boyfriend mo na matagal mo ng iniiwasan? Anong gagawin mo? Iiwasan ulit sya? O hahayaan ang sarili mo na mahulog ulit sa kanya? ©MaevelAnne