Chapter 7: Anniversary

119K 2.7K 220
                                    

Hanna's P.O.V

Math...kung sino man ang nagpauso nito! Pwes! Mamatay ka na! Leche! Ang hirap naman nito!

"Miss Hanna, can you please solve number 3?"

Nag-angat ako ng tingin nang tawagin ng prof namin na si 'Viel' yung pangalan ko. 

Nak ng tokwa naman o! Ni hindi ko pa nga nasasagutan yung number 1 number 3 pa yung pinasagutan sa akin?! Ano ba?! Alam mo namang ayaw ko sa math di ba?!

Ito namang si loko, ngingiti-ngiti pa nung tumayo ako. Anak ng patis! ALAM NYA NGANG MAHINA AKO SA MATH! At kaya nya ko tinawag para ipahiya ako sa klase! GRRRRRRRRRRR!

"Miss Hanna, what are you waiting for? Go to the blackboard and solve the equation number 3."

Tinalo ko pa sumali sa 500 kilometer run sa bilis ng takbo ng puso ko sa sobrang kaba. Ano ba namang alam ko sa Radicals di ba?! Bakit?! Nagagamit ko ba yun pagbili ako ng pagkain sa canteen?! Di naman di ba?!

Titig na titig si Sir sa akin at ngising-ngisi pa. Asar ah?! Pero no choice ako kundi mapatingin din  sa mata nya. Malay mo baka macute-an sa akin at ipasa na lang sa iba yung tanong di ba? (^___~)

Pero, sa pagtama ng mata namin, isang alaala mula sa nakaraan ang bigla na lamang lumabas sa isipan ko...

***

"Hanna!"

 


Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Walang tao sa likod. Guni-guni ba yun?

 



"Hanna! Dito!" sigaw ulit ng kung sino man na nilalang na iyon.

 



Napatingala ako nang marinig na galing sa taas ang boses na iyon. At sa pag-angat ng paningin ko, biglang bumuhos sa akin ang daang-daang pulang rosas.

 



Hindi ako nakapagsalita ng mga oras na iyon. Nakatingin lang ako sa taas; pinapanuod ang pagbagsak ng mga pulang bulaklak. At maya-maya pa nang matapos umulan ng rosas, bigla namang may lobo na lumitaw sa may langit at dahang-dahang naglanding sa harapan nya.

 


Sa dulo ng lobo ay may nakakabit na basket ng mga iba't-ibang kulay ngt bulaklak at isang card. Kinuha nya ang card, binuksan iyon at binasa ang nakasulat sa loob.

 


"Happy 1st anniversary Hanna..." wika ng tao na nasa likuran nya. Ang sinabi nito ay kagaya ng nakasulat sa may card na hawak nya ngayon.

 


Dahan-dahan syang lumingon sabay napangiti.

 


"Viel..."

 


"Happy anniversary..." malambing na sabi nito sa kanya sabay niyakap sya at hinalikan sa noo. "I love you Hanna. More anniversary to us..."

 ****

Bigla akong napailing sa naalala kong iyon. Ano ba?! Bakit kailangan pa nyang maalala ang tungkol sa bagay na iyon?!

"Is there any problem, Miss Hanna?"

Muli syang napatingin sa harapan nya kung saan nakatayo si Viel. 

"W-Wala...wala naman Sir..." 

'Naalala pa kaya nya ang tungkol sa bagay na iyon?' sa isip ko.

"Then, sagutin mo na ang number 3..."

"Yes Sir..."  Bossy Sir!

Ano bang gagawin ko?! Paano ba to isosolve?! Lumingon ako sa mga kaibigan ko...asking for help. Pero ang mga magagaling, kanya-kanya ng layo ng tingin. MGA TAKSIL! T________T Paano ba to?!

Tagal ng nakaangat sa ere yung chalk sa kamay ko. Wala talaga akong alam sa math promise! Tanungin nyo na ko sa ibang subject wag lang math!

*Bell rings*

Yessssssssss!!! Save by the bell! Wuuuhuuuu! Partey! Partey na! ^__________^

"Paano ba yan Sir? Time na?" ako naman ang ngumisi sa kanya ngayon sabay abot ng chalk sa kanya.

Pagtalikod ko, bigla na lang hinila ni Sir yung kamay ko at may binulong.

"Happy 4th anniversary....Hanna..."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. 

Huh?! Anong anniversary?!

Wag mong sabihin anniversary nila ngayon?! 

"Its August 23...baka lang nakakalimutan mo...."

Wala sa oras na napaharap ako kay Sir Viel. 

"Hanna! Halika na!" tawag sa akin ng kaibigan kong si Bea.

"S-Susunod na lang ako..." sabi ko habang titig na titig pa din kay Sir.

Napakibit-balikat na lamang yung mga kaibigan ko sabay umalis na rin sila sa may classroom. Nang kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob ng room, muling nagsalita si Viel.

"This day is suppossed to be our 4th year anniversary as lover...kung hindi mo ako iniwan noon..." may nahimigan syang lungkot sa boses nito. "Tell me, Hanna...bakit mo ko iniwan?"

"Ano bang pingasasabi mo Sir? Wala akong alam sa---"

"Tell me..." sabi ulit nito. "Bakit mo ko nilayuan Hanna? Ang saya natin noon di ba? Kaya bakit...bakit ka umalis?"

Hindi ko gusto ang daloy ng usapan namin ni Viel. Kaya minabuti ko na lang tumalikod sa kanya at maglakad palayo.

"Iiwas ka na naman ba? Aalis ka na naman ba huh?!"

Napahinto ako nang muli kong marinig ang boses nya. Mariin akong napapikit saka muling nagpatuloy sa paglalakad.

"Hindi mo rin maiintindihan kung sabihin ko man sa'yo..."

"Alin ang hindi ko maiintindihan?!" tawag nya sa akin nang malapit na ako sa may pintuan.

"Goodbye Sir..." sabi ko saka tuluyang lumayo sa lugar na iyon.

Hindi ba ito ang tamang panahon para malaman nito ang dahilan ng pag-alis nya...Hindi pa ito ang tamang oras...dahil hindi pa sya handang aminin dito ang lahat.

A/N: Ei...ano masasabi nyo sa chapter na to? Post your comments, vote or like if you like this chapter. :) 

My Ex, My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon