Chapter 28: Forward
- Yssa -
Matagal na rin noong naghiwalay kami ni Tyler. Aaminin ko, masakit pa rin sa pakiramdam. Salamat kay Bestie dahil palagi siyang andito sa tabi. Malapit na rin ang graduation namin. Tapos na ang highschool life at papasok na kami sa college life. Ang bilis ng panahon.
Flashback
Hirap akong pumasok dati dito sa school dahil ayaw kong makita si Tyler. Kapag nakikita ko kasi siya napapa iyak na kang ako. Idagdag pa na dito na rin nag a-aral yung bago niya. Ewan ko ba kung bakit naka enroll pa dito yun eh malapit naman na ang graduation.
One time, nakasalubong ko sila. Nag Hello sa akin si Tyler ako naman ngumiti lang. Yung babae naman hinawakan yung braso ko at hinarap sa kanila.
"Diba ikaw yung ex ni Tyler?"
"Oo bakit?" Mahina kong tugon
"Wala naman, I just look at your face at alam ko na kung bakit ka pinag palit ni Ty"
Dahil sa sinabi niyang yun, tumulo ang luha ko. Mababaw na kung mababaw pero kung kayo sasabihan ng ganon. Anong mararamdaman niyo? Tumingin ako kay Tyler na walang imik. Bago pa umagos ang luha ko, naramdaman ko na lang na may humila sa akin papalayo sa kanila.
Hindi ko masyadong nakita kung sino ang humila sa akin dahil sa luhang umagos sa mata ko. Binitawan na niya yung kamay ko at pinunasan naman niya yung mga luha ko. Nakita ko si bestie pala ang humila sa akin. Palagi siyang andito sa tabi ko, in good times man o bad times.
Pina upo niya ako sa bench at tinap yung likod ko dahil patuloy pa rin ako sa pag iyak
"Yssa, tahan. He don't deserve your tears. He don't deserve you, he don't deserve you love"
Sa sinabi niyang yun napa isip ako. Tama hindi deserve ni Tyler ang mga iyak, pagmamahal ko at mismong ako. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy naman si Trev na magsalita.
"Madami pang iba dyan, hindi lang siya" dagdag niya
Ngumiti ako sa kanya. Kahit na ipinagpalit niya ako meron pa rin akong natitirang pagmamahal sa kanya, kay Tyler.
"You should move on or at least try to move on Yssa. Ikaw lang ang magiging kawawa kapag ganyan ka"
Tama si Bestie, I should move on. I'll surely move on.
Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag pi-paint. Fine arts ang kukunin ko sa college.
END OF FLASHBACK
-------------------------------------
Thanks sa pagbabasa 😘
BINABASA MO ANG
The Nerd Boy's Love [ Completed ]
Teen FictionWhat is love for a nerd? Why there's love for a nerd? When is love for a nerd? Where is love for a nerd? How is love for a nerd? Find out!