Chapter 33: Good to be back home?

1K 50 0
                                    

Chapter 33: Good to be back home?

Araw na ng pagpunta nila sa Pilipinas. Magkasabay sila sa flight pero magkaiba ng upuan. Kahit na magkaiba sila ng upuan si Trevor naman ay madalas na pumunta sa upuan ni Yssa para kamustahin siya.

Ilang oras din ang byahe mula sa Amerika hanggang Pilipinas.

"Good morning ladies and gentlemen, we are now in Ninoy Aquino International Airport Terminal Three. Thank you and have a good day! Philippine Airlines your home in th sky" sabi ng flight attendant.

"Yssa let me carry that" pag a-alok ni Trevor

"Thank you" sabi ni Yssa tsaka binigay kay Trevor yung handbag niya.

Kinuha muna nila yung luggage nila at pumunta na sa lobby ng airport kung saan naghihintay ang sundo nilang dalawa.

"Miss Yssa! Sir Trevor!" Sigaw at kaway ng dalawang assistant at agad na lumapit para kuni ang mga maleta.

"Good day Sir, Miss! Ang pogi at ganda niyo ah. Kayo na ba Sir?" Puri at tanong ng assistant ni Trevor

"Alam mo Michael, pogi na talaga ako dati pa at ganun din si Yssa maganda na siya dati pa, ngayon mo lang ba napansin? May depekto ba yang mata mo at kung meron man tara sa ospital para masundot na nila yang mata mo" Pabirong sabi ni Trevor kay Michael

"Sir naman wag namang ganyan, alam niyong ayoko sa ospital eh. Sabi ko nga pogi kayo at maganda si Miss Yssa. Diba Anne? Tanong nito sa assistant ni Yssa.

"Ah oo Michael! Miss Yssa kayo na ba ni Sir Trevor? Balita ko kasi nililigawan ka niya noong nasa Amerika pa kayo" sabi ni Anne

"Wow! Nasa Amerika nangyari tapos naka abot pa ang balita dito sa Pilipinas, grabe tindi mo Anne" natatawang sabi ni Yssa

"Oh ano na po yung sagot sa tanong ko?"

Sila Trevor, Michael, at Anne ay seryosong nakatingin kay Yssa habang hinihintay ang sagot nito. Kahit alam ni Trevor ang estado nilang dalawa, gusto pa rin niyang marinig.

"Hindi pa kami okay, hindi pa kami"

"Waaaaaahhhhh" nag tatalon ang dalawa at yung mga tao naman sa airport ay nagsitinginan sa kanila at si Trevor naman ay pinatigil yung dalawa sa pag talon.

"Oh my! Nakikilig ako sa sabi ni Miss Yssa na hindi PA sila. May 'pa' kaya may pag asang magiging kayo Sir" sabi ni Anne kay Trevor

Nagkatinginan sila Trevor at Yssa at ngumiti naman sila sa isa't isa. Tumawa na lang din sila bilang tugon sa sinabi ni Anne. At lumabas na sila ng airport.

- Yssa -

Dumiretso sa bahay nila si Trevor dahil katulad sa akin may family welcome party sila sa kanya. Pagpasok ko ng bahay naka line up yung mga maids at binati ako ng 'Welcome Home!'"

"Welcome home anak!" Sabay na bati sa akin nila mom and dad tsaka yinakap nila ako.

"Welcome home Yssa my sister!" Bati naman ni Kuya sa akin

Pagkatapos ng batian kumain na kami. Ang daming inihandang pagkain ni Mom. Panay filipino foods kaya mas naganahan akong kumain. Matagal na rin kasiakong hindi kumakain ng filipino foods panay American lang ang kinakain ko kasi nga busy sa studies

Pinag usapan din namin yung buhay ko sa Amerika. Yung sa amin ni Trevor at pati na rin yung nalalapit kong Exhibit.

"I'm so proud of you anak! World class artist ka na ngayon" puri ni mommy

"Thank you po Mom! Next week ko na po a-asikasuhin yung sa exhibit. Sana po makapunta kayo"

"Sure anak pupunta kami" tugon ni daddy

"Yssa, you have an up coming collaboration sa VCorp para sa new advertisement nila. Okay lang ba sayo?" Sabi ni kuya

"Okay po kuya, aasikasuhin ko na lang yan after ng exhibit ko"

VCorp? VCorp? Parang pamilyar ako sa pangalan ng kompanya na ito ah. Hmmm
Sabi ni Yssa sa sarili niya.

Hindi na niya pinilit na alalahanin kung ano yung VCorp at tinawagan niya na lang yung nag shi-ship ng paintings at artworks niya galing Amerika na ipupunta dito sa Pilipinas

--------------------------------------------

Thanks sa pagbabasa 😘

Naa alala niyo pa ba ang VCorp? 👀
Sana magustuhan niyo ang susunod na mangyayari

The Nerd Boy's Love [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon