Chapter 3: Muntikan na! May Epal kasi

3.1K 110 5
                                    

Trevor’s POV

Naka suot na naman ako ng Nerdy eyeglasses, ginulo ko ang buhok, tapos nag suot ako ng maluwang na uniform. Nai indriga ba kayo kung bakit ang ayos kong manumit pag nasa labas ako ng school at kung nasa school naman ako ang jologs jologs ko at hindi nila alam yung tunay kong identity? I kwe kwento ko sa inyo. SOON. After kong ma park yung kotse ko, dumeretso na ako sa classroom. Ang ingay nung dumating ako sa classroom. Nakita ako ng mga classmates ko na papasok ng room. Natogilan sila at pagkalipas ng ilang minuto tumawa na sila ng pagka lakas at naka tingin sa akin. Natatawa sila sa itsura ko, hindi ko sila pinansin at nagbasa na lamang ako ng libro. Dumating na yung Science Teacher namin. Nag pa long quiz siya. Mabilis kong natapos yung quiz at pinasa kaagad kay Ms. Ever. Tinignan ko yung mga classmates ko. Yung mga mukha nila parang pang biyernes santo. Yung iba naman parang maiiyak na. Patawa tawa pa sila kanina tapos ano ngayon? Yeah, it’s true “Karma Hurts”

Nag ring na yung bell. “Class, dahil na unang nakatapos ng quiz si Trevor may +10 siya dito sa quiz and exempted na siya sa paggawa ng Performance task” “Ma’am bat ngay, ang talino talino na nga ni Trevor!” angal ng classmate kong isa. “Class, yan ang advantage ng matalino” sabi ng teacher ko. Natawa naman ako sa sinabi niya kasi parang sinabi niya ng walang utak yung ibang classmates ko. Lahat ng teacher’s ng subjects naming ay nagbigay ng surprise long quiz. As usual nasagutan ko naman ng mabilis yung mga quizzes. Lahat ng subjects may plus points ako at exempted ako sa ipapagawa nila. Ang saya saya talaga.

Study period na naman para sa tournament. Makikita ko na naman yung supladang babaeng yun. Speaking of that girl, naalala ko yung bayad ko sa kanya. 450 thousand pesos yung nakalagay sa cheque. Pumunta na ako sa Study room at nung dumating na ako doon, himala yung mga estudyante naka tutok sa mga libro nila. Wala kasi doon si Miss Queen Bee slash Sungit. “Nasaan kaya yun?”

Elaine’s POV

Hindi pa ako pumupunta sa Study Room, nandito ako sa ilalim ng puno sa likod ng school. Hindi ako nag ditch ng class ah. Baka isipin niyo nag ditch ako. Pinalabas na ako kanina ng teacher namin kasi Study period na. Imbes na dumeretso ako sa Study Room, dinala ako ng sariling kong mga paa dito. “Hindi na lang ako pupunta sa Study Room ditto na lang ako  magre review” sabi ko sa sarili ko. Pagkatapos ng isang oras bumalik na ako sa classroom naming. Habang ako ay naglalakad papunta doon, may napansin akong pamilyar na lalaki. Nakatalikod siya kaya hindi ko masyadong ma recognize kung sino siya. Nakarating na ako sa classroom naming, as usual napaka ingay ng mgaka klase ko. Nang naka upo na ako, may sumagi  sa isip ko.

 “Siya! Siya yun! Walang duda!” napa sigaw ako sa classroom. Napa tingin lahat ng ka klase ko sa akin.

“Hoy! Yssa anong problema mo?” tanong ni Erich. “Uhmm, waaa wala” tugon ko naman. Walang duda talaga siya yung nakita ko kanina. Hays, pinalagpas ko na naman ang isang pagkakataon. Pero bakit ang jologs jologs niya tignan at ang gulo gulo pa ng buhok niya?

Tumingin ako kay Erich at sinabi “Promise, hindi na ako mabibigo ngayon! HAHAHAHA!” “Anong pinagsasabi mo dyan?” tanong niya sa akin. Hindi na ako nag response at ngumiti na lang ako ng pagka lapad lapad.

Trevor’s POV

Tapos na ang Study period namin,. Hindi pumunta sa Study Room si Miss Sungit kaya hindi ko nabigay yung bayad ng bag niya. “Bakit kaya hindi pumunta yun?” tanong ko sa sarili ko. Hindi muna ako pupunta sa classroom namin at pupunta na muna ako sa Music Room upang kunin yung gitara ko. Member pala ako ng Music class kaya doon ko nilalagay yung mga instruments ko. Pagkatapos kong kunin ang gitara ko dumeretso agad ako sa stairs na malapit sa classroom namin. Walang dumadaan masyado sa part nayun kaya ayos lang na tumugtog ako doon. Umupo na ako at sinimulang mag strum at kumanta.

Alam mo bang may gusto akong sabihin sayo

Magmula ng nakita ka’y naakit ako

Simple lang na tulad mo ang pinapangarap ko

Ang pangarap ko

Kaya sanay ma ibigan mo

Ang awit kong ito para sayo

Dahil simple lang ang pangarap ko

Mahalin ang katulad mo

Sana ay mapansin mo

Dahil simple lang ang pangarap ko

Maging ikaw at ako

Ang tanging ligaya ko

Simpleng tulad mo

Lalalalala lalalalala lalalalala…

~ Simpleng Tulad Mo – Daniel Padilla

 “Kriiiiinnngggg”

Pagkatapos kong kantahin yung first part ng kanta, pumunta na ako sa classroom namin. Last subject na bago uwian kaya makikinig na ako sa discussion.

Makalipas ang isang oras

“YoooHoooo!! Uwian na!!” sigaw ng isa kong ka klase. Bago kami umuwi nagbigay muna ng reminders yung adviser namin. Pagkatapos non umalis ka agad ako at nagtungo sa Parking Lot. Uuwi ako ngayon ng maaga sa bahay para mag aral para hindi maging hectic ang schedule ko for the next days. Pagkadating ko ng bahay agad na sumalubong ang butler ko at kinuha ang mga dala ko. Ka pagod pala mag disguise na Nerdy na Nerdy. HAHA -,-

A/N: Nagu guluhan na ba kayo kung sino at ano talaga si Stephen? Kung bakit ganun siya manumit sa school nila? Malalaman niyo na. Malapit na. BWAHAHAHA! ///

Lumapit yung Family Secretary naming sa akin at sinabing “Young Master, sabi po ng Dad and Mom mo meron daw po kayong Family Business Dinner sa Edsa Shangrila before 7:30 daw po dapat andun na kayo. Ipapahatid ko na lang po kayo sa driver niyo” ”Oo pala, meron kaming Family Business Dinner ngayon with the Buenavista’s. Hindi na ako magpapahatid Ms. Grace, ako na lang ang mag dra drive papunta doon” tugon ko sa kanya. Dumeretso ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Nakasuot ako ngayon ng tux. Pagkatapos kong mag palit umalis agad ako sa bahay para maka dating ako doon before 7:30. Ma traffic kasi.

Elaine’s POV

Pabalik na ako sa classroom namin. Hindi ako pumunta sa study room subalit nag punta na lang ako sa likod ng school namin para doon mag review. Paliko na ako sa stairs papuntang classroom pero may nakatawag ng pansi sa akin. May tumutugtog ng gitara at kumakanta pa . In fairness, maganda yung boses niya. Na curious ako kaya lumapit ako para matignan ko kung sino siya. Kaunti na lang at makikita ko na siya pero may biglang umepal. Nag ring yung bell. Napaka lapit ng bell sa kinakatayuan ko kaya ang resulta nagulat ako. Umiling iling ako para ma alis yung pagkagulat ko. Makaraan ang ilang minuto na alis na rin ang pagkagulat ko kaya tumingin ulit ako sa lalaking may hawak ng gitara. Nakatalikod na ito. “Hay nako, hindi ko na naman makikita yung mukha niya. Bakit kaya ngayong araw na to, lahat ng ng cu curious –san ako hindi ko nakikita yung mga mukha nila? Maka punta na nga sa classroom.” Last subject na pero as usual ang boring. Kaya ang ginawa ko pinuno ko ng drawing yung papel ko. Totoo talaga na kapag boring ang lecture nagiging instant ARTIST ka. HAHAHA. Okay, corny.

“Kriiiiiiiiinnnggg”

“Sa wakas, uwian na!” sigaw ni Erich.

“Makasigaw pa rang elem lang?!” sarkastikong sabi ko.

“Pati rin naman ikaw pag minsan, HAHAHAHA”

“So?” yan na lang ang nasabi ko kasi totoo naman na katulad niya lang ako. “Bye Erich Bestie! Mauna na ako kasi may family dinner pa kami eh kasama ng business partners nila Mom and Dad” dagdag ko.

“Sige Bestie! Ingat!” tugon niya. 

The Nerd Boy's Love [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon