Chapter 1: Meeting

5.2K 138 13
                                    

Trevor’s POV

Andito ako ngayon sa library na re review para sa darating na Math and Science Tournament. Ako kasi ang napiling representative ng classroom naming. Nang dumating ako dito sa library, halos walang tao at ang tahimik. Ang katahimikang aking nadama kanina ay napalitan ng ingay ng mga estudyanteng nagtitilian, naghihiyawan, nagbubulungan at iba pa.

“Guys, Andito na si Miss Elaine!”

“Pare ang ganda ganda at sexy pa niya”

“Girl tignan mo oh, may bagong designer’s bag na naman si Miss Elaine”

“OMG! Ang ganda ganda talaga niya!”

‘Yan ang aking mga naririnig ngayon. Andito kasi ang Queen Bee ng school. Si Elaine Yssabel Buenavista. Bakit kaya siya nandito ngayon? Dati naman hindi siya pumupunta dito. Hays! Maka review na nga.

“Ticky tock tock ticky tock….”

“Hello, Trevor speaking. Who’s this?

“Uhm, Hello Young Master! Sabi po ng Dad niyo pumunta  daw po kayo ngayon sa Company niyo”

“Ngayon na? May klase pa ako eh”

“Pagka tapos na lang daw po ng klase niyo. Bye Young Master!”

“Bye”

5 minutes na lang before math class ko. Binuhat ko ang mga libro ko tapos sinuot yung eyeglasses ko. Kapag nasa library kasi ako tinatanggal ko yung eyeglasses ko. “Blaaaagg!!” nahulog lahat ng libro ko sa sahig pati na rin yung bag ng nakabanggaan ko. Pinulot ko yung mga libro ko at bag niya. Tsaka nag sorry ako sa kanya.

“Ano ako tanga para tanggapin yang sorry mo? Ano bang magagawa ng sorry mo ha? Mababayran ba niya itong bag ko! Mas mahal pa nga ‘tong bag ko kaysa sa buhay mo eh!

Nakatingin na lahat ng estudyante sa amin. Nag sorry na nga yung tao dadak pa dadak.  “Oh what a brain!” Hindi ko na lang siya sinumbatan at umais na ako. Nang makarating ako sa classroom namin, wala pa yung teacher. Umupo na ako tsaka nag basa ng libro. Pagkaraan ng 20 minutes dumating na din yung teacher naming.

“Good Afternoon Class! Mr. Tan pumunta ka na sa Study Room at doon ka mag review.”

“Okay po Sir” 

Umalis na nga ako sa classroom at nagtungo sa Study Room. Sana may ka vibes ako doon. Binukasan ko yung pintuan, puna na yung ga upuan. Tumingin ako ng mau-upuan at ayun nakahanap ako. Pumunta agad ako doon, mahirap na baka maagawan. Tumingin ako sa mukha ng mga kasama ko at lahat sila naka tingin sa iisang direksyon. Para ngang luluwa na yung mga mata nila at tumutulo na rin yung laway nila. Umupo na ako at nag umpisang mag review. Tumingin ulit ako sa mga kasama ko at naka titig pa  rin sila sa katabi ko. Tinignan ko yung babaeng kaupo ko. Maganda siya pero mukhang suplada. Napatingin siya sa akin, nahalata niya siguro yung pag titig ko sa kanya. Umiwas ako ng tingin. Feeling ko naka tingin pa rin siya sa akin.

“Diba ikaw yung nakabangga sa akin kanina sa library?”

“Uhm….” Tumingin ulit ako sa mukha niya. Naalala ko na. Siya yung Queen Bee na nabanngga ko.

“Ah… Oo ako yung nakabanggasayo kanian. Sorry doon huh?

“Alam mo ba kung gaano kamahal tong bag ko na to? Alam mo rin ba na mas mahal pa ‘to sa buhay mo?!”

Hindi ko ulit siya pinansin pero ini insist parin niya kung magkano yung bag niya. Hindi na ako naka pag pigil kaya sinumbatan ko na siya.

“Magkano ba yang bag mo at babayaran ko!!??!”

“450 Thousand Pesos! Kaya mob a yang bayaran ha!”

So, yung buhay ko worth 450 thousand lang? Anak ng bulag naman oh!

“Wait lang tatawagan ko yung secretary naming para mabayaran na kita.

Tinawagan ko yung secretary naming at sinabi ko yun. “Miss Queen Bee, bukas ko na ibibigay yung bayad ha?”

Hindi siya umimik at nagpatuloy na lang akong magreview hanggang natapos ang study hour.

Elaine’s POV

Akala ko hindi niya talaga sasabihin na babayaran yon, dun ako nagka mali. Hindi naman kasi siya mukhang mayaman, ang gulo-gulo ng buhok, at ang pangit ng fashion sense niya. Mayaman kaya siya? Kung mayaman man siya, mas mayaman pa rin ako!! HAHAHAHA. Makapag aral na nga, balita ko kasi valedictorian yun every year tapos kalaban ko pasiya sa tournament. Dapat ma beat ko siya, ako kaya yung Queen Bee ng school. Hindi ako katulad ng ibang Queen Bee na puro pagpapa ganda lang ang nasa utak. Mas prina priority ko yung academics ko. Suplada ako sa kanilang paningin pero kapag nakilala talaga nila ang tunay na Elaine Yssabel Buenavista, mawiwindang sila!

Pagkatapos ng review hour naming bumalik na kami sa mga classroom naming. Naka tingin na naman lahat ng estudynte sa akin. Halos araw araw naman habit nila yan eh, mapa babae man o lalaki. Abot talga hanngang PLUTO yung ganda ko. HAHAHA. Last subject na naminat saw akas makaka uwi narin ako.

Krrrriiiiiiiiiinnnnngggg.

YES! Napa sigaw ako sa tuwa. Lumabas agad ako sa classroom at dumeretso sa parking lot. As usual naka titig na naman sila sa akin. Pag liko ko papuntang parking, may nakita akong lalaking matangkad, maputi, matangos ang ilong, tapos ang ganda pa ng fashion sense niya. Nakasuot siya ng long sleeves na gray tapos naka vest siya ng black. Naka ¾’s siya tapos naka sneakers. May hawak hawak siyang bag na para sa akin ang bigat bigat. Shhzz. Hindi ko ma alis yung tingin ko sa kanya. Naka titog lang ako sa lalaking yon. Pumunta siya sa kotse niya. OMG! Ang ganda ng kotse niya. Naka Aston Marin Vanquish. Pilit kong tinitigan yung mukha niya sa loob ng kotse pero hindi ko makita kasi mabilis niyang pinaharurot yung kotse niya.

“Elaine!!”

Itutuloy…

Sino kaya yung lalaking nakita ni Elaine? 

The Nerd Boy's Love [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon