Chapter 34: Encounter

985 44 0
                                    

Chapter 34: Encounter

- Tyler -

Nabalitaan kong naka uwi na pala si Yssa dito sa Pilipinas. Proud ako sa kanya dahil isa na siyang World Class Artist. Palagi kong sinusuportahan ang mga art exihibits niya. Ngayon meron siyang Art Exihibit na gaganapin and I think in 2 days na yun.

Pupunta ulit ako sa At Exhibit niya and this time magpapakita na ako sakanya. At hihingi ako ng patawad sakanya. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra sa ginawa ko. Gusto kong mapatawad niya ako at hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. I love her until now and then

- Yssa -

Kaunting finishing touch na lang ang gagawin sa exihibit at matatapos na rin. Sana maging successful ito kagaya ng iba kong art exhibits. Itatampok ko ngayon ang mga paintings ko na all about female at children. Isang charitable exhibit ang gagawin ko ngayon at ang malilikom na pera ay i do-donate sa sinusuportahan kong foundation para sa mga bata.

This is it!

Exhibit day ko na! Super excited na ako at sana magustuhan ng mga tao ang mga works ko. Bago ako bumaba para mag breakfast naligo na ako at nag ayos.

"Good morning Yssa!" Bati sa akin ni Trevor na prenteng naka upo sa sofa namin.

"Ang aga mo naman ata. 6:30 pa lang oh"

"Gusto ko lang kasi na ako ang magiging escort ng mahal ko"

Sa sinabing yun ni Trevor, nag init kaagad ang pakiramdam ko. Kapag nag sasalita si Trev ng ganon feeling ko ang daming langgam sa paligid ^^

"Halika, mag breakfast na muna tayo"

After naming kumain ng breakfast, pumunta na kami ni Trevor sa Sa gallery kung saan gaganapin yung exhibit ko. At exactly 8:00 AM ibubukas na ang aking exhibit.

"Congratulations to Miss Elaine Yssabel Buenavista!" Sambit ng emcee pagkatapos ng ribbon cutting at nagpalakpakan naman ang mga tao. Ang saya ko dahil andito ang family ko at madaming tao ang dumalo.

Madaming tao ang nag congratulate sa akin.

"Yssa, as expected ang gaganda ng artworks mo. Here flowers for you" sabi ni Trevor. Red tulips na naman ang binigay niya. Ang mahal kaya ng isang tangkay ng tulips tapos yung binibigay niya bouquet. Dibale madami naman siyang pera hahaha.

"Thank you Trev!" Sabi ko sakanya.

Ang exhibit ko ay tatlong araw lang and I hope madaming malilikom na pera para sa foundation na tinutulungan ko. Pinapanood ko lang yung mga tao na tumitingin sa mga works ko at lalong nadagdagan ang kasiyahan ko dahil sa mga reaksyon ng mga tao na tumitingin sa mga gawa ko. Ang saya saya nila.

- Tyler -

Buti na lang naka abot pa ako sa opening ng exhibit ni Yssa. Sa Edsa talaga ang may forever, forever sa traffic. Kainis! On the other side, nakita ko na todo ngiti si Yssa at dahil doon ngiting ngiti naman ako. May dala akong bouquet ng flowers na may nakalagay na letter.

Ang ganda ng mga paintings ni Yssa at yung mga tao wow na lang angnasasabi kapag nakikita ang mga ito. Sinusundan ko si Yssa kung saan man siya pumunta dito sa gallery kasama ay yung bestfriend niyang nanliligaw sakanya, yung nerd. Yes, napag alaman kong may nanliligaw sakanya. Dakilang stalker kaya ako!

May nakita akong painting niya na nagpapa alala sa samahan namin. Yun ay yung customize bracelet namin at ang background ay bright at dull colors. Gusto ko tong bilhin kaya naman tinawag ko yung assistant dito sa gallery para ipaalam na bibilhin ko ito.

"Sir this painting is the Most Treasure painting of Miss Yssa. Ito lang po yung painting may naiibang design among all the paintings of Miss Yssa. Kung gusto niyo pong bilhin ipapaalam ko lang po sa Artist" sabi ng gallery assistant

"Basta ibalot mo na yan at babayaran ko na"

Nag aalangan namang kinuha ng gallery assistant ang painting.

"Sabihin mo tumawag na lang siya dito" sabi ko tsaka binigay yung calling card ko sakanya.

Tumingin ako kay Yssa at kasama niya pa rin yung bestfriend na nanliligaw sakanya. Tawa sila ng tawa at kung nagtitinginan sila nag i-smile sila sa isa't isa. Dahil doon naiinis ako. Basta naiinis ako

Nang umalis na yung kasama ni Yssa agad akong lumapit ng kaunti sakanya. Nang masigurado ko ng walang tao nspag pasyahan ko ng magpakita. Ito na talaga, gagawin ko na. I'll take the risk at kahit na anong mangyari tatanggapin ko. Lumapit ako sa kanya na naka shades para hindi niya ako makilala kaagad

"You're works are amazing" sabi ko sakanya habang tinitignan yung paintings

"Thank you!" Sagot niya. Shet wala na akong maiisip na sabihin. Natiklop yung dila ko. At nang akmang aalis na siya hinawakan ko yung braso niya para pigilan siya

"Excuse me?" Tanong niya sa akin at nakatingin sa kamay ko na nakahawak sa braso niya. Suot ko pala ngayon yung bracelet na pina costumize namin dati. Siguro pamilyar siya sa bracelet na ito.

"Uhm..." Yan na lang ang nasabi ko. Hindi ko talaga alam kung ano ang tama kong sasabihin. Binigay ko na lang sakanya yung bouquet na hawak ko.

"Thank you! Hmm, you look familiar. Have we met?" Tanong niya sa akin

Ito na ang tamang oras para sabihin sakanya.

'Yes we have met" inalis ko na yung shades ko habang nakatingin sa mukha niya. Nang makita na niya ako, mabilis na nagbago ang reaksyon. Yung saya na nasa labi niya kanina ay napalitan ng sadness.

"How had you been Yssa?" Tanong ko sakanya. Hindi siya sumagot at nag thumbs up na lang tsaka ngumiti ng pilit.

"Yssa..."

"Yes?" Mabilis niyang sagot

"Can we talk?"

"Ano pang pag uusapan natin Tyler? I think wala na"

"Yssa meron pa, please let me talk to you"

"Sorry Tyler but I have another appointment to go" tapos umalis na siya

Mababakas ko sa mukha niya na malungkot siya at naramadaman ko rin na pilit siyang umiiwas sa akin. Sa pagtingin ko sa mata niya, nakita ko ang sakit na ipinaramdam ko sakanya.

I'm sorry Yssa, hayaan mo na babawi ako...
Mahal pa rin kita...

------------------------------------

Thanks sa pagbabasa 😘

The Nerd Boy's Love [ Completed ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon